Chapter 4

2.8K 103 8
                                    

Dad calling...

HINDI niya sinasagot ang tawag ng ama. She's now in the middle of nowhere, bahala na kung saan siya mapapadpad basta ang alam niya lang ay gusto niyang umalis sa lugar na iyon.

Ate Cassy calling...

"Miss, sagutin mo na iyan" ani ng nasa likuran niya, "Mahaba-haba pa ang biyahe, gusto sana namin magpahinga at nakakaabala yung cellphone mo"

Akmang papatayin na niya ang cellphone ay tsaka naman tumigil ang pagring niyon. Then, a text message from her father and siblings arrived.

Dad:
Mooncake, please pick up the phone. Where are you? I am worried sick! David said bigla ka na lang umalis! What happened, Mooncake?

Ate Cassy:
Nasaan ka ba? Kanina ka pa hinahanap ni Dad! He's getting berserk! Answer my goddamn call!

Ate Ada:
Luna, anong nangyari? I heard Freya's pregnant with David's? Totoo ba ito? Please call me. Hindi kita matawagan.

Ares:
Ate, tell me what did that David do to you? Where are you? Please call me! Kahit ako lang, Ate... please..

David:
Cel, where are you? Please, darling.. please.. Let me explain.

Huminga siya nang malalim at pinatay na lamang ang cellphone. Sumandal siya nang maayos at tinanaw na lamang ang daan, hindi niya magawang makatulog dahil ang mukha lang ni Freya at David ang nakikita niya.

Kung ilang beses nila itong... Shit! Bakit parang kasalanan niya pa? Is this because of her principle that they thought was stupid?

Marriage before sex was stupid for them! But, fucking and cheating on your fiancé with her bestfriend was not. Sa kanya pa ang sisi, dahil sa pesteng paninindigan niya kaya nagkanda-letse letse ang buhay niya.

"Saan ang punta mo?" Tanong ng katabi niyang babae. Gising na pala ito. Hindi niya pinansin, she's not used to talk with strangers.

"I'm Jamie, papunta ako ngayon sa Sierra Flor" she said, still no response from her. Ano naman bang pakialam niya? "Pangalawang beses ko ng pupunta doon, my first trip was unexpected kasi, hindi ako nakapagprepare kaya sabi ko sa sarili ko babalik ako doon ulit and here I am now, going there!"

Still no response. Wala nga kasi siyang pakialam! Jeez.

"I know I'm kinda creepy talking to you like this, but I've noticed sa lahat ng pasahero ay ikaw lang ang walang kadala-dalang mga gamit maliban sa shoulder bag mo na iyan" turo nito sa gamit niya. "So, I thought baka gusto mo lang ng suggestion on where to go dahil wala ka naman talagang planong sumakay sa bus na ito in the first place?"

There she caught her attention. Napahigpit ang hawak niya sa bag at hindi na muli ito nilingon, damn! She wanted to have some peace!

"Anyway, hindi na kita iistorbohin but if it's true that you haven't yet decided on where to go, sa Sierra Flor ka na pumunta! Bye!"

Thank goodness at lumipat na ito ng upuan, finally she could have some solitude. Hindi naman na rin siya nakatulog dahil sa pagpikit niya ng mata ay ang mga imahe lang nila David at Freya ang nakikita niya.

Doing that... thing.

And now, she's pregnant. Napahawak tuloy siya sa puson, it could have been her. It could have been her carrying his child if he only waited. If he only trusted and understand her... principle.

Ano bang masama doon? After the wedding, she would not deprive him on bed. Baka siya pa nga ang magaya rito but...

Tama na, Luna Celestine. Tama na...

Conditions of WorthWhere stories live. Discover now