Chapter 29

2.2K 98 6
                                    

THEY stayed in his parents house this night. Tulog na si Luna nang lumabas siya ng silid at pumunta sa living room kung saan binuksan niya ang drawer doon.

Kinuha niya ang isang maliit na photo album at dinala iyon sa sofa. Napakagat siya, ngayon na lang niya muli ito bubuksan.

Its his photos. Sa Sierra Flor na hindi pa Sierra Flor noon, nasa taas siya ng bangka ng ama habang ito naman ay nasa ibaba at malaki ang ngiti sa camera.

Naalala niya tuloy ang mga pinagsamahan nila nito. Kung paano siya tinuruan mangisda, lumangoy at kung paano ito taos pusong tumutulong sa tao.

"Gael, alam mo ba ang ginawa niyang anak mo?" napatingin sa kanya ang ama habang kausap ang kapitbahay na si Tsang Sisa, "Aba't marunong pa lang mag-first aid! Na-dikya kasi ang anak ni Ka-Biring, mabuti at naagapan niyang anak mo kundi baka nalason na iyon ng tuluyan!"

Ngumiti sa kanya ang ama. Bata pa lang ay nakitaan na siya nito ng potential maging isang.. "Mayroon ka ng doctor na anak, Gael! Napakapalad mo!"

"Ano ka ba! Kanino pa ba magmamana iyan? E 'di syempre sa ama!" sabat naman ng isa pang kapitbahay nila na kasama ni Tsang Sisa.

Yes, that was his father's name. Nang tawagin pa lang siya ng ama ni Luna sa pangalan na iyon ay alam na niyang ang Papa niya ang tinutukoy nito.

He's his father's photocopy. Mula sa nunal ay nakuha niya.

But, his heart ached when he remembered what Luna's father said. Did he really violated someone? Magagawa ba ng ama iyon?

How could this world be so small? Tila magkakakontekta ang lahat.

"Evan?" naisara niya ang photo album at napatingin sa ama - ang kumupkop sa kanya at tinuring na tunay na anak, "Bakit gising ka pa?"

"May iniisip lang, Dad" aniya pagkuwa'y nilapag ang album sa coffee table, "You?"

He shrugged his shoulder, "Same, hindi pa rin ako makapaniwala na... nagpakasal ka na" he kinda chuckle, "Hindi mo man lang kami, inimbitahan.."

"It was so sudden, Dad" aniya, "But, I'm sorry... I'll marry my wife, again. I'll give her a proper wedding, I promise that"

Kiniling nito ang ulo, "Is she pregnant?"

He chuckled, "No, Dad" wala pa ngang nangyayari, e.

"Bakit kayo nagmadali?"

"I dunno. It just felt... right" sagot niya rito, "I don't know if I love her, Dad, but, I can't let her go away.."

"Hindi mo pa alam kung mahal mo pero pinakasalan mo na? Paano kung hindi pala?"

Umasim ang mukha niya, "Hindi siya mahirap mahalin, Dad. I just want her to feel the same way before I say those words"

"E 'di mahal mo nga" napakamot ito sa ulo, "Denial ka pa" tumawa ito at tila napansin ang photo album na binuklat niya kanina, "Nakita mo pala iyan"

"Yeah, it has been a while"

"You missed him?"

Tumango siya, "Of course, but..."

"But, what?" Tanong nito nang tila napabaha niya ang paghinga.

Huminga siya nang malalim, "I met Luna's family earlier, Dad" aniya, "His father may possibly has post-traumatic amnesia"

"Really? How was he?"

"He called me Gael" sambit niya. Hindi pa rin nagkakaidea ang ama kung ano ang tinutukoy niya, "He called me by my real father's name, Dad"

Naguguluhan ito, "What? He knew your father then?"

Conditions of WorthUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum