Chapter 11

2.4K 103 3
                                    

DINALA siya nito sa villa na kapareha ng kanya. Binuhat na siya nito papasok sa bahay at inupo sa sofa na tabi ng kama.

He entered the bathroom at naglabas ng malinis na tuwalya. "Wait here, okay?"

Tumango naman siya, pinapanood lang ito. Kinuha nito ang telephono at may tinawagan.

"Hello, Vicky?" He said, "This is Doc Atlas, can you please send Ms.Luna's help? Si Gretel.. okay, okay.. Thank you" at binaba na nito ang telephono pagkuwa'y pumasok muli sa bathroom, nang lumabas ito at may dala na itong medicine kit.

"I'll just remove this, okay?" he said. Tumango lamang siya at ginupit na nito ang benda. "Mabuti na lang at sa tubig ka dumiretso, hindi sa kung saan"

Pagkabukas nito ng benda, napasinghap siya ng makita na halos sarado na ang sugat niya! Oh my, what's sorcery was that!

"Don't freak out, hindi lang ikaw ang nakaranas niyan" anito, "Ang sugat mo lang ang sarado pero maaring mahirapan ka pa rin makapaglakad. But, two to three days ay maari ka ng makabalik sa dati mong routine"

Hindi maiwasan ni Luna na titigan ang lalaki. Sa simpleng ginagawa nito ay iba ang nararamdaman niya. This is new to her!

"Paparating na si Gretel, she'll assist you to take a bath. Nagpadala na rin ako ng damit para sa'yo and once you're done,ihahatid na kita sa villa mo para makapapahinga ka na.."

Sakto naman na dumating si Gretel at inalalayan siya papunta sa comfort room. He prepared a warm bath for her.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" tanong naman nito sa kanya.

"Y-Yes, bakit naman hindi?"

"Nakatulala po kasi kayo, masyado po bang mainit ang tubig?"

"Ayos lang" sagot niya agad, "May iniisip lang ako"

Tumango naman si Gretel, "Si Doc po ba?" there's a hint of tease in her voice. "Uy, si Ma'am"

Agad siyang umiling, "Hindi,ah! Bakit ko naman siya iisipin?"

"Joke lang po, Ma'am" anito, "Bagay po kasi kayo ni Doc" hagikhik nito nang tulungan siyang makapagbanlaw.

"That's absurd, tsaka may nobya na yung tao"

"Wala po!" agad naman na sagot nito, "Baka maraming magpakalunod kapag nalaman iyon, Ma'am" she chuckled.

"Bakit -- oh, don't bother" Alam na niya. Sa itsura pa lang nito ay mukhang madami ng magkakandarapa.

"pero totoo po, Ma'am" anito, "Wala pong nobya si Doc, siguro po wala dito pero hindi naman po namin siya nakitang malapit sa babae maliban sa inyo"

"Maliban sa akin?"

Tumango ito at sinuklay ang buhok niya, "Opo,kayo pa lang ang babaeng sinamahan niya ng ganito katagal. At, mukhang asikasong asikaso rin po niya kayo"

"Walang ibig sabihin iyon.." she denied.

"Ma'am, nagkanobyo na po ba kayo?" tanong nito, "Naranasan niyo ba po bang mainlove?"

"O-Oo naman"

"Hmm," tila hindi naniniwala. "Okay, Ma'am"

"Oo nga, ano ba?" Why was she bothered now? Ano naman kung hindi naniniwala ito?

She chuckled, "Ma'am, mukhang crush kasi kayo si Doc"

"What? Ano siya highschool?" Who gets crush nowadays? Siya nga ay hindi nagkacrush,e! "Hindi na uso sa edad namin ngayon ang crushes!"

"Talaga bang nainlove na kayo, Ma'am?" anito na tinignan niya ng masama, "Joke lang po"

"Bata ka pa, Gretel. You're only eighteen. Magbabago pa ang perception mo pagdating sa pagibig" and it includes not having crushes anymore. It could make a person weak, hindi pwede.

Conditions of WorthWhere stories live. Discover now