Chapter 46

2.7K 104 17
                                    

NAKAHIGA si Luna sa kama at nagpapahinga mula nang umalis ang kapatid nitong si Cassy. She said she wanted to be alone for a while, na kahit maging siya ay ayaw nitong manatili roon.

Of course, he let her but being Atlas, he was checking her everytime. Tahimik lang ito habang nakahiga at hinihimas ang tiyan.

He heard it. From their conversation about their father until the last.

Bakit hindi niya naalala si Cassy? That's the question that kept haunting him. Hindi niya naalala maging ang nanay nito.

"Dad..." He called his father, "I need your help, k-kayo ni Mama.."

"We'll be there..." sagot nito kaagad. Umupo siya sa dining table at matyagang nagantay sa magulang na wala pang isang oras ay nasa labas na ng bahay nila.

Binuksan ni Ate Jo ang pinto at sinalubong niya ang mga ito ng yakap. "What's wrong, anak? H-How's Luna?"

"She's upstairs, resting..."

"Nagaway ba kayo?" Tanong naman ng Mommy niya, "Nagkaroon ba kayo ng hindi pagkakaunawaan?"

Umiling siya at niyakap itong muli, "No, Ma.. Hindi po.."

"Why did you call us then?" His Dad asked, "May problema ba anak?"

"I need answers, Dad" sagot niya, "Hindi ko naalala ang sinuman sa nakaraan ko maliban kay Papa, hindi ko kilala ang Mama ni Luna maging ang kapatid niya na nakalaro ko daw noon..."

Nagkatinginan ang magulang pagkuwa'y hinila siya sa sofa para maupo, "Titignan ko lang si Luna sa taas, magusap muna kayo" tapik ng ina sa Dad niya.

"Dad?"

Huminga ito nang malalim, "Kasama ka sa tumaob na bangka, anak" panimula nito. Walang pagaalinlangan, walang pagkukuro-kuro. "Nang araw na umalis sina Gael at Althea ay kasama ka..."

Napahawak sa ulo si Atlas. Sinusubukang alalahanin ang mga iyon pero... wala.

"Ang sabi ng iba, magtatanan dahil buntis si Althea kay Gael pero hindi ko ganun nakilala ang Papa mo"

"Kilala niyo si Papa?"

"Kilala mo rin ako noon, anak" sambit nito, "Magkaibigan kami ng Papa mo"

"Bakit ngayon niyo lang ito sinasabi sa akin? Hindi ba nagpaimbestiga ako sa inyo? Humingi ako ng tulong... ang sabi niyo nahatulan si Papa ng rape... pero tumakas siya--"

"Si Althea ang nagtakas kay Gael" putol nito, "Hindi ako tumigil ng paghahanap ng sagot sa mga tanong, Evan"

Napatayo siya at napasabunot sa ulo. How could his life get so twisted? Paano ba kasi nagiging ganito kagulo ang buhay? Bakit sa kanya pa?

"Ito na ngayon ang sagot, anak. Nahanap ko na ang totoo.." Nilapitan siya nito, "Hindi ang Papa mo ang nanrape kay Althea, hindi siya..."

Huh? Sino kung ganun? Sino ang dapat magbayad sa kasalanang sa ama niya naibunton? "Sino?"

"Si Apollo" Napakagat ito sa labi, "Hindi isang beses kundi marami hanggang sa nadamay na ang Papa mo. H-He was unwell, anak. He's sick.."

"He's insane!" Sigaw niya, "He's the one who violated his own wife then..." Wala pa lang iba kundi ito! "Siya ang dapat makulong--"

"Anak..." Napatigil siya at napaangat ng tingin sa ina na nasa hagdan kasama si Luna.

Bumagsak ang mga balikat niya at napayuko na lamang sa mga narinig, hanggang sa naramdaman niya ang kamay ni Luna na sumapo sa pisngi niya.

"Eyes on me, ma vie.." She whispered, "It's okay, It's just me.."

"I-I'm sorry, Luna" napaluha na siya, "I don't know what to do..."

Conditions of WorthWhere stories live. Discover now