Chapter 32

2.1K 78 3
                                    

"THERE you are" It's Ate Ada. "Hinahanap kayo ni Dad, he wanted to know the updated reports of the company."

Napatayo agad si Luna sa kinauupuan, "Huh? But he needs to rest--"

"He needs a distraction, Celestine" sagot nito nang walang emosyon, "Mas maganda kaysa mastress pa siya"

Nagkatinginan sila ni David at sabay na lumabas ng opisina, kakatapos lang nilang magusap tungkol sa proposal na niooffer ni Mr. Saavedra.

Kung totohanan lang naman ang paguusapan. Mr.Saavedra is a great businessman, magaling din ito sa negosyo dahil sa pagkasimpatiko nitong tignan.

Yet, his dirty innuendo's made him. Dirty.

Hindi gusto ni Luna makipagtrabaho sa klase nitong tao dahil tila walang nirerespeto.

"Dad"

"There you are!" anito, "Ayaw ako palabasin ni Ada dito sa silid dahil mapapagod daw ako kaya kayo na ang pinaakyat ko. Let's talk about business, sayang ang oras"

Kita niya sa itsura ng ama ang pangungulila sa asawa. Kaya naman kahit tapos na ang obligasyon dito ay mananatili siya para pagusapan ang kompanyang iniwan niya matapos pagtaksilan ng dating kasintahan.

It was like a closed door meeting dahil naging prupesyunal din ang dalawa sa usapan. Walang ungkatan ng nakaraan, puro trabaho lang.

Inabot na sila ng hapon, pagtingin niya sa relo ay ala-singko na ng hapon. Si Atlas!

Kinuha niya ang cellphone at nakitang may 2 missed calls ito at 10 text message.

Hubby

Wait, who changed that? She rolled her eyes, syempre sino pa ba.

Hubby:
Busy ka pa? How are you?

He sent it around 10 AM.

Hubby:
It's already lunch. Don't starve yourself, wifey. Miss you.

12 PM.

Hubby:
Hindi ka pa ba uuwi? I'm bored, magisa lang ako dito. Uwi ka na, miss na kita.

2PM. Then another two sweet messages. Hindi na pala niya namalayan na napakagat na siya sa labi.

"Celestine? Did you hear me?" Napukaw ng ama ang atensyon niya.

"Sorry, Dad. I was just reading a message--"

He shrugged his shoulder, "Fine. As I was saying, since you're both working as business partners. Kailangan ninyo laging magusap at magkasundo sa iisang plano, hindi pwedeng magkaiba..."

Nagvibrate ang phone niya at nakareceive muli ng panibagong message mula sa asawa.

Hubby:
I didn't know that I have this kind of sepanx until now. Uwi ka na, hindi na ako galit.. haha kidding. But, please come home, I have a surprise. I'll cook for you, wifey.

P.S
Hindi pa iyon ang surprise :)

Napangiti siya. Hindi na naiwasan na replyan ang asawa kaso agad na napansin naman ni David, "Ikaw, Cel.. Do you think that's okay?"

"Hmm?"

"Yung sinabi ni Tito" ulit nito at napatingin sa cellphone niyang sinubukang itago. "Is it.. okay with you?"

Damn it! Wala siyang ka-ideideya. Ano ba yan kasi, hindi nakikinig! Hmpf!

"Mukhang gutom ka na, anak"

Tumalon ang puso niya sa narinig sa ama. Minsan lang siya nito tawaging anak kaya naman... "Halika na, magpapahanda ako ng meryenda at dito na rin kayo maghapunan ni David"

Conditions of WorthWo Geschichten leben. Entdecke jetzt