Chapter 25

2.2K 100 4
                                    

Hindi ako naka-update kahapon. Nagtuloy-tuloy ako sa MIBF 😂 Anyway, happy reading!

----
SANDALING natulala si Luna sa narinig kay David. She can't believe this, she can't believe that David would use this on her.

"So, this is your game, David?" ngisi niya, "Blackmailing me to marry you?"

Hindi sumagot ang lalaki. He maintained his composure, yung parang hindi natitinag.

"Fine" aniya, "You want to marry me, huh? Fine. Let's get married, David" lumapit siya rito with bloodshot eyes that screams anger, "I will marry you... but I would never love you, again"

"Cel.." Tila napapaos nitong sambit. Nasaktan sa sinabi niya.

"How dare you to blackmail me" mahinahon niyang sambit, "Ikaw pa ang matapang sa ating dalawa. Instead of you winning me back, ito pa ang gagawin mo? You're really a cheater, huh?" She taunted.

Nagtangis ang bagang ni David, ngunit sa mga mata nito ay may luhang babagsak.

"I told you, hindi ako ang ama ng dinadala ni Freya"

"That's not the issue, David" she fired back, "Ikaw o hindi ikaw, you still cheated. Niloko mo pa rin ako!"

"That's why I am saying sorry" Hinawakan nito ang balikat niya, "at habang buhay kong papatunayan iyon sa'yo. Pakasalan mo lang ako, Cel.." Kinulong nito ang mukha niya sa kanyang pisngi but she flinched and stepped back.

"Hindi lang tiwala ang nawala sa akin, David" bulong niya, "Pati respeto.. I'm sorry but I don't know if I can respect you, anymore"

"Cel.." his voice broke.

"You broke me, David" sambit niya, "You already lost me.."

----

NAKATINGIN si Atlas sa kisame mula pa kanina. Hindi kasi niya alam kung saan hahanapin si Luna lalo na't hindi naman niya alam kung saan ito nakatira.

Yes, he could ask her siblings, but he kinda feel that they have little misunderstanding. Kaya kung sakaling itanong niya ay hindi rin alam ang isasagot.

They don't exchange numbers, too. So, he's really stuck.

"Oh, nandito ka lang pala" Pumasok si Luther sa opisina at nakita siyang nakasandal sa swivel chair nito, "What's with you?"

Huminga siya nang malalim, "She just left, Luth" aniya, "Where would she go?"

"Bago kita sagutin, what's the real score with you and Celestine?" tanong naman ni Luther sa kanya, "Are you two fucking?"

Nanlaki ang mga mata niya, "What the? Language please?" singhap niya, " and no, we're not fucking! Geez, Luth? Huwag mo nga akong itulad sa'yo!"

Ngumisi ito, "What do you mean by that?"

"Really? Do you really think I wouldn't figure it out?" He let out a chuckle, "You and Cassy?"

"Shut up!" Asik naman ng kaibigan, "Get out of my chair!"

Natawa na lang siya, "Next time get a real room, dude. Hindi dito sa ospital--"

"Fuck off!" napipikon na ito! Natatawa na lang siya nang bigla naman pumasok si Cassy sa opisina.

Oops, speaking...

Tinignan niya si Luther, patay malisya pa itong dalawa! "Yes, nurse?" ani Luther.

"T-tawag po kayo sa 10th floor" ani naman ni Cassy at tila napaiwas ng tingin sa kanya.

"Susunod na ako" sagot naman nito. Luther glared at him, "Inggit ka lang"

Pfft! "See you later" paalam niya rito. Nang mawala naman ito ay bumalik na naman ang isip niya kay Luna.

Saan naman kasi ito nagpunta?

Para naman hindi masyadong maparanoid ay binisita na lang muna ni Atlas ang ama nito. He's still on the ICU, pero sa status naman nito ay pwede ng ilipat sa private room for further observation.

"Hi, Dad" bulong niya sabay ngisi, ang lakas ng loob maki-daddy, "Ako nga po pala si Atlas, doctor po ako..." aniya, "tsaka manliligaw po ng anak niyo.. si Luna po?"

Okay, hindi naman siya mukhang tanga dahil ayon sa research ay may tendency naman na nakakarinig ang pasyente. Though, hindi naman comatose ito pero malay mo naman, 'di ba?

Nang matapos macheck kung ayos ang lagay nito ay sandali niyang pinagmasdan ang mukha ng matanda.

Hindi maikakaila na tatay ito ni Luna. Sa kanilang magkakapatid, si Luna ang kamukha ng ama - kapag nakasimangot.

"Atlas?" Napalingon siya at tila nagdiwang ang kalamnan nang makita si Luna! "What are you doing?"

"Oh, I was just checking kung okay... saan ka nanggaling?" pagiiba niya ng usapan. "I was so worried about you"

"A-ayos lang ako," tipid itong ngumiti, "H-How's Dad?"

Pinagmasdan niya ang mukha nito at tila hindi kumbinsido sa sinabi. Hindi naman mahirap na mabasa si Luna, she's so transparent. Alam na alam na iba ang sinasabi ng isip nito sa sinasabi ng mukha.

Lumapit ito sa Daddy niya, hinawakan ang kamay nito't nilapit sa dibdib. She whispered something, Atlas felt she needed someone to hold her, so he did.

He put his hand on her shoulders and slightly pulled her into his chest.

"He will be fine, Luna..." bulong niya, "He will be fine.." He closed his eyes as he smelled her scent.

Huminga ito nang malalim, "David took over the company" anito halos pabulong, "H-He took over while Dad was looking for me" pagtutuloy nito.

Nakatalikod pa rin ito sa kanya, "He won't give it back unless I marry him..." binaba nito ang kamay ng ama at humarap sa kanya, "H-Hindi ko
alam ang gagawin ko, Atlas"

Napako si Atlas sa kinatatayuan. His hand clenched with what she said. Damn that bastard! Alam nitong gagawin lahat ni Luna para makabawi sa ama kaya pinapa-in niya ito sa kasalan!

That's...

"Atlas, naguguluhan na ako.." Nangilid na ang mga luha nito. Tila may sapot na bumara sa lalamunan ni Atlas, hindi alam anong gagawin.

"N-Naguguluhan ka na?" tanong niyang halos pabulong na. "M-Mahal mo pa ba siya?"

Damn it! So, what kung mahal niya pa si David? He has his chance! Hindi niya sisirain iyon!

But then, if Luna would be... happy.. why not?

"Hindi ko alam" biglang sagot nito, "N-Nung inaya niya akong magpakasal, i-ikaw yung naalala ko.. h-hindi ko maintindihan..."

Parang bula na pumutok ang inis niya sa sinabi nito. Kinulong niya ang mga ngiti sa pagkagat ng labi, "Marry me"

Nanlaki ang mga mata ni Luna sabay irap, "I'm serious, Atlas." sabay tulak sa kanya ng hindi kalakasan.

Hinila niya ito pabalik at napasubsob sa dibdib niya, "Kailan ba ako naging hindi seryoso sa'yo?" ngumisi siya, "I can marry you now. Just say yes and I will put a goddamn ring on this finger" tinaas niya ang kamay nito, "What do you say?"

Sandali silang nagkatinginan pagkuwa'y nagkangitian. Hindi malaman ni Atlas kung ano ang mararamdaman nang tumango si Luna sa biglang pagsangayon sa sinabi niya.

Conditions of WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon