Chapter 20

2.2K 84 1
                                    

ANO nga ba ang mali at tama? Kailan ba nagiging tama ang damdamin, kung pareho ba ang nararamdaman o oras ang magsasabi?

Nasa tagal ba talaga ito o nasa pagkakataon? Mali ba na aminin niya sa sarili na iisa sila ng damdamin?

"Argh!" Napahilamos si Luna sa mukha, Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kaunting kaunti na lang at bibigay na ang puso niya sa bawat pasaring nito, tila alam na alam kung papaano siya... Damn it! This is all new to her!

Biglang pumasok si Gretel sa loob ng villa niya, may inabot na naman na sulat. "Kung nasa labas siya pakisabi ayoko muna siyang makita" aniya sa dalaga.

"Wala po siya, Ma'am. May pasyente po ngayon na dinadaluhan kaya pinapabigay po niya ito sa iyo" Kinuha na niya iyon at nagpaalam na ang dalaga.

Hindi niya alam kung bubuksan ba niya ang papel. Handa ba siyang malaman kung ano ang nakasulat doon? Ano na namang pakulo nitong doctor na ito?

Luna,

I know I've been giving you already a hard time. Believe me I didn't want to make things hard for you, alam ko ang deal at alam ko ang nais mong mangyari.

But, it's been hard for me either. Since you came.. gosh I know it may sound gay but since you came I was never the same. Nung una gusto ko lang alagaan ka bilang isang doctor, pero ngayon gusto kong alagaan ka higit pa doon.

I know it is sudden. Maging ako nagugulat sa nangyayari sa akin, but I can't let this day slip without telling you that my feelings were true. I like you, Luna and I know you feel the same way, too. Please, don't stop yourself... let me in. Let me show it to you.

I'll wait for your reply this night. Same place, same time last night. Kapag nagpunta ka, it means you'll be wiling to take this chance on me.

Wiling to wait,
Atlas

What the hell?

Ano ito? Ano itong sulat na ito?!

Napapikit si Luna, hindi na malaman ang gagawin. Parang tambol ngayon ang puso niya dahil sa lakas ng pagtibok nito!

What's wrong with you! She thought. Hindi siya mahina, hindi siya marupok! Hindi siya...

Hindi siya...

Hindi siya...

Argh!!!!

Hindi na niya nakayanan pa. Damn it! Damn her pride! Agad siyang bumangon ng kama at nagayos pagkuwa'y tinawagan si Hansel para ihatid siya sa talon.

Papalubog na ang araw. Hindi na bale kung mauna siya basta ang mahalaga ay mailabas na rin niya sa sarili ang nararamdaman.

Tama ba o mali? Wala na siyang pakialam! Sa ngayon ay gagawin na niya ito para din matahimik na siya.

Bakit pa nga ba niya papahirapan ang sarili kung pwede naman niyang aminin na lang ang nararamdaman?

When she arrived at the place, wala pa si Atlas doon. It's okay, maaga pa. Damn it, ano kaya ang sasabihin niya?

Bahala na!

She waited and waited until the sunsets down. Humampas ang malamig na hangin sa balat niya at rinig na rin niya ang mga kuliglig sa paligid.

"You came"

Napalingon siya sa tinig na kanina pa hinihintay ng tainga niya. She stilled, hindi alam kung ano ang gagawin.

Lumapit ito sa kanya na may ngiti sa mga labi. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, may dapat ba siyang sabihin?

"Hey" Napabalik ang tingin siya sa mga mata nito nang ilapit nito ang labi sa noo niya, he planted a soft and gentle kiss.

Napakunot ang noo niya, bakit kasi sa noo? Tila nabasa ng lalaki ang iniisip niya kaya napatawa ito nang bahagya.

"Tsaka na kapag sinagot mo na ako" he caressed her cheeks and lips, "liligawan muna kita"

----

"MA'AM Luna?" magkatabi sila ni Atlas na nasa tabing dagat nang lumapit si Gretel sa kanila, "Tawag po para sa inyo"

"Tawag?" Napatanong si Atlas, "Sino daw?"

"Ares daw po"

"Ares?" Atlas cocked a brow at her. Bigla siyang kinabahan, bakit naman ito napatawag? Agad niyang kinuha ang telephone na hawak ni Gretel at sinagot iyon.

"Ares?"

"Ate!" Agad nitong sambit, "Mabuti naman at nakontact na kita, you have to come home.."

"You know that I can't--"

"Dad got into an accident" Natigilan siya sa sinabi ng kapatid, "He's in coma right now and the doctor said..." Humihikbi na ito.

Nanginginig si Luna sa narinig. Kahit naman masama ang loob sa ama ay mahal niya ito. Accident. He got into an accident!

"What's wrong?" Tanong ni Atlas sa kanya, "Hey.."

"I need to go home.." halos pabulong niyang sambit. "I need.."

"Hey, why? What's the matter?"

"My Dad got into an accident" aniya sa lalaki, "K-Kailangan ko ng umuwi, Atlas.."

Tumango ito, "Sasamahan kita"

Conditions of WorthWhere stories live. Discover now