Pero na-realize ko na ang sagwa palang tignan na makipag date ako sa mga kamag-anak ng students ko, diba? Paano na lang pag makita kami ng estudyante ko at sasabihing, 'teacher, bakit po kayo magkasama ni kuya?'. Kamusta naman?!

*POOOF*

Kalabasang ginisa! Ipinark ko yung kotse ko sa gilid. Buti na lang hindi ako sa mid highway nag ddrive.

Lumabas ako at tinignan yung front tyre. At kapag minamalas ka nga naman, na-flat-an pa ako.

"Ugh!" sinabunutan ko yung buhok ko dahil sa frustration. May meeting pa ako at meron na lang ako na kulang-kulang 20 minutes para makarating sa meeting place namin. After that, magkikita kami nina Tito Luis and Mommy Bella for an afternoon tea, gig in Essence afterwards at party with some friends. Paano na ako makakapunta dun?!

May spare tyre naman ako. Ang kaso, hindi ako marunong magpalit and if ever man marunong ako, hindi ko pa rin gagawin yun dahil I'm wearing a dress and gaya ng sabi ko, may meeting ako. Uwaaah. At ngayon, 17 minutes na lang ako meron bago ako maging late! T3T

*beep beep*

May huminto na Porsche sa harap ng BMW ko. Ilang sandali pa, lumabas yung driver. Napanganga ako. Emerged. Ang gwapong nilalang neto pero teka lang. I squinted my eyes.

O____O

At kapag nang-iinis si Fate, si mestizo guy pala ito. Golay golay golay!

Dahan dahan pang naglakad tong si mestizo guy palapit sa akin and he smiled his famous smile. Kung totoo lang na nagta-transform ang ilang humans into wolves, I bet isa to sa kanila. Pramis.

"Ooh, look who's here?"

"Hi," I rolled my eyes tapos tinignan yung gulong kong flat. Sana tulungan ako netong panget na to, diba?

"You need a ride?"

"No. Kelangan kong palitan yung gulong ng kotse ko. Yun lang."

"You don't know how to change tyres?" tapos ngumiti siya with matching amazement ang facial expression. =_=

"Obviously," I rolled my eyes again. Tapos biglang nag ring ang phone ko. Tumatawag na si Ate Renz.

"Hello?" nag about-face ako ke mestizo guy at sinagot ang phone ko.

"Vee, asan ka na? 15 minutes na lang late ka na."

"I know, ate. Na-flatan ako eh. Ayoko naman ding magcommute dahil pupunta pa ako sa mga bossing ko."

"Jee, basta bilisan mo na lang. Tumawag na kaya ako sa shop para matulungan ka?"

"No. Wag na, ate. Okay lang. Salamat. Bye," binaba ko na. Kapag kasi ipa-shop pa yang kotse ko, maraming echebureche pa yang gagawin at di ko makukuha agad-agad bukas.

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of Fateजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें