Chapter 14

2.2K 81 2
                                    

"IT'S Freya's birthday, saan tayo later?" tanong ni Gloria sa kanila. They're now at school having lunch together. "Sa BGC kaya tayo? I'll call my mom para mapareserve na tayo ng room sa hotel"

"BGC na naman? Nagsasawa na ako doon, why not we go to Singapore this night? Weekend naman bukas, so we could spend a night or two doon!" Dagdag ni Madeline.

Tahimik lang si Luna, tutal alam naman niyang bawal siya. She's almost a week grounded.

"Ang tahimik mo naman, Celestine. Ano? Game ka ba?" ani Gloria.

Umiling siya, "Sorry, hindi ako pwede" aniya. "Babawi na lang ako some other time, Frey.. I have to make up for my grades"

"What!? Grades?" asik ni Gloria, "Matagal pa ang finals natin pero nagaaral ka na? Ang corny mo!"

"Wala akong magagawa, iyon ang gusto ni Dad."

"Girls, tama na iyan" ani Freya, "It's okay, Celestine. Naiintindihan ko naman, tsaka okay na itong kumpleto tayo"

Freya did changed the topic after that. Alam nitong hindi siya kumportable dahil ayaw naman niyang pagusapan.

And these girls won't understand her, kahit si Freya. Iniintinding pilit na lang naman siya nito.

Nang maguwian ay nagkaayaan pa ang tatlo na magclubbing. She let them, una ay hindi naman talaga siya nagpupunta sa ganung lugar at pangalawa, baka ipagkanulo na siya ng ama.

She was waiting for their driver nang mabitawan niya ang mga librong dala.

Shoot!

When she kneeled ay naaninagan niyang may tumulong sa kanya. "T-Thanks.."

"You're Welcome" Oh, it's a guy. "Be careful next time"

He looks so dreamy. Like the usual college heartthrob. "So, you're Luna Celestine Ainsworth, right?"

Napakunot ang noo niya, paano naman siya nakilala nito?

"W-Why?"

He smiled, "Magkaklase tayo sa isang subject. I'm an irregular student, same course"

Oh, she didn't know him. Baka sila Gloria ay kilala ito.

"I'm David" nilahad nito ang kamay, "David Delavin"

Delavin? That's kinda familiar. Hindi niya lang sigurado kung saan niya narinig.

Tumango na lamang siya at saktong dumating ang driver. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto.

"Thank you" aniya.

"See you!" he said.

Pagkaandar ng sasakyan ay napaisip siya agad. "Kuya, pahiram ako ng cellphone mo" aniya sa driver.

"Ma'am, baka po pagalitan ako ng Daddy niyo. Bilin po niya ay huwag kayong pakinggan"

"Kuya, bawal mo rin akong kausapin pero kinausap mo ako. Kaya sige na, pahiram na po, please?"

Wala rin naman nagawa ang driver at inabot rito ang cellphone. She sent a group message sa mga kaibigan.

Luna:
Girls, it's me, Celestine. Do you know David Delavin?

Wala pang dalawang minuto ay nagreply na si Gloria.

Gloria:
Of course! Siya yung transferee na kaklase natin sa isang subject. He's so cute by the way!

Hindi pa siya nakakaisip ng irereply ay nagtext na muli ang kaibigan.

Gloria:
Freya said he's a smart guy. Magaling ito sa negosyo, kahit nagaaral pa lang. For her, he just went to school for formality sake!

Conditions of WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon