Chapter 21

2.2K 80 1
                                    

HINDI nagsayang ng oras si Luna nang malaman ang kalagayan ng ama. Helicopter na ang sumundo sa kanila para ihatid sila sa pier.

"Doc, ito na po ang susi" sambit ng lalaking sumalubong sa kanila pagbaba ng helicopter.

"Salamat" anito at giniya siya papunta sa isang itim na SUV. Binuksan nito ang passenger seat at inalalayan siyang makasakay.

Tahimik lang si Luna sa biyahe, ayaw niya pang buksan ang sariling cellphone dahil sa takot na kung ano ang mabasa.

"Hey.." She kinda flinched when Atlas held her hand, "He's going to be okay" anito.

"H-He's dying, Atlas" she murmured, "He's sick and now he got into an accident... Papaano kung.." Hindi niya matapos ang nais sabihin, "What if I'm too late?"

"Let's pray that we're not" tipid itong ngumiti sa kanya at binalik ang atensyon sa daan. It took an hour and a half bago sila makarating sa ospital, agad niyang tinanong ang reception area.

"Apollo Ainsworth" aniya at tinuro siya sa ICU. Nakita niya ang mga kapatid doon, mula kay Ate Cassy, Ate Ada at ...

"Ate!" Si Ares, lumapit ito sa kanya't sinalubong siya ng yakap, "Thank God you're back!"

"W-What happened?" Tanong niya sa mga ito, ngunit galit ang nakita niya sa mga mata ni Ate Ada.

"And you have the decency to come here?" She sneered, "You left! That's what happened!"

Hindi siya nakapagsalita. Ada advances and towered her.

"Bakit ka pa bumalik!" she pushed her.

"Andromeda that's enough" Saway ng nakakatandang kapatid, "This is not the place to discuss this"

"Yeah? Kung hindi dito, saan? Kung hindi ngayon, kailan!"

"I said that's enough!" Pinal na saway ni Cassy sa kanila. She remained at her feet, hindi na naglakas ng loob na magsalita.

What for? You cannot kill a fire with gas. Liliyab lang lalo ito.

Andromeda rolled her eyes and walked out. Naiintindihan niya, alam niya kung bakit ito galit.

Nagkatinginan sila ng kapatid. Hanggang sa naglakad na siya papunta sa harapan ng malaking salamin kung saan makikita ang ama na nasa loob ng ICU, madaming tubo ang nakakabit para mabuhay ito.

"Road jam" ani Ate Cassy, "He was on his way to the pier, susunduin ka na niya"

What? "Susunduin?" Napakunot ang noo niya, "He doesn't--" Napatigil siya dahil maaring alam ni Ares kung nasaan siya, after all, she contacted him.

"I'm sorry, Ate" anito nang tignan niya, "He was so damn desperate in looking for you, h-he's sick... I-I don't know what to do... that's why I called the number you used..."

Alam na nila. Alam na nila ang kalagayan ng ama.

"Did you know?" Napabaling siya kay Ate Cassy, "Did you know that he's sick?"

Napalunok siya. Hindi makasagot.

"Alam mo ba?" Ulit nito ngunit ngayon ay may mas diin. "You know, right?"

"Ate..."

"You know and you still left?" Hindi na nito napigilan ang sarili. "Bakit hindi mo sinabi sa amin... o sa akin man lang?"

"Dad didn't want to---" Napabuntong hininga siya, "I'm sorry.."

May sasabihin pa sana ang kapatid ngunit hindi na tinuloy. Kagaya nga ng sinabi nito, this is not the place to discuss this.

"Luna" Napalingon sila kay Atlas kasama ang isang doctor.

"Doc Luther.." Cassiopeia recognized the doctor beside him.

"He's stable, Cassy" ani Doctor Luther, "But still need to be monitored closely, I'm with Doctor Atlas, we'll monitor the patient together" Kinamayan ni Ate Cassy si Atlas.

"Ano ang findings?" Hindi niya maiwasan na itanong sa dalawa , "He has cancer, what about that?"

"We still have to conduct few more test, his lungs were already weak and we need to know if--" Tumigil ito at tumingin sa mga mata nila, siguro nakita sa mga mata nila na hindi handa sa mapapakinggan kaya hindi na tinuloy ang sasabihin, "We will try our best.."

Si Ate Cassy at Ares ang umuwi pansamantala para makakuha ng gamit, siya ang nagpaiwan sa  ospital para mabantayan ang ama.

She was sitting at the visitor's lounge habang hawak ang mainit na kape na galing vendo. Nakatulala lang siya sa malayo, paulit-ulit na naririnig ang boses ni Ate Ada na sinisisi siya sa nangyari.

"And you have the decency to come here? You left! That's what happened!"

"Bakit ka pa bumalik!"

"Hey" She went back to her senses at nakita si Atlas na tumabi sa kanya, "Hindi ka ba magpapahinga?"

Umiling siya, "Okay lang ako"

"You sure?"

Tumango siya, "Thank you, Atlas" aniya, "for everything"

Hinaplos nito ang pisngi niya and looked into her face like he was memorizing each part, "You want to talk about it?"

Huminga siya nang malalim at napatingin rito, "Naiintindihan ko naman kung bakit sila galit sa akin, it was my fault..."

"Alam mong hindi totoo iyan"

Kahit na gusto niyang kumbinsihin ang sarili na hindi. Mahirap. Paano? Paano niya hindi sisisihin ang sarili kung siya ang dahilan kung bakit ito nasangkot sa aksidente.

Bakit kasi siya susunduin nito? Hindi ba galit ito sa kanya?

"Ang hirap maniwalang hindi, Atlas..." aniya, "Sana ganun kadali para hindi ako nahihirapan ng ganito..."

Hinawakan ni Atlas ang kamay niya. Sandali silang nanatili sa ganung posisyon, sa simpleng hawak lang ni Atlas ay nararamdaman niyang hindi na siya nagiisa and that's what she needed right now.

Kailangan niya ng kamay na hahawak sa kanya sa oras na gusto niyang bumitaw. And she felt that with him.

"Cel.." Napalingon silang dalawa sa tumawag sa pangalan niya. She wasn't surprised to see him, the man she chose to leave, the man she almost forgot, "You're back.." Ngunit hindi ngayon.

Tumayo siya at hinarap nito ngunit hindi inasahan na bigla siya nitong lalapitan at yayakapin.

"I missed you so much..." He murmured against her ear, "I missed you.."

Humigpit ang yakap nito sa kanya. Nagsalubong ang mga mata nila ni Atlas na nagulat rin sa ginawa ng lalaki.

"David..."

Conditions of WorthWhere stories live. Discover now