The End

3.1K 47 14
                                    

Sabado. Maaga pa lang na ako sa venue ng launch para tingnan kung maayos ang mga preparasyon sa gabing iyon. 

"Claire, yung mga ushers at entertainers natin anong oras darating?" tanong ko

"5pm ko pinapunta dito, para may time muna silang kumain saka magayos." sagot ni Claire

"Yung guest list, may mga last-minute cancellations ba?" 

"Wala. Confirmed ang lahat na invited natin. May mga nagrequest na media outlets na magdadagdag sila ng ipapadalang tao, ano ang gagawin ko?" si Jane ang nagtanong

Napakuno noo ako " Bakit daw?" nakibit balikat si Jane "Kung kaya nating iaccommodate, sige. Kung hindi, just let them know na limited yung capacity natin."

"Okay" sabi ni Jane "Anong oras ka nga pala babalik dito mamaya?"

"Kung hindi nyo ako kailangan, baka right before the program na. Sasabay na lang ako kina kuya at Lexi" 

Nagkasundo kami ni Lexi na sabay na pupunta sa event. Kailangan ko ng moral support ng kaibigan. Ang hindi ko inaasahan ay aattend din pala sila kuya. Sinabi lang sa akin kagabi. Hindi naman nakakapagtaka na inimbitahan sila kuya, kilala sila sa business at personal nilang kakilala si Luke. 

"Kami ni Jane, sabay na pupunta dito ng mga 5. Para ibrief na rin ung mga staff" sabi ni Claire. 

Tumango ako "Sige. Kung wala na gagawin dito, una na ako." Sumang-ayon naman ang dalawa.

Nagpunta ng maaga si Lexi sa bahay. Siya na rin ang nagmake-up sa akin. Bihasa na kasi ito ngayon sa pag-aayos dahil na rin sa trabaho.  Light makeup lang at itinaas ang buhok ko para makita ang details ng damit. Nasa sala na sila kuya ng bumaba kami. Nagugwapuhan ang mga ito sa mga suot na tux.

"Wow!" sabi ko "kami ang pinakamaswerte ngayong gabi. Ang gugwapo ng date namin" 

Tumawa si Kuya Ty "Mas maswerte kami. I'm sure kayo ang pinakamaganda sa event"

"Tigil nyo na bolahan nyong dalawa" natatawang sabi ni Lexi "Halika na baka ma-traffic pa tayo"

Marami ng tao pagdating namin sa event. Nagkakagulo din ang media dahil ang daming mga celebrities at pulitiko na papasok ng ballroom.  Parang gusto kong umatras ng nakita ko na isa sa mga ininterview ay si Luke at Karen. Nakaangkla pa sa braso ni Luke ang babae.

"We heard you have a big announcement tonight apart from the launch of Posmi, totoo ba ito?" narinig kong tanong ng isang reporter. Kinabahan ako. Hindi ko narinig na sumagot si Luke pero nakita ko ang ngiti ni Karen. Ngiti ng tagumpay.

"Marami ang curious sa name ng resort. Luke, sabi ikaw daw ang nagsuggest nito. Saan mo kinuha ang pangalang Posmi Banphrionsa ?" tanong pa ng isa

Narinig ko tumawa si Luke "Just wait for the program, everything about the resort dun nyo malalaman" nagpaalam na din ito sa mga reporters at pumasok na

Nasaktan ako, bakit parang ang saya-saya nya? Parang ilang araw lang akong nawala, nakamove-on na sya? Kinalabit ako ni Kuya Ty dahil may mga reporters na nakalapit na sa amin. Nagpicture at humingi ng ilang comments. Ilang sandali pa, nakapasok na rin kami sa ballroom.

Kasama ako sa mga nagplano ng event at lahat halos ay ideas ko, pero namamangha pa rin ako ng una kong makita ang loob ng ballroom. Dahil launch ito ng resort, naisip namin na bigyan ng konting sample ang mga attendees kung ano pwede nila iexpect sa Posmi. Secret Garden ang theme namin. Naglagay kami ng dark backdrop sa buong ballroom at iba't ibang illuminated trees, foliage at pagkarami-raming bulaklak ang dekorasyon. Pati ang ceiling ay may fairy lights. Ang centerpieces ay mga bulaklak din sa vase na may fairy lights sa loob. Sinadya na nakadim ang ilaw sa buong ballroom para kitang-kita ang stage na nakaspot-light. Mamaya alam ko na ang led dancefloor ay magiiba-iba ng kulay kapag oras na ng sayawan. 

Hanggang Kailan? (COMPLETED)Where stories live. Discover now