Chapter 33

1.9K 49 0
                                    

Chapter 33

---

Naramdaman kong may humahaplos sa mukha ko. Hinayaan ko lang 'yon at hindi na lang pinansin. Hanggang sa mapagisip-isip ko kung nasaan ako ngayon at kung sinong kasama ko. Napabalikwas ako ng bangon at nakita ang nakangiting mukha ni Ethan Buenavista.

“A-Anong ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya na may halong pamamaratang. Bakit ba gan'on sya kalapit?! May binabalak ba sya?!

“Ang pangit mo talaga pag bagong gising. Hindi ka si sleeping beauty kaya wala akong balak na halikan ka. Don't worry.”

“Tss. Wala ka ring karapatang maging prince charming kaya manahimik ka!”

Binuksan ko na 'yong pinto ng kotse at bumaba na. Nandito na kami sa loob Fairytale Resort. Paano ko nalaman? Binasa ko. Ang laki 'nong signage eh.

“I'm sorry ma'am, pero wala na po kasing vacant na kwarto. Nakabook na po lahat para sa isang school.”

Hindi ba ako mukhang estudyante ng school na 'yon, miss?! Ang sarap sakalin nung scarf nya sa leeg, eh!

Pasagot pa lang ako ng maramdaman ko si Ethan na nasa likuran ko na, at sya na ang nagsalita.

“We're from Wilson's. You should've asked that to her first before you said sorry. You're insulting my girl.”

Natunganga naman 'yong babae at yumuko na lang.

“I'm sorry sir, I'm sorry ma'am. Can I have your names?” Tapos ay nagsimula na niyang icheck 'yong nasa computer nya.

“Sofia Ashley Mercado and Caleb Ethan Buenavista.” Si Ethan pa rin ang sumagot.

Napatingala ulit sa amin 'yong babae, pati na rin 'yong isa nya pang kasama. Sa amin ba talaga o kay Ethan lang? Tapos ay nagmadali sya lalo sa ginagawa nya 'don sa computer nya at kulang na lang ay tulungan pa sya nung isang kasama nya. Mabalis nilang ibinigay sa amin 'yong mga parang card na isu-swipe sa may pinto.

“Bakit magkalayo 'to?!” Problema ng lalaking 'to? Hindi nya ba nakikitang natataranta na ang mga babaeng kaharap namin?

“So?” Nakataas ang kilay ko ng tinanong sya.

“I'm sorry, sir. Ang school nyo na po kasi ang nag-ayos nang mga yan. Ibinigay na lang po sa amin 'yong mga naka-assigned sa bawat room.”

“Ayos lang miss. Pabayaan mo 'yan.” Kinuha ko na 'yong card ko kay Ethan.

Dala nya ang bag naming dalawa. Iniwan ko sa sasakyan nya 'yong bag ko para maging gentleman naman sya at sya 'yong magdala. Nasa elevator kamin ng tinanong ko sya.

“Bakit ba ang harsh mo dun sa babae?”

“Tss. Kung hindi ko lang alam, mas masahol pa 'don ang gagawin mo kung hindi ako sumingit kanina. Siguro... binabalak mo na syang sakalin nung scarf nya, ano?” Paano nya nalaman 'yon?

“Pag mga masasamang bagay talaga alam mo, ano?”

“Hindi ako magiging leader ng number gang kung 'yon lang hindi ko mahuhulaan.” Napairap ako. Yabang.

“Ang yabang mo!” Sapakin kita, eh.

Ngumisi lang sya.

Hinatid nya ako sa tapat ng room ko.

“Akin na 'yong bag ko?”

“Open the door.”

“'yong bag ko.”

“Bakit, 'yong bag mo ba ang ipagbubukas mo? Ayan 'yong card. 'yan 'yong ginagamit.. In case you didn't know.” Nag-iwas pa sya ng tingin. Halata namang pinipigilan ang pagtawa.

AshleyWhere stories live. Discover now