Chapter 6

2.6K 106 0
                                    

"WHAT have you done to me?"

Ngumisi ito at lumapit sa kanya, "I'm Dr.Evan Atlas Cross and I just save you last night. Good morning"

What the hell was he talking about?

"Save? Kung niligtas mo talaga ako, bakit ako nandito at nakabenda?" pagtataray niya.

"We're having a little attitude here, aren't we?" Sumeryoso ngayon ang tingin nito sa kanya. "Ikaw na'ng tinulungan, ikaw pa ang galit?"

"Paano ako hindi magagalit? You think I forgot that you were the one who forced me to drink that shot! Kung hindi mo ako pinilit ay hindi ako maaksidente ng ganito!"

Nagtangis ang bagang nito at nilapag na lamang sa gilid ng kama ang tray na may lamang mga pagkain.

"I tried to stop you, pero ikaw na ang mismong nagpupumiglas kapag inaagaw ko sa'yo ang baso--" He stopped and cussed, "Why am I even wasting my time explaining myself?"

"Magkano ba?"

Napakunot ang noo ng lalaki, "What?"

"I said, magkano ba ang atraso ko sa'yo? Huwag kang magalala at babayaran ko lahat" Hinanap niya ang bag pero wala nga pala siyang dala dahil sa kaisipang libre siya sa amenities dito. "Mamaya na kita babayaran kapag nakabalik na ako ng villa, pero ilista mo na rin lahat maging ang mga nabasag ko at napaluwalan mo kagabi and I'll pay it"

Wala ng nasabi ang lalaki pero nakakuyom ang palad nito ngayon sa kanya. Lumabas na lamang ito ng silid at medyo padabog itong sinara.

What's his problem? Siya na nga ang babayaran tapos siya pa ang galit?

People nowadays.

Ginala niya ang mata sa buong silid. Hindi niya ito villa kundi mukhang ospital. She looked at her bondage, gaano ba kalaki ang sugat niya at bawat paggalaw niya ang tila masakit?

Ilang oras ang nakalipas ay tila bigla siyang nakaramdam ng uhaw. Naubos na niya ang pagkaing dinala ng lalaki kanina ngunit ang tubig at nasa may table pa.

Malapit lang naman iyon,marahil isang hakbang lang mula sa kama niya. She tried to move slowly, inuunti-unti niya nag paggalaw para hindi masyadong masaktan and when she successfully put her feet on the ground, bigla naman siyang tumayo sa excitement at inabot ang baso.

To her stupidity, her legs fell. Kasabay ng natabig na baso.

Shit!

Hindi niya alam kung ano ang uunahing indahin, ang sugat niyang sumakit o ang baso na nabasag?

"She could go back to her villa pero kung wala siyang makakasama ay mabuti pang dito muna siya para mabantayan---"

Snap! Boses iyon ng lalaki. Hindi niya na matandaan ang pangalan ito pero sigurado siya na iyon ang tinig ng lalaki!

Pinihit na nito ang doorknob kaya naman buong lakas na sinubukan ni Luna na tumayo. He can't see her like that - helpless.

Totoo nga siguro ang adrenalin rush, dahil mas mabilis pa sa alas-kwatro ito nakabangon at nakabalik sa higaan na tila walang nangyari.

"Good afternoon, Ma'am Luna" It's Vicky, "How are you feeling?"

"Better"

"Doc Atlas just informed me earlier, mabuti na po ba talaga ang pakiramdam ninyo? Is there anyone we should call?"

Umiling siya, "No, there's none. I'm fine.."

Tumango naman ito kaagad at nagsabi na lamang na ipapahanda ang service kung kailan niya gusto. Umalis din ito kaagad.

Nang lumabas ito ay lumabas din ang lalaking nagngangalang Doc Atlas. Doon biglang naramdaman ni Luna ang kirot ng sugat sa hita.

"Shit--" Napatuwid siya ng upo at napalunok. She just gave him a poker face.

"How are you--" Ngunit napansin nito ang nabasag na baso, "What did you do?"

"Nothing--" Agad nitong binuklat ang kumot niya! Damn, malapit na pala siyang maligo sa sariling dugo!

Agad naman binuhat siya ng lalaki at nilabas sa silid. Oh snap, her legs were exposed! Hindi siya sanay ng ganito!

"Doc, what happened?" A man in a green scrub suit said.

"Nagbukas ang tahi niya, kailangan lang linisin"

"Okay, Doc. Ako na po"

"No, ako na'ng bahala rito. Pakilinis na lang ang kwarto niya. May mga bubog doon at dugo" Seryosong saad nito sa nurse na tumango naman at sumunod sa rito.

Nilapag siya nito sa emergency room bed at agad na ginupit ang benda na nakapulupot sa hita niya. To her surprise, hindi lang ito basta sugat!

"W-What happened to me?"

Walang ekpresyon ang mukha ng lalaki dahil abala ito sa paglilinis ng sugat niya.

"This might sting"

"Ouch!" Napakapit siya sa puting coat nito at napadaing sa sakit. "Gumaganti ka ba?"

"Bakit ko naman gagawin iyon?" seryoso pa ring sambit nito.

"Obviously-- argh! Galit ka sa akin"

"I'm not that shallow. Isa pa, kung gaganti ako sa'yo. Hindi sa ganitong paraan"

Now, that seemed creepy. Nagtayuan ang balahibo niya sa balat. Nilagyan na nito ng malinis na benda ang sugat niya pagkatapos matahi muli.

 "T-Thank you"

Umangat ang mukha ng lalaki sa kanya, "Uso pala ang positive words sa'yo?"

She rolled her eyes. "Whatever"

Tumayo na ito sa harapan niya at pinamulsa ang mga kamay.

"Hi, Atlas" bati ng isang babaeng nakaputing coat din. "So, who's your patient?"

"A friend" ngisi nito,"Ikaw? Bakit nandito ka pa?"

"Inaantay lang kita. Surf tayo later!"

Tinignan nito ang relo sa kamay, "It's getting late. Hindi na maganda ang alon"

"Alright, what about dinner?"

He shrugged his shoulders, "No problem"

"Okay, see you!"

Kailangan talagang ipangalandakan sa kanya ang landian ng dalawa? Tss...

"Let's get you back to your room"

"Gusto ko ng bumalik sa villa ko" aniya. "Mas makakatulog ako roon."

"Okay, sinong kasama mo doon para matawagan ko?"

"Wala akong kasama" pagtataray niya, "Bakit ba kailangan may kasama ako? I can take care of myself!"

"Really?" Tumingin ito sa hita niya. "Oo nga,mukhang kaya mo na ngang alagaan ang sarili mo. Let me guess,ilang baso kaya ang mababasag mo mamaya?"

She rolled her eyes again, "Damn you"

"Ano ba ang number ng asawa mo at tatawagan ko"

"Doctor ka, 'di ba?" aniya, "Ano bang malabo sa sinabi kong wala akong kasama?"

"Then, you'll be staying here. Martin, pakihatid na si Ms.Luna sa silid niya,malinis na ba?" tawag nito sa nurse kanina.

"Yes,Doc." anito at may hinila na wheelchair. "Let's go, Ma'am"

"Rest well!" kumaway pa ito sa kanya.

Bastard!

Conditions of WorthWhere stories live. Discover now