Kahit na masuka suka na ako, patuloy padin ang pag agos ng alak sa lalamunan ko. Para akong nalulunod dahil wala akong choice kundi tanggapin ang alak sa katawan ko at hintayin na tumigil iyon sa pagdaloy.

Then suddenly, the lights went on. Tinanggal na din yung mahabang embudo sa bibig ko. Nag adjust yung vision ko. Liwanag ang sumalubong sa pikit kong mga mata. Mabigat ang pakiramdam ng dibdib ko. Pakiramdam ko, nakainom ako ng isang baldeng tubig dagat.

"SURPRISE!! HAPPY BIRTHDAY!!"

Some Jonas Blue song starts to play.

The fuck, dejavu?

Hinarang ko ang kaliwa kong kamay sa liwanag. Hinintay kong mag adjust ng maayos ang paningin ko. Nang makabawi, I saw all of them. They are all here. May hawak na banner si Utol saying, "HAPPY BEERDAY, MIGO!"

Nakita ko si Sonny na may hawak na hugis parihabang cake. May kandila na nakalagay doon "2" at "1".

Doon ko lang napansin na may naka set up na mini stage. May dalawang naglalakihang speakers. May mga iilang mesa na may tela na nakabalot sa itim.

Papanong nagawa itong lahat ni Ate Dianne?

"Blow your fucking cake, Utol!"

Sabay sabay silang kumanta ng "Happy Birthday" one of the songs I hate to hear.

Dazed and confused, pero nagawa ko pa ring hipan ang kandila sa hawak na cake ni Sonny.

I was about to ask kung anong nangyayari nang magsalita si Sonny. I gave him that look.

Sonny gave me a grin. Yung ngiting nakakaloko.

"I know that look. Bago ka magalit jan. Let me explain myself first, okay?"

Dapat lang. Kailangan ko ng paliwanag sa biglaang kidnapping sakin habang naglalaban kami ng mundo laban sa damdamin ko para kay Eirik.

"This was all Ate Dianne's plan. The Kidnapping, This surprise, The bora, vacation, yung mga pag-eencourage namin sayo ni Jepoy, the billiard, lahat, lahat, everything. Si Ate Dianne ang may sala. Sumunod lang ako, kaya, don't curse me."

"Yeah, Sonny's right, bro. Don't hate us." Chase spoke.

"Pa-paano?" Talagang di ako maka catch-up.

Siguro distraction to na plano ni Lord sa akin?

Ang bilis lang kase ng mga pangyayari. Kani-kanina lang, andun ako at nag-iisa tapos ganito na bigla? Kaya pala isa isa kayong nawala kanina. Arggh!!

"Sir, Miguel." Luke, my assistant, came from behind me. Ramdam ko na si Luke yung may pakana ng alak.

"Luke, what are you doing here? Hindi ba dapat nasa Manila ka?"

Hindi makapagsalita si Luke halatang kasabwat din siya sa "kidnapping."

Inabutan niya ako ng panyo.

"Don't tell me, kasabwat ka din dito, Luke?" Kahit na alam ko na ang kanyang isasagot.

I can't believe this is happening.

"Fuck. This is insane." Napapailing nalang ako. Wala ako magawa. Eto na eh. Ate Dianne's plan was impossible to resist. Hindi pa din siya nagbabago.

"I know you hate surprises. Wag mong pagalitan ang secretary mo. He's just doing his job. Sumusunod lang siya sa inuutos sa kanya. Plano ko lahat ng mga ito. Alam ko na nung debut mo sa mansion, hindi ka masaya. Kaya heto, nag-plano kami ni Sonny kasama si Ichan na gumawa ng surprise. Happy birthday, brother in-law." Ate Dianne explained. Nasa tabi siya ni Sonny.

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now