Chapter 39

2.1K 81 5
                                    

PAIN.

Iyon ang nais ibalik ni Atlas sa kung sino mang hayop ang nanakit sa asawa niya.

Parang sinasaksak ng kutsilyo ang dibdib niya sa mga luha na lumalabas sa mata ni Luna. No one has the right to make her cry, even him.

Wala ni isang may karapatan na saktan ito, sa kahit anong paraan.

No one.

Kaya naman nang hindi makasagot si Luna sa tanong niya, kinailangan niyang pigilin ang sarili na hanapin ang nanakit rito, dahil mas kailangan siya ng asawa at hindi niya ito iiwanan.

Madalas ang pinakamahina ang iniisip na kawawa, dahil maliban sa pinagtatawanan kapag nadadapa, walang ibang sinusukli kundi luha.

Ngunit papaano naman ang pinakamalakas? Porket ba hindi nagpapakita ng sugat ay hindi na nasasaktan? Dahil ba walang mga luha kaya hindi na naapektuhan o sa kabila nang lahat ng pait sa mundo ay pinili nilang lumaban?

"Who?" tanong niyang muli at inangat ang baba nito para magtama ang mga mata nila, "Sabihin mo sa akin..."

Umiling ito, "I-I'm okay--"

"I'm not" putol niya. "Hindi kailanman magiging ayos sa akin ito, Luna. Hindi ngayon, hindi bukas at hindi kailanman."

Napalunok ang asawa at napakagat ng labi. Nanginginig ang mga ito at nagbabadya ng muli niyang pagluha.

"K-Kasalanan ko naman..." anito at pinunasan ang luha, "It's because of my tall pride that would never save our company"

Napakunot ang noo niya, "Who the hell would slap you for--" natigilan siya at nang magtama ang mga mata nila ni Luna ay doon niya nakumpirma. "Fuck! How could he do this?"

His patience snapped like a rubberband, kung hindi lang kasalanan ay sinugod na niya ito sa ospital at ---- Damn it! How could he do that to his own daughter?

Ni hindi nga nakitang pinitik ng Daddy niya ang Ina maging si Jamie!

"Atlas... He's sick.. please..."

"Kailangan ko siyang makausap" seryoso niyang tugon, "Pagkagising na pagkagising niya ay kakausapin ko siya. Hindi ka niya maaring pagbuhatan ng kamay, Luna"

"He's my father, Atlas" pagtatanggol pa nito. "Ganun lang talaga siya--"

"Not on my watch" putol niya sa asawa, "You are my wife now, Luna. Kung ano ang gagawin niya sa'yo na hindi maganda ay ako ang makakaharap niya"

"Atlas..."

"Umalis ka na sa companya ng Daddy mo. I can provide for you" utos niya sa asawa na kinasinghap nito.

"H-Hindi ganun kadali iyon, Atlas" sagot nito sa kanya, "Dad wanted me to--"

"I don't care what he said mula nang sinaktan ka niya" putol nitong muli. "Damn it, Luna! I can't even imagine shit!"

Ano kaya ang magagawa niya kung sakaling nasaksihan niya iyon? Would he be in prison now for murder, frustrated murder or attempted murder?

"Shhh" pinulupot ni Luna ang braso sa bewang niya at sinubsob ang mukha sa dibdib, "J-Just hold me... please..."

Isang yakap lang ay parang nawala ang galit sa dibdib niya. Kayang kaya ni Luna na alisin ang lahat ng iyon sa isang yakap. He embraced her back and kissed the top of her head.

Napayapa sila sa posisyon na iyon. Walang salita, yakap lang. Naramdaman niyang napayapa ang puso ni Luna sa loob ng bisig niya, for now it would be better pero hindi niya talaga kayang palagpasin ang nangyari.

No one should dare to hurt his wife.

"Doc? Ma'am Luna?" Narinig nilang pagkatok ni Ate Jo sa pinto, "Tawag po galing ospital, pinapasabi po na gising na ang Daddy niyo"

Kumawala si Luna sa pagkakayakap at nagpunas ng luha. Nawala ito muli sa sariling nagkukumahog magbihis at kunin ang mga gamit.

"Sasama ako" aniya nang mapansin na hindi ito magpapapigil, "I'll drive you there"

May pagaalangan sa boses itsura nito pero tumango na lamang. Nang nasa biyahe na sila ay hinawakan nito ang kamay niya.

"Please, don't do anything" halos pabulong nitong sambit, "Okay lang ako, Atlas..."

Hindi siya sumagot. Napadaing siyang hindi sangayon sa sinabi ni Luna, "You're just saying that.."

"Please" pakiusap nitong muli, "For me... kahit ngayon lang..."

Pinarada niya ang sasakyan at tinignan ito.

Her eyes screams everything. Aminadong nasasaktan pero hindi ipapakitang nahihirapan. Na sa kabila nang lahat ng pait, nasanay maging okay lang.

"Okay" sige, papalagpasin niya ang ginawa ng ama nito, "but I will still talk to him, Luna. Once he gets better"

Pilit itong ngumiti at hinalikan siya sa labi, "T-Thank you.."

Magkahawak kamay silang pumasok sa loob ng ospital patungo sa silid kung nasaan ang ama. Katulad noon, kumpleto silang magkakapatid na nandoon kasama si David.

"Mooncake..." bumangon kaagad ang Daddy nito pagkuwa'y sinalubong ang asawa ng yakap, "H-Hindi ko sinasadya, patawarin mo ako"

He stilled and as well as her. Nagbitaw sila ni Luna ng kamay nang hilain ito ng ama para yakapin. Hinaplos nito ang pisngi ni Luna, napako siya sa kinatatayuan.

"N-Nabigla lang ako, anak.." Sambit pa nitong muli, "Mahal na mahal kita, hindi ko sinasadya.."

---

Hindi maipaliwanag ni Luna ang saya nang humingi ng tawad ang Daddy niya. Sabagay, palagi naman itong ganito.

He would always make up for it. Naiintindihan niya.

Wala namang perpektong magulang, hindi ba?

"Magpahinga ka na, Dad" aniya at kinumutan ito. Umalis na ang mga kapatid dahil gusto ng ama na makausap siya nang masinsinan. "Huwag mo nang isipin iyon"

"Anak" hinawakan nito ang kamay niya nang may lambing, "Hindi na ba mababago ang isip mo sa pagtingin kay Mr.Saavedra?"

Napatingin siya sa ama, may lungkot at bahid ng desperasyon sa mata nito. "Dad, magpahinga muna kayo--"

"Kung hindi ngayon, kailan pa?" Masuyo nitong sambit, "Nararamdaman kong... malapit na--"

"Dad" saway niya, "Hindi ka mamamatay.."

"You don't know that, Mooncake" he weakly smiled, "We don't know.. but I could feel that this sickness... will take me sooner or later.."

Nabibiyak ang puso ni Luna sa naririnig. Nagbibilin na ba ito?

"Dad.."

"When I pass on to David the position, I thought it's already enough for the company to survive... I thought that I can peacefully die since hindi ka niya papabayaan..." Napadaing ito at napahawak sa ulo.

"Dad, you can't stress yourself--"

"But, I was wrong" pagtutuloy nito, "K-Kailangan niyo si Mr.Saavedra, anak. Matutulungan niya kayo na mapanatili ang companya..."

Napapikit siya nang hawakan ng ama ang kamay , "Luna Celestine, anak.." his voice is hoarse and eyes were weak, "Mahal na mahal kita, I may not be the perfect father. I know always fail you..."

"Dad, that's not true--"

"pero ito lang ang huling hiling ko sa'yo" pagtutuloy nito, "Consider his proposal, please... para din ito sa'yo, sa inyo..."

Conditions of WorthWhere stories live. Discover now