*Chapter 4

1.9K 56 4
                                    

Ashley

Its been a month mula nung nangyari sa mall. Well, kung magtatanong kayo kung anong nangyari nung hinatid ako ni Troy?

Nothing special, actually.

Tahimik lang kami buong byahe, nagsasalita lang ako kapag tinuturo ko sa kanya kung saan yung daan. Malamang diba? Di naman nya alam yung bahay namin. Tapos sya nagsasalita sya kapag tinatanong naman nya yung daan. Like, "Sa left ba, or Right?" ganun lang.

"Uh-um.. Jan na lang sa may brown na gate."

"Ah, okay." Tipid na sagot niya.

tss. ang boring naman nito.. Akala ko naman may kilig moments or something. Ganun naman di ba? Pag may naghatid sayo? Ganun nga ba?

Pagkapark nung sasakyan bumaba sya agad.

Aba, baliw 'to ah! Iwan ba ako?!

Teka, Bahay nya? bahay nya? Nauna pa sa akin eh! tss.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse para bumaba na ng bigla itong bumukas.

Tss. Muntik pa akong mahulog! Ano ba to, automatic?!

Nang mabuksan na ng tuluyan yung pinto..

Ah. Ok.

speechless.

OA na kung OA. Malay ko ba na pagbubuksan ako ULIT ng isang Troy Villarosa at aalalayan pababa ng kotse di ba? (pinagbuksan sya nung pasakay sila, remember?)

Ang gentleman talaga ng isang 'to. Siguro magkakaibigan na ang mga magulang nila noon pa. Kaya no choice na to nang maging kaibigan niya sila Ethan.

Hindi talaga ako naniniwala sa kasabihang.. "Birds with the same feathers.." ano nga kasi yung kasunod? aish! Alam nyo na 'yon! Kung hindi nyo alam, igoogle nyo nalang.

"Ah... Ashley.." Naiilang na tawag niya sa akin.

"Yes?"

"Thank you, dahil pumayag ka na ihatid kita."

"Huh? Parang baliktad ah? Thank you dahil hinatid mo ko." Ngumiti ako.

"Don't smile like that. Baka makalimutan kong kaibigan ko sya."

"Huh? Sino?" Pagtataka ko. Anong ibig niyang sabihin?

"I like you. Since the first time i saw you nung first day of school. kakatransfert mo palang 'non."

What?

Ito na ba yon?

Natawa ako sa sariling mga ideya.

"But... I think... he likes you more."

Then he kissed me on my cheeks.

Shit! Nagmura na lang ako sa isip ko pero hindi ako gumalaw.

Wow. Iba rin. Parang ilang weeks lang wala akong kinakausap ni isa sa kanila.

"Bye. Friends na tayo ah?" Ngumisi siya sa akin.

Gulat at namumula pa rin ang mukha ko habang  tinitingnan yung kotse nya na papalayo.

What the hell was that?!

FRIENDS?! After what he said?!

Hindi naman sa gusto ko ng more than friends.. Pero.. Aish!!!!!

Ano yung mga sinasabi nya kanina?!

Hindi ko na maintindihan. Masyado talagang mabilis ang mga nangyari. Hindi ko alam kung pinagtitripan niya ba ako o ano.

Kaya ngayon alam ko na kung bakit magkakaibigan sila!

Pare-pareho silang magulo at wala sa mga tamang pagiisip.

"Ashley!!!!!!" Malakas na sigaw ng kaibigan kong si Cath.

Unang araw ng school year ngayon.

"Ash, tara na! male-late tayo nyan eh!" Pagrereklamo niya.

"Male-late? O nang dahil sa akin hindi na kayo makakapagkita ni Blake bago magstart ang klase?"

Pumula ang pisngi niya dahil sa sinabi ko. Akala niya hindi ko mahahalata yang mga ganyan niya ah.

"Oh, edi tama ako? Tss. Tara na nga. Kung tutunganga ka lang dyan, talagang hindi na kayo makakapagkita pa.."

Ngumuso siya. "Hindi naman yun eh"

"hindi daw.. Bahala ka nga.." Nagsimula na akong maglakad.

Pagpasok pa lang namin ng gate ng school nakatingin na sa amin ang mga tao, especially girls. Problema nila? At, nagbubulungan pa!

"Di ba sila 'yon?"

"Oo nga no? Sila nga 'yan."

"Gosh! They don't even deserve it!"

"Di naman kagandahan ah!"

Kami ba talaga pinagbubulungan nila? Wala naman kaming kasamang pangit ah? May nakikita ba silang di namin nakikita? Inirapan ko nalang sila.

Aba, ang mga walanghiya! Di daw kami kagandahan! Kung yung maganda para sa kanya eh yung mukha nya, aba! Talagang hindi kami maganda. Ano yun? Magkamukha kami?!

"Bakit kaya sila pinalipat?" 

"Di ba sya yung laging kasama ni Blake?"  

"My gosh! Such a flirt!"  

Tiningnan ko naman si Cath,

"Ash, Ano bang pinagsasabi nila? Tayo ba ang pinaguusapan nila? Wala namang pangit sa ating dalawa ah.. Pangit ka na ba ngayon Ash? Ikaw ba yung flirt na sinasabi nila?!"  

Baliw 'to.. Pasalamat 'to at kaibigan ko sya kung hindi, baka nasampal ko na 'to. Ang OA eh..  

"Araw-araw ikaw ang kasama ko. Sa tingin mo?!"  

"Eh, joke lang." Nagpeace sign pa sya.

Inarapan ko lang.

"Tara na nga lang sa bulletin board ng malaman na natin ang section natin.."

"Sana magkakalase pa rin tayo!" Sabay hawak niya sa braso ko.

Naglakad na kami papunta sa bulletin board. Nang makarating kami...  Parang gusto ko na lang punitin 'yung isang papel kung saan nakalagay ang mga pangalan namin ni Cath.

Si Cath naman ay namumula pa habang pinagmamasadan ang papel na 'yon.

Paano ba naman kasi nakabura yung pangalan namin ni Cath dun sa List nung dapat sanang section namin. Tapos may nakalagay na paper.  

"Ms. Cathy Nicole Villafuerte and Ms. Sofia Ashley Mercado Please proceed to Class S's Classroom. Classmates na tayo! See Yah!"  

- Blake Wilson    

Papaanong? Ow gosh! I forgot! Hindi pala dapat 'paano' yung dapat na tanong kundi 'bakit'.

Kaya ba parang kakainin kami ng buhay ng mga babae kanina dahil dito?! Nababaliw na ba sya?!

Hindi pa rin kumikibo si Cath. For sure kinikilig yan. kung kami lang dalawa dito? Nagwala na to.

Malamang kanina pa nagtatatalon yan!    

Sa Class S na talaga kami???    

AYOKO!!!!    

Gusto ko ng tahimik na buhay!!!

At kung ang klaseng yon ang kahahantungan ko, imposibleng maging tahimik ang buong school year namin.

Ano bang naisip ni Blake at isinama-sama niya pa ako? Pwede namang si Cath nalang ang kinuha niya.

_______________________  

Please vote and comment :)

AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon