Chapter 33

2K 97 2
                                    

"KANINA ka pa tingin nang tingin sa relo mo, Celestine" Her father noticed. "Hindi mo masyadong nagalaw ang pagkain mo, you didn't like the food?"

Napababa siya ng tingin sa plato. How could she eat if she knew that her husband would be preparing something for her?

"I-I just really need to be elsewhere, Dad"

Sakto naman na dumating si Ate Cassy kasama si Doc Luther. Nagulat pa ang dalawa nang makita siya at si David na sumasalo sa mesa kasama ang Daddy nila.

"Cel? What are you doing here?" Luther asked. "I mean, hindi ko lang ineexpect na nandito ka pa.."

Hindi na siya sumagot. Hindi pwedeng mastress ang Daddy niya, hindi ba?

"We just discussed something about the company, Doc" ang ama na ang sumagot para sa kanya, "But, umupo nga kayo at saluhan niyo kami. Tutal, aalis na rin naman si Celestine" may bahid ng lungkot sa boses nito.

Sorry, Dad.. But.. But my husband is waiting for me.

Tumayo na siya at hinalikan ang ama sa noo, "Thanks, Dad.."

"Anyway, hindi ko pala pinakuha yung kotse mo" dagdag ng ama, "I thought you can stay here even just for the night..."

What the fuck?

"Dad!"

"Ihahatid na kita" singit naman ni David pagkuwa'y pinunasan ang labi, "Let's go? Baka mas gabihin ka pa"

"That's so sweet of you, David" kantsaw naman ng ama. "Magiingat kayo"

Ano ba itong nangyayari sa Daddy niya. Hindi ba sa baga ito may cancer? Pwede kaya patignan na rin dahil baka pati utak naapektuhan?

Hindi niya tinago na may asawa siya, but it doesn't mean na hindi niya binobroadcast ay patay malisya na ito.

"Cel?" She went back to her senses and looked at David who's already near the front door.

Tumango na lang siya at nagpaalam na sa ama at mga kapatid, she kissed him at his forehead and leave.

Pinagbuksan siya ni David ng pinto at sinarado pa nito iyon bago umikot papasakay sa driver seat.

"Seatbelt" anito at binuksan ang stereo.

Oh, nanghihinayang.. nanghihinayang ang puso ko..

Napakunot ang noo niya. What the heck?

Nilipat ni David ang station pero ...

Maari ba muna natin 'tong pagusapan, sa dami-rami na nang ating pinagdaanan?

Nagkatitigan sila ni David, pareho na nahihiya sa nararanasan.

May pagasa pa ba kung susuko ka na... Larawan mo ba'y lulukutin ko na?

"Parang mas maganda kung wala na lang music?" Ani David at pinatay, "Sira ata yung... antenna."

Napalunok siya, "Y-Yeah, it's okay.. gusto ko rin nang tahimik.." huminga siya nang malalim, "Oh, do you have a charger? nalowbat pala ang phone ko.."

"Yeah" inabot nito sa kanya iyon at tsaka sila umalis. It was a quiet ride, hanggang sa mastock sila sa traffic.

There was a tension between them, of course. Hindi naman sila basta-basta mag-ex. They're... engaged.

"H-How's life?" Tanong ni David sa kanya, mga mata ay sinalubong ang kanya. Naghihintay ng sagot. "Inaalagaan ka ba niya?"

Napangisi siya, "He does" tipid niyang sagot.

Conditions of WorthWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu