Chapter 15

1.7K 45 1
                                    

Ashley's POV

Ilang araw matapos ang announcement about dun sa bwisit na performance na 'yon, heto kami ni Troy.. WALA PA RING PROGRESS!

Walang progress ang ipeperform namin ah.. Hindi yung sa AMIN.

Hahaha!

Wala pa kasi kaming matinong napag-uusapan about dun sa ipeperform namin.. kung anong kanta at kung ano-ano pa.. Argh!

Bakit? Eh kasi naman, may practice sila sa Basketball Team after ng class! Remember kasali na sila?! Kaya nga naiilang na akong manood ngayon ng practice..

Tapos nung Sunday naman.. Tinawagan ko sya.. OO MAY NUMBER NYA AKO! WHAHAHA! Gusto nyo ng flashback? Hihihi. Sige na nga..

*flashback

Pagkatapos nung klase namin nung araw na iniannounce ni Ms. Madrigal yung about dun sa performance, dumaan muna ako sa locker ko para iwan yung ibang gamit ko kaya nauna nang lumabas si Cath.

Habang naglalakad ako, naramdaman ko na parang may sasakyan na sumasabay sa paglalakad ko. Hindi naglakad yung sasakyan ah?! Wag kayong pilosopo!! Paliparin ko kayo sa Jupiter!

Sumasabay, I mean yung bilis ng paglalakad ko?

Tumingon ako sa likod..

Teka, parang pamilyar yung kotse..

Habang titingnan ko namang mabuti, binuksan nya naman yung ilaw sa harapan..

Aba bastos 'to ah!!!

Padabog akong lumapit dun sa kotse. Makaktikim 'tong driver na 'to!

Akmang papaluin ko na yung may pinto nung mapansin kong parang bukas na yung bintana nya..

Argh! Hindi pa makabawi yung mata ko sa ilaw kanina..

"Hello Ashley! Tara! Sabay ka na!"

O__O

Oh my! Si Troy Pala!!

"T-troy.."

*end of flashback

Hihihi! Yun na nga! Kilig much? Ishinare ko lang na inihatid nya ako.. Hahahaha.

Syempre joke lang. Eto na talaga..

*flashback

sumakay na ako ng kotse nya. Tahimik lang kami habang nakikinig ng music sa sasakyan nya..

Hindi ko nga namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay namin..

"Tara? Pasok ka muna?"

"Ahm hindi na.. Maybe next time nalang.."

Next time? Ihahatid nya ako ulit!!!

Mag-aapply ba syang driver ko? Lols.

"Ahh. Sige, ikaw bahala. ^.^"

"Ahm. Ash, C-can I have your number? I mean para matawagan mo ko at matawagan din kita in case na may may-isip tayong idea about sa ipeperform natin next saturday."

Wushu!! Kung maka explain.. wala naman akong sinasabi ahh.. Hahaha. Assuming!!

"O-okay lang. Where's your phone?"

"Here."

Iniabot nya sa akin yung phone nya at idinial ko naman yung number ko.

AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon