Chapter 17

2.5K 87 5
                                    

LIKE what Atlas said, Luna let him in.

She let him take over. She would let go for a while and just trust him.

Susubukan niya. Kahit ngayon lang.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya rito nang sunduin siya sa villa, nakasaklay pa rin siya pero kumpara kahapon ay mas nakakakilos naman na siya ngayon.

Ngumiti ito sa kanya at inalalayan siya, "Sa beach" he said, "Vitamin D pa ang sikat ng araw kaya halika na't nang maarawan ka naman"

Nang makarating sila doon ay may nakalatag ng sapin. Malakas ang hampas ng hangin kagaya ng hampas ng alon sa mga batong nasa gilid.

"Prepared?" aniya pagkuwa'y inalalayan siya nitong makaupo, nilapag nito ang saklay sa gilid niya.

"Slight lang" sagot naman nito, "Ah! This is life" he opened his arms and took a deep breath, humiga ito sa blanket at ang kamay ang inunan.

Kitang kita tuloy ni Luna ang matitipuno nitong braso.

Eyes up, Luna Celestine!

"Kwento ka naman" basag katahimikan ni Atlas sa kanya habang nakapikit pa rin ito, "C'mon, I'm listening..." Then he opened his eyes and looked at her, agad siyang napaiwas ng tingin rito.

Baka mamaya isipin pa nito, may crush siya rito!Duh! Hindi kaya niya type si Atlas! Hindi nga.. Hindi talaga.

"Kwento, kwento, kwento" he chanted.

Kwento? Huh, siya may kwento? "Baka simula pa lang mabored ka na" aniya, kung siya nga walang nakikitang excitment sa buhay paano pa ito?

"What's with you let me in, Luna?" Bahagya itong bumangon, tinukod nito ang siko at tumingin sa kanya, "Kwento?"

Hmm, saan ba siya magsisimula? Damn it, mas mahirap pa ito sa pagcompute ng statistics for annual report ng company.

"Okay, dahil mabait akong "friend"... tutulungan na lang kita" anito, "Let's start with what's your favorite food?"

Food?

What the hell? "What question was that?"

"A you-let-me-in question, Luna" pilosopong sambit nito,"Ano bang problema sa tanong ko?"

"Wala naman, I was just expecting that you'll ask about what I do in work" Sambit niya kaagad, "Like how do I manage to keep our business intact and if I'm or not open to possibilities to build a new---" tumigil siya nang makitang nakatingin lang ito sa kanya.

"Go on, I'm listening"

"That's it! Alam mo na iyon" Giit niya.

"Okay, how do you manage to keep your business intact?" Tanong nito sa kanya, she glared at him pero kaagad naman niyang sinagot. Tango lang ito nang tango.

"Are you or not open to possibilities to build something new?" Sunod nitong tanong na sinagot din naman niya. "Are you done?"

Tumango siya, nagets kaya nito ang sinagot niya?  Mukhang hindi naman. "So, may follow up question ako"

"What is it?"

"What's your favorite food?"

Weirdo! What the heck..

Fine! "I love wheat bread, oats and salad" sagot niya, "yeah, those were my favorites"

Umasim ang mukha nito sa sinabi niya. Bakit? Masarap naman ang mga iyon.

"I was expecting, french fries, hamburger, frappuccino, or anything other than those... wheat bread, oats and salad?" parang disappointed nitong sambit, "for real?"

"What's wrong with those? Healthy naman ang mga iyon!" Tama naman siya, growing up, her mother usually prepares them healthy foods. Hindi sila sinanay sa fastfood. "Sa lahat ng doctor, ikaw ang masama ang loob na kumakain ng masusustansyang pagkain ang pasyente mo"

"I doubt" sambit naman nito, "You don't enjoy those food, you just eat them because they said that you should eat it"

"Excuse me?"

"Admit it, Luna" sambit nito muli, "They really control you that much?"

"They don't control me, Atlas" She denied, "I do that with my own will!"

"Luna" he said her name like its so dear to him, "I thought you'll let me in?"

Okay, another reminder again.

Huminga siya nang malalim. Right, may usapan nga pala sila nito na magpapakatotoo siya.

But, how? Para siyang batang magaaral pa lang ng 1 2 3 sa gusto nitong mangyari. How could she possibly be herself when in fact she already forgot who she was!

"What's wrong?" Tanong nito bigla nang mapansing malayo ang tingin niya, "May problema ba?"

Umiling siya, "It's just that... I don't remember who I was... I forgot" Tumingin siya rito, "How could I remember something that was long forgotten, Atlas?"

Paano nga naman niya maalala ang mga iyon? They took it from her. How could she take it back?

Binalik nito ang tingin sa karagatan, " I don't know, either" anito pagkuwa'y tumayo, "but, if you already forgotten it, why not ---"

"Do something to remember it?" pagtutuloy niya. This is so cliché. She smirked.

"No" sagot nito agad, "Kung nalimutan mo na pala, 'edi gumawa tayo ng panibagong alaala. Yung alaala na gusto mong dalihin bilang Luna, yung ikaw na hindi dinidikta ng kung sinuman, maliban sa'yo" Nilahad nito ang kamay sa kanya, "And by that, let's start with you walking on your own, again."

Napakunot ang noo niya! Ano ba itong doctor na ito, paano nakapasa ng board exam ito?

"Yung totoo, gusto mo ba akong gumaling o hindi? Mas lalo akong hindi makakalakad sa pinapagawa mo sa akin!" Isang mali lang ay maaring mapahamak na naman siya.

"Matagal ka naman ng lumpo, hindi ba? Hindi ka nga mabuhay para sa sarili mo, e" What the hell? He hit home! Sasagot pa sana siya ngunit hindi niya alam ang sasabihin dahil totoo ang mga ito! "C'mon, maybe by doing this you could really feel that we are staring this operation back to real self!"

Natawa na lang siya sa sinabi nito. Weirdo. Hindi na niya maunawaan ang nangyayari sa sarili, ang bilis nitong mapatawa siya.

"C'mon, naging literal lang naman ang buhay mo. Pinadali ng Diyos na makita mo ang totoong nangyayari sa'yo, remove those shackle,sweeheart and walk freely!"

Napatingin siya sa kamay nito. He's kinda right. No fear, no limits.. She can do this!

So, she hold his hand and started to step forward when she lost her balance.

Bago pa bumagsak sa buhanginan ay naramdaman na niya ang bisig ni Atlas nasumalo sa kanya.

This is impossible! Hindi na niya magagawa---

"You can do it, Luna" putol nito sa pagiisip niya, "Try again, nandito lang ako"

Conditions of WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon