Chapter 42

2.3K 91 2
                                    

IT'S already 2:30 AM pero hindi pa sila tinatamaan ng antok.

Nakahiga siya sa hubad nitong dibdib at pinapaikot ikot ang daliri roon. Mahigpit ang yakap nito sa kanya at maya-maya'y sinasamyo ang buhok niya.

Napaangat siya ng tingin rito, pareho silang nakangiti at biglang tatawa. He pulled her tighter, para namang tatakas siya

"Hindi mo sinabi na magaling kang magkwento" Panimula niyang muli, kanina matapos ang pagniniig nila ay nagsimula sila sa mga pangalan na nais para sa mga magiging anak.

Mga talaga.

Napakunot ito ng noo, "Kwento? Ah, yung babaeng sundalo..."

"Hindi ko alam yung storya na iyon" aniya, "Kanina ko lang narinig..."

Napangisi ito at napabuntong hininga, "Napakaganda kaya ng storya na iyon. She's the bravest woman I know" May pagmamalaki sa tinig nito.

Biglang nanikip ang dibdib niya. Ang kwento kasi ay tungkol sa babaeng sundalo na walang gera na inaatrasan. Napakatapang at napakalakas.

Ngunit sa kabila ng tapang, may tinatagong takot dahil walang kalakasan kung walang kahinaan.

Isang araw nakita ng mga ibang sundalo ang kahinaan nito. Nagsialisan at iniwanan dahil ang minamahal nga lang naman ng tao ay ang mga madaling mahalin, at hindi ang mga may kailangan ng pagmamahal.

Nagpakalayo ito at may nakilala na isang lalaki na nagaagaw-buhay. Maraming sugat sa katawan at may mga pasa rin.

Tinulungan nito iyon at ginamot. Nalaman nitong madami ang may tangkang pumatay sa lalaki kaya naman pinrotektahan niya ito. Nang gumaling na ay inasahan nitong aalis din. Nasanay itong iniiwanan pagkatapos mapakinabangan pero doon ito nagkamali.

Hindi umalis ang lalaki na ginamot nito at nalaman nitong hindi lang basta lalaki ang ginamot kundi isang prinsepe!

Pinakasalan ng prinsepe ang babaeng sundalo at nagsama sila paghabang buhay.

"What are you thinking?" Putol ni Atlas sa malalim niyang pagiisip, "Humahaba din ang nguso mo" natatawa ito.

Nailing siya at napabangon, sumunod din si Atlas ngunit bago pa siya tuluyang makatayo at napigilan na siya ng asawa.

"What are you thinking, Ma vie ko?" Parang bata nitong lambing sa kanya. Hinalikan ang balikat niya at batok. She felt goosebumps all over!

Napalunok siya, "May kwento akong narinig..." panimula niya, "May prinsepe na nakatakdang ikasal sa isang prinsesa pero may dumating na isang prinsesa rin na mas maganda, mas matalino at iyon ang pinili."

"Interesting..." He murmurs as he continued kissing her back up to her nape.

"Hindi na daw naghanap ng iba yung prinsesa kahit hindi siya ang pinili kasi mahal niya talaga yung prinsepe"

Napakagat siya sa labi nang dahil sa kiliti na binibigay ni Atlas sa kanya. Nahulog ang kipkip na kumot sa bewang niya at naramdaman na niya ang kamay nitong sinapo ang mayaman niyang dibdib.

"Then..."

"A-Ano.." She moaned, "Pakiramdam ng prinsesa na maganda at matalino, nangagaw siya..."

Umangat na sa likod ng tainga niya ang labi ni Atlas, he pulled her closer. Crashing her bare back to his chiseled chest, she could feel his warrior... again.

"Iyon ba ang pinaparamdam ng prinsepe sa prinsesa niya?" Bumaba ang isang kamay ni Atlas sa pagkababae niya, napasandal ang ulo niya sa balikat niyo, habang ang labi ay bumaba muli sa balikat niya pataas sa leeg.

Conditions of WorthWhere stories live. Discover now