Chapter 30

2.3K 99 11
                                    

"N-NO!" She screamed and phanting, hingal na hingal siyang napabangon sa hinihigaan. Napahawak siya sa dibdib na mabilis ang tibok ng puso, what did she just dream about?

"Luna?" Nagising si Atlas at agad siyang dinaluhan. "H-Hey, what's wrong?" Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at sinubukan paharapin, "Baby, tell me.." he hoarsely asked as he tried to take her hands away from covering her face.

Napaharap siya rito, "Y-You told me that... It was your Dad.." hindi siya umiiyak ngunit nababasag ang tinig niya sa pagsasalita, hinihingal pa rin siya. Tila tumakbo ng pagkalayo layo, maybe she did. Maybe she run away from that... dream.

"What about it.. hmm?" Hinila siya ni Atlas papalapit pagkuwa'y pinulupot ang kamay sa bewang niya't kinulong siya sa loob ng binti nito. Pinatong nito ang baba sa kanyang balikat at pasimpleng inaamoy-amoy at hinahalik-halikan ito.

Hindi na niya alam kung papaano ikukuwento sa asawa ang bangungot dahil parang may powers ang mga haplos nito sa kanya at napapakalma siya. Her heart beat is turning slowly, pero hindi kumakalma bagkus iba na ang tibok.

"Atlas..."

"Pagod ka lang siguro, Luna" anito, "When we stepped inside this house, napaupo ka na lang sa sofa at wala pa yatang isang minuto pero nakatulog ka na..."

"Really?" So, it was really a dream?

Tumango ito't patuloy na sinasamyo ang buhok niya, "Yes, so I need to carry to you here and changed your clothes.."

"You changed my clothes?" Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon! Nakita ni Atlas ang...

Teka, bago pala siya mapunta sa usapan na iyon. May napansin siya...

"Atlas.."

"Hmm?"

"Y-You're too close" Parang uminit ang magkabilang pisngi niya sa bawat dikit ni Atlas ng mga labi sa balat niya.

Hinarap nito ngayon ang mga mata niya at hinaplos ang pisngi niya, napakaganda talaga ng mga mata nito. Para bang isang tingin lang ay malilimutan na niya lahat ng pangit at masakit na pangyayari sa mundo.

Tulad nang pagpapalit nito ng damit sa kanya ay parang nawala na sa isip. Kung sabagay, kaya nga napa-oo agad siya nang ayain siya nitong magpakasal.

"Luna?"

Napailing na lang siya, bumalik sa wisyo, "W-Wala..."

"Are you sure?" batid sa tinig nito ang pagaalala, "We can talk about it if you want..."

Hindi siya sanay. Iba pala kapag may taong parang hindi nagsasawang pakialaman siya, yung taong handang makinig sa kanya.

"Can you just hold me tight?" bulong niya rito. Tumango naman ang asawa at hinalikan siya sa sentido.

"Always, baby" anito at hinila na siya pabalik sa higaan. She nuzzled his scent, ang bango ng leeg nito't buong katawan. "Sleep, Luna..."

Napakunot ang noo niya't napabangon ng bahagya para harapin ito, "H-Hindi na ako makatulog.."

He kind of cursed, "L-Let me sleep.. then?"

"What?" asik niya, so ano ang pinapalabas nito? She's not initiating! "E 'di matulog ka, hindi naman kita pinipigilan ha!" Tumalikod siya ng higa rito, nakakabwisit ha? Gusto naman pala matulog may pa- 'do you want to talk about it' pa ito!

He chuckled and moved closer, spooning her. "Ang asawa ko matampuhin.." He kissed her shoulders at pinalandas ang kamay mula sa braso niya hanggang sa kamay pagkuwa'y pinulupot sa bewang niya.

Conditions of WorthWhere stories live. Discover now