Chapter 7

2.5K 102 1
                                    

"MARTIN, right?" tawag niya sa nurse nang pumasok ito para magdala ng hapunan sa kanya.

"Yes, Ma'am Luna?"

"Can you please let me go back to my villa?" aniya na tila pautos kesa pakiusap. "Hindi ko pa nga natutulugan ang villa ko and I think I could sleep there!"

"Pasensya na po Ma'am, wala po kasing doctor's consent" sagot naman nito, "May ipapakuha po ba kayo sa villa ninyo? Sasabihin ko na lang po kay Ma'am Vicky"

Napasandal siya sa unan, "I'm getting bored here, kahit T.V ay wala kayo! Kung nasa Manila ako ay marami akong nagawa!"

"But,you're not in Manila. So, it means wala kang choice" Oh, the doctor is in. "Sige na, Martin. Ako na ang bahala rito"

"Yes, Doc" nagpaalam din ito sa kanya at lumabas na.

She rolled her eyes, "What are you doing here? Akala ko may dinner pa ka?"

"Woah, should I be flattered na updated ka sa akin?" Ngumisi ito at umupo sa may armrest sa tabi ng kama niya, pinatong nito ang coat sa likuran niyon.

"You're so full of yourself"

He sexily chuckled, "Akala ko kanina, positive ka na at kailangan lang pahupain ang katarayan mo pero lumubog na ang araw, mataray ka pa rin! What did I do wrong?"

Hindi na niya ito pinansin. She's not usually like this, wala naman siyang tinatarayan pa maliban kapag trabaho na ang usapan. She's just maintaing a straight face. Kaya hindi niya rin alam kung bakit siya nagkakaganito...

"Kumain ka na, masarap ang pagkain dito. Hindi kagaya sa mga normal na ospital"

She sighed. Alam naman niya iyon dahil naubos niya ang pagkain kaninang tanghali, at tama ito dahil masarap!

She suddenly missed cooked meals. Yung tipong lutong bahay? Usually, restaurants na ang kinakainan niya at nakakasawa rin.

"Let me help you" anito at inusog ang portable table para makakain siya ng maayos.

Tinignan na lamang niya ito nang hindi na nakabusangot ang mukha.

"Namumutla ka" pansin nito, "wait a minute.." may kinuha ito sa medicine cabinet sa may comfort room at naglabas ng temperature.

Nilagay agad nito iyon sa tenga niya.  "39 °C" Kinapa nito ang noo niya at leeg. "Mataas ang lagnat mo, what are you feeling?"

She shrugged her shoulders. "Okay lang naman, wala namang iba"

"Are you for real? Kung iba ang nasa sitwasyon mo ay nanginginig na sa ginaw ng pakiramdam!"

"This is nothing. Hangga't hindi pa nag foforty iyan ay ayos lang ako." pinagpatuloy na lamang niya ang pagkain at nang matapos ay pinainom siya nito ng gamot.

Papahiga na siya nang biglang magring ang cellphone nito. Patay, late na sa dinner date!

"You can go. I am fine, doctor" she smirked, nagkatalukbong na rin siya ng kumot. Nakakaramdam na siya ng ginaw at antok. "Thank you"

Ilang sandali pa ay naipikit na niya ang mga mata. Ilang minuto lang ay tila napunta siya sa isang pamilyar na lugar.

"Mooncake!" boses ng ama iyon, hindi ba? "Where have you been? I am so worried about you!" Niyakap siya nito.

"Dad..."

"Hinahanap ka ng Mommy mo, she wanted to talk with you" anito sa kanya.

Sandali, si Mommy gusto ako makausap?

Pumasok siya sa isang kwarto at nakita ang inang nakahiga doon habang nagbuburda. "There's my mooncake.."

"Mommy?"

Lumapit siya rito at sinugod ng yakap. "Mommy!"

Her mom chuckled with delight, "Oh my mooncake, what's the matter?" hinaplos pa nito ang buhok niya.

"Mommy, you're here?" sinapo nito ang mukha niya. She held her hand, too. "Your hands are warm.."

"Of course, mooncake. Are you okay?" Tumingin ito sa mata niya. Her eyes just got misty, tumango lamang siya. "You really think I believe that?"

"I missed you, Ma.." her voice broke, hindi niya inalis ang mga kamay nito sa pisngi niya. "I really missed you, please don't leave me.."

"Luna.." she closed her eyes, ito ang unang tumawag sa kanya ng Luna at dahil doon kaya naging palayaw niya ang mooncake. "My mooncake, anong problema?"

"I just missed you, Mommy.."

"I miss you more" Kinabig siya nito sa isang yakap at napahiga siya sa tabi nito. Tila hinehele siya sa pagtulog kagaya ng dati, habang hinahaplos ang buhok niya. "I'm here, I'm here.."

That lured her to sleep. Iba talaga ang kapangyarihan ng ina. Kung pwede lang ay hindi na siya aalis sa piling nito.

Nagising na lamang si Luna na nasa loob ng mainit at solidong bisig. She loved the warmth that it brought.

But, wait. Kaninong --- "What are you doing?!" asik niya!

"Aww!" Naitulak niya ang lalaki sa sahig. "What's your problem?"

"Problem? You're in my bed! Bakit ka nasa tabi ko?" Tinaas niya ang kumot sa dibdib. "Pervert!"

Sapo sapo pa rin nito ang balakang, "What the hell? Ikaw ang humila sa akin kagabi!"

No way! "Bakit kita hihilain? At isa pa, umalis ka na bago ako nakatulog!"

"Will you calm down? Ang aga-aga pa!" anito at napakamot sa pisngi, "Yes, I left that night pero bumalik din ako kaagad dahil walang magbabantay sa'yo!"

Hindi siya makasagot, that's kinda... argh, sweet? Was that supposed to be sweet?

Utang na loob pa ba iyon?

"Your temperature went 40 °C, kung ibang tao ay kinukumbulsyon na niyon!" Paliwanag pa nito, "But you're just shivering, pinunasan kita ng maligamgam na tubig at hindi mo na pinakawalan ang kamay ko. You're calling your mom's name last night"

Bigla tuloy niyang naalala iyon, panaginip lang pala lahat. Well, she kinda knew what pero umasa pa rin siya na sana hindi lang ito panaginip.

"I-I'm okay..."

"You're not okay! I was about to call your family pero--"

"You're not going to call them" putol niya rito.

Nakasimangot pa rin ito, "But why? Paano kung may mangyaring masama sa'yo? Mas maalagaan ka nila.."

"You're a doctor. Mas alam mo kung paano alagaan ang patiente"

"Iba pa rin kapag pamilya" giit nito.

"I don't have one! Okay?" she snapped. "Wala akong pamilya na kagaya ng iniisip mo! What I have is not a family but a group. Hindi nila ako aalagaan dahil ako ang nagaalaga sa kanila, they can't see me like this- helpless!"

"L-Luna.."

"Thank you for taking care of me last night. Sorry sa date mong napaikli pa dabil sa akin. But, I am okay, now." she said, "You can leave me, kaya ko na ang sarili ko."

Huminga ang binata ng malalim. Siguro napansin ang pait sa tinig niya.

"I'm sorry,okay? Iniisip ko lang na pwedeng nagaalala rin sila sa'yo. I know you can take care of yourself, but, you don't have, too.."

Conditions of WorthWhere stories live. Discover now