Chapter 37

2.2K 93 6
                                    

NAKARAMDAM ng panghihina at panglalambot si Luna nang matapos ang ilang trabaho.

"Ms.Celestine, okay lang po ba kayo?" tanong ni Callie sa kanya. Kahit secretarya ni David ay sa kanya madalas nagrereport ang dalaga, sabi naman ni David ay ayos lang.

She nodded, "Uuwi na ako, ikaw ba?"

"5:30 PM pa lang naman, una na po kayo" ngiti nito, "Tawagan ko po ba si Sir David?"

Nanlaki ang mga mata ni Callie, "Ay, sorry po" napakamot ito sa ulo, "Nasanay lang.."

She smiled, "Ayos lang, magiingat ka"

Nanigas si Callie, mas lalong nagulat yata sa sinabi niya, "Ma'am.. ikaw ba talaga iyan?"

"What?"

"In my years of working here... Ngayon lang po kayo.. ngumiti at.. nagsabi ng.. ingat ka.."

Tinitigan niya lang ang secretarya, "Callie?"

"Joke!" she let out a fake chuckle, "Ingat din,Ma'am!"

Bago umalis ay tinatawagan niya si Atlas. Ngunit hindi ito sumasagot. Wala naman itong nasabi kung saan pupunta.

"Jamie?" So, she called his sister. "Are you busy?"

"Hi, Ate! Hindi naman, what's up?"

"Gusto ko lang itanong if nandiyan si Atlas?" Napakagat siya nang labi, "Pasensya na sa abala ha"

"That's okay, Ate! Ano ba, hindi ka naman iba" napangiti siya sa narinig rito, "pero wala kasi si Kuya here. I've heard nasa ospital siya, dumuty na"

"Really? Pwede ko ba malaman kung saan iyang ospital?"

"Sure!" Binigay nito ang pangalan at address, "Ingat ka, Ate!"

"Ikaw rin, regards kay Mom at Dad"

Dahil sa hindi maganda ang pakiramdam, nagpahatid na lang siya sa company driver. It took twenty minutes hanggang sa makarating sila doon.

"Good morning, Ma'am" bati sa kanya sa reception, "Ano po ang concern nila?"

"I would just like to see, Dr.Atlas Cross" aniya at sabay sinerach ng babae sa database ang pangalan nito.

"Dr.Cross was at the pedia ward, you have an appointment with him?"

Umiling siya, "N-No, I'm his wife" aniya na kinabigla din ng babae pero agad na pinalis ang gulat sa mukha. "I-Is there a problem?"

"Nothing, Mrs.Cross" she said, "Why don't you wait for him inside his own office, it's on this floor, just go left and you'll be able to see his office"

Tumango siya, "Thank you" pagkuwa'y pumunta na sa sinabi ng staff.

While walking, napatigil siya nang marinig ang pamilyar na tinig ng asawa. Tila may inaalo ito.

Lo and behold, mayroon nga!

Umangat ang dugo ni Luna sa tuktok ng ulo. Ang kaninang panghihina ay napalitan ng pagiinit, hindi masuri kung gaano kabilis ang tibok ng puso na parang gustong lumabas sa dibdib.

Asdfghjkl!

Ang liwanag ay tila naging dilim. Ang berde ay naging pula. Bakit nakayakap si Atlas rito? Bakit nasa dibdib nito ang mga mukha ng babaeng ito?

What the hell are they doing?!

"Atlas?" Nanginginig ang tinig na hindi napigilang tawagin ito.

"Luna!" Napaatras ito sa babae at agad siyang nilapitan ang asawa, "Y-You're here.."

Oo! Nandito akong hayop ka! Sino yang kayakap mo!

Conditions of WorthWhere stories live. Discover now