Epilogue

3.5K 128 15
                                    

ATLAS

WHEN I woke up from a long sleep, may magasawa nang ngumiti sa akin. They called me son, but there's one problem.

Hindi siya ang tatay ko.

"How are boy?" Ngumiti sa akin ang lalaking tinawag akong anak, "You have to eat for you to regain strength, don't worry, hindi ka namin sasaktan"

And true to their words, hindi nga. Lalo na nang nalaman kong wala na si Papa, nagiisa na lang ako.

Kahit napuno ako ng pagmamahal mula sa mga umampon sa akin, meron pa ring kulang. Hindi pa rin nasasagot kung bakit kailangan mangyari sa akin ang mga bagay na ito...

Hanggang sa nakilala ko siya.

She was the most beautiful woman that I've met, kahit nakakunot ang noo mula sa pagbaba sa yacht ay kitang kita ko ang taglay niyang ganda.

Paano pa kaya kung ngumiti ito? Then, I saw her eyes that night on the bar. Habang ang lahat ay nagsasayaw siya ay nasa tabi at umiinom ng Shirley Temple.

Walang balak maglasing pero mukhang lunod na sa sakit ng nararamdaman. For the first time, para akong nakaharap sa salamin.

Nang lapitan ko ay tapang agad ang ibinugad sa akin, natatawa na lang ako dahil intinding intindi ko siya. I used to be like that and still struggling to be and I figured out, hindi pala ako nagiisa.

She's stubborn, opinionated, and self-assured. Dominante pa kung tumingin, tila walang kinakatakutan pero mukha lang pala.

Pareho kaming takot hindi mahalin, pareho kaming takot hindi tanggapin.

I have a loving family who accepted me for who and what I am, pero hindi natatanggal sa isip ko kung hanggang kailan; hanggang kailan nila ako mahal?

But with Luna, it's different.

Hindi ko kailangan tanungin kung hanggang kailan niya ako mamahalin dahil wala naman akong planong tigilan siyang kuhanin.

Sa kanyang pagmamahal ako hindi nangamba kung hanggang kailan dahil alam kong hindi man niya ako mahalin ay ako'y sa kanya magpakailanman.

Thank God, she felt the same.

"Atlas..." she crawled up to me at sumiksik sa braso ko, so I encircled my arms around her as she rested her head on it.

Alam ko na ito.

"Yes, Ma vie?" I kind off pinched her nose.

Tinaboy niya ang kamay ko, "Nagugutom kami.."

Napababa ang tingin ko sa bilog niyang tiyan, ang kamay niya ay nakahimas doon. Napangiti na lang ako.

Gumalaw ako at binaba ang ulo sa tiyan niya, "How's my superstar? Gutom na ang prinsesa ko?"

Luna chuckled, she loves how I call our second baby my superstar. Well, she's my moon and this baby is my star. Si Alesso? He's my sun.

"Dali na.." Luna gave me that puppy look, "Please?"

"Why don't we go out? Tayo nila Alesso" I proposed, maaga pa naman.

Napasimangot ang misis ko, "Masakit ang paa ko" pagtataray sa akin. Isa lang ang napatunayan ko sa pagiging asawa, kahit pala doctor na ako ay hindi ko sukat akalain na ganito ang mga naglilihi.

"Okay, ano ba ang gusto ng babies ko?" Tukoy ko sa kanilang mag-ina. "I'll buy it now"

"Hindi ko alam..." Now, that's the problem. "Ikaw ng umisip.."

"Ma vie, this has happened before" I told her, "Lahat ng kinuha ko ay ayaw mo, sayang naman--"

"Pwede mo naman sabihin kung ayaw mo" She got up and was about to walk out. Ang cute lang, para siyang batang nagtampo at may bitbit na bola sa tiyan.

Conditions of WorthWhere stories live. Discover now