Chapter 10

2.7K 89 4
                                    

"GOOD morning, Sunshine!"

Nakasandal ito sa puting cabby nang sinalubong siya nito sa labas ng center. Kung hindi ba naman nagpagwapo din ang isang ito!

"You look beautiful" puri nito sa damit na sinuot. It's an off-shoulder power blue laced dress. Si Gretel ang nagbigay nito sa kanya kanina nang tulungan siya nito makaligo.

Naalala niya tuloy ang eksena kanina. Pilit kasi siyang tinutulungan ni Gretel pero ayaw naman niya! Of course, sino ba ang magiging kumportable kapag may ibang hindi naman kakilala ang nagpaligo sa'yo?

And being Luna Celestine, kailan ba siya huling tumanggap ng tulong, kahit manghingi man lang?

"Akala ko iindianin mo ako, buti naman at hindi" anito sabay tulak sa wheelchair niya papuntang cabbie.

Nang akmang bubuhatin na siya nito papasakay ay pinalo niya ang kamay nito. "Rule number 2!"

"Hindi kita tsatsansingan!" ani Atlas, "Feeling mo naman"

Ang kapal talaga ng mukha! "Nakaya kong paliguan ang sarili kong magisa, makakaya ko rin sumakay sa cabby na iyan ng magisa"

He raised his hands, "Yes, Ma'am!" Pinanood na lamang siya nito sumakay sa cabby. Dahan-dahan niyang inangat ang mga paa at kumapit sa cabby.

Oh shit, aw!

"Ano, kaya mo?" nakangisi lang ang lalaki sa likuran niya. "Pwede naman kasi kitang--"

"I said I can do it!" Mas seryoso niyang sambit. Tiniis na lamang niya ang sakit and she did it! "See?"

Tinupi na lamang ni Atlas ang wheelchair at pinatong sa likuran. "Vamos!"

Ahh! The morning cool breeze of Sierra Flor sent shivers down her spine, hindi niya maiwasang mapapikit sa tuwing humahampas nang marahan sa balat niya ang hangin.

"Maliit lang ang Sierra Flor, nahahati lang sa apat na lugar ito. Ang Bayan, dampa, villa at talon."

Hindi umimik si Luna, nageenjoy na siya sa natatanaw.

"Pumunta muna tayo sa Talon" ani Atlas, mga kinse minutos lang naman ang inabot nila bago makarating doon.

Hindi pa nakakababa sa cabby ay natulala na si Luna. Akala niya noon ay hindi totoo ang love at first sight, but it seemed she just fell in love with the place.

"Great view,right?" Ngiti ng lalaki sa kanya. "Madami naliligo dito kapag magtatanghali na, kaya advisable kapag medyo maaga aga. Malamig nga lang ang tubig"

The water seems magical! Hindi lang siya masyado magaling sa salita kaya hindi niya alam kung papaano ito madedescribe pero... it's so clear and blue.

Siyang takot na magswimming dahil baka malunod ay tila nais tumalon doon. Sa sobrang ganda ay parang tinatawag siya ng tubig.

"Best day ever!" napatingin siya sa isang babae na tumalon mula sa bato hanggang sa tubig. Woah! halos 10 feet yata ang taas niyon!

"Did she really do that?" napatayo siya ng bigla dahil sa nakita. Kumirot tuloy ang sugat niya. Damn it! Ang hirap ng ganito.

"Hey, what happened?" pagalalay agad ni Atlas sa kanya, "Nilinis ba ni Martin ito bago tayo umalis?"

Tumango naman siya, "Oo"

"Dahan-dahan lang, ha" anito, "masakit pa ba?"

Nakaluhod ito sa harapan niya habang hawak ang hita niya. Damn, bakit iba ang naramdaman niya?

Stop it, Luna Celestine!

Iniwas niya ang hita dito nang kaunti at tinabig ang kamay nito. "A-ayos lang ako"

Conditions of WorthWhere stories live. Discover now