Chapter 38

2.3K 96 5
                                    

PAGKATAPOS nang gabing iyon ay mas naging malapit si Luna at Atlas sa isa't isa. Hindi lang sa pagsisiping kundi sa normal na aspeto bilang magasawa.

Though, Atlas maybe unleashed the temptress inside her. Hindi niya rin sukat akalain na magkakasundo sila ni Atlas sa ganitong aspeto.

"Anong oras ka uuwi mamaya?" Atlas asked her as they both getting dress for work, nagsusuot ito ng polo habang siya naman ay nasa harapan ng salamin at nagsusuklay.

Tinitigan niya lang ito mula sa salamin hanggang sa naramdaman na lang rin siguro nito na tinititigan kaya napatingin na rin.

"What?" he smirked, "Nagwagwapuhan ka na naman sa akin?"

She rolled her eyes and faced him, "Yabang" she chuckled and helped him to button his polo.

"Ano nga?" He held her waist and kissed her jaw.

"Hindi pa rin kasi ako sanay" she sighed and bit her lips, "Ngayon lang may nagtanong sa akin kung anong oras ako uuwi, kung kumain na ba ako--"

"Kung kakainin na ba kita?"

"Atlas!" Hinampas niya ang braso nito at minatahan, "Boses mo!"

He chuckled and embraced her, "Tayo lang naman, asawa ko"

"Ugh, kung anu-ano na naman ang tinatawag mo sa akin" Minsan kasi baby, tapos mahal o love, o kaya naman wifey or misis, then now - asawa ko, "Minsan gusto kong isipin namamali ka lang ng tawag, na marami kaming tinatawag mo niyan"

Natawa si Atlas, "ano ba ang gusto mong tawag ko sa'yo?" anito, "Sige, let's have an endearment para naman maabswelto na ako sa paratang na iyan"

Napakunot ang noo niya pero nagpipigil lang din ng ngiti. Atlas is caging her now in his arms, habang nakaharap sila sa salamin. Parehong umuugoy na parang nagsasayaw.

"Malalate na tayo, Atlas.."

"Tss, okay lang iyan" napakunot ang noo nito tila nagiisip talaga! "What about... babe?"

Umasim ang mukha niya, "Yuck... ano tayo teenager?"

"Sus, kapag ako na ang tumawag sa'yo niyan nakakakilig na iyan" sabay halik sa pisngi niya, na kinatawa niya, "Sige, ano pa ba? Irog?"

"Uhmm, common" aniya, "G-Gusto ko yung pag narinig ko. Tayo lang yung nakakaalam o nakakaintindi"

"Demanding, ha?" Atlas chuckled, "Okay, hmmm.. Tutal ayaw mo ng maiintindihan masyado ng iba, edi mag-French tayo"

"French talaga, ha?" she giggled, "Ayoko ng amore, ang common!"

Nanahimik ito sandali at tila parang may magandang naisip dahil napangiti at sinalubong ang mga mata niya, "What about Ma vie"

"Ma vie? What does it mean?" she asked, "Sure kang french 'yan?"

Tumango ito, "Life" he said, "My life" pagkuwa'y mapagmahal siyang tinignan.

"I love you, ma vie"

My life

Kumislap ang mga mata ni Luna at hindi napigilang halikan ang asawa. She kissed him tenderly. Hindi man niya masabi madalas na mahal niya ito, maramdaman man lang sana nito sa mga halik niya.

Yes, she love him. She already love her husband. Hindi man niya alam pa kung gaano pero alam niyang mahal na niya ito higit pa kaninuman.

"So, what time are you going home?" Nagiba ang tono ni Atlas sa mga halik niya. "Papasok ka pa ba?"

She chuckled, "Why not fetch me later after your duty and we'll see?"

----

PAGKADATING ni Luna sa opisina ay nagulat siya dahil nandoon ang ama. Damn it! Hindi pa ito pwedeng bumalik sa pagtratrabaho!

Conditions of WorthWhere stories live. Discover now