Chapter 31

2.1K 83 4
                                    

ILANG minuto na si Luna sa banyo nang kumatok na si Atlas. Ayaw pa niya sana buksan kung hindi lang nito sinabi na nagriring ang cellphone niya, naiwan pala niya iyon sa mesa.

Nakakunot ang noo niyang binuksan ang pinto, he's handling the phone to her with a smirk. Great! Pangisi-ngisi na lang ito.

Tinignan niya ang caller ID at nakitang pangalan ng ama ang nakasaad. Agad niyang kinuha iyon at sinagot.

"Dad?" Lumabas siya ng banyo at nagtungo sa living room.

"Mooncake..." Mabigat ang paghinga nito, "W-Where are you?"

Napatingin siya kay Atlas na bumalik sa dining at nakatingin lang sa kanya. He respects her privacy, she really admired him that.

"I-I'm ho--" natigilan siya nang maalala ang sinabi ni Doc Luther na hindi ito pwedeng mastress and telling him that she's home with Atlas might stress him out so, "-on my way to the office.. Why? Do you need anything?"

Hindi ito sumagot sandali, ano kaya ang nais sabihin ng ama?

"Dad?"

"I-I want you to take me home" anito, "Please?"

Totoo ba ang narinig niya? Nasaan ang mga kapatid niya? Bakit sa kanya nagpapasundo?

"Mooncake?"

Tumango siya, "S-Sure, Dad. I'm on my way.."

Bumalik siya sa dining at nilapitan si Atlas, hinawakan nito ang kamay niya at tumingala. "Is there a problem?"

"Dad wants me to fetch him and bring him home..." aniya na medyo naguguluhan.

"What's the matter?" Putol katahimikan nito sa kanya.

Napalabi siya, "N-Nagulat lang ako at naguguluhan... kinakabahan din.. Hindi ko na alam"

"Ihahatid na kita--" Pinigilan niya ito sa balikat, napakagat siya.

"A-Ako na lang, pwede?" napalunok siya, "Besides, hindi ba nakakaabala sa trabaho mo? I mean, you might have patients waiting for you.."

Tinitigan siya nito sa mata. Nakakalusaw.

"I already called. I'm still on my honeymoon leave" Ngumisi ito, "Ihahatid na lang kita.."

"Ahh, paano ko mahahatid si Dad kung--"

"Magcocommute ako pauwi" putol nito sa kanya, "I just want to make sure that you're safe and sound"

Sumuko na ang depensa ni Luna. Aayaw pa ba siya? Her husband wanted her safe...

"Okay.."

"Are you sure na iyon lang ang iniisip mo?" Paninigurado nito.

She kissed his forehead pagkuwa'y ito naman ay yumakap sa bewang niya't sinubsob ang mukha sa dibdib.

I'm sorry, baby...

Nang makarating sa ospital ay agad itong nagpaalam sa kanya. He kissed her cheeks at bumaba na ng sasakyan.

Pinanood niya itong umalis ng ospital, tumitingin pa pabalik sabay kakaway.

Hindi na niya mapigilan ang mapangiti.

"Celestine" Napalingon siya sa tumawag. Bakit nandito ito? Isip niya.

"David"

"Kanina ka pa inaantay ni Tito" anito, "Let's go?"

What the-- "Why are you here?" diretsa niya, hindi ito sumagot bagkus naglakad na diretso sa silid ng ama. "David, sandali nga.."

Conditions of WorthWhere stories live. Discover now