Chapter Twenty Five

1.8K 24 0
                                    

Pinilit ako nila Lexi na sumama sa kanila magbar that Saturday. Dahil wala rin naman akong gagawin, sumama ako. 

"Sasama si Kuya Gabe mo?" tanong ni Lexi

"Hindi ko sya niyaya. Ayoko syang kasama hindi kami makakakilos ng maayos ni Autumn"

Tumango-tango naman si Lexi "sabagay"

Kina Lexi na kami mag-aayos dahil sa BGC lang din naman balak magbar.  Nagsimula na kaming magbihis. Tawa ng tawa si Lexi sa isusuot ko. 

"I wish makita ka ng ex mo sa suot mong yan" biro nito

Nginusuan ko sya "Ewan ko sayo! Gusto mo ba masira ang gabi ko?"

Pagkatapos ko maisuot ang damit, tiningnan ko ang sarili sa salamin. Medyo naiilang ako sa suot ko, pero hindi naman nalalayo ang suot ko sa mga suot nila Lexi at Autumn.

Hindi ako makapaniwala na kaya kong magsuot ng ganito. Isang red strappy bodycon dress ang napili ko. V-neck at above the knee ang hemline, kaso ang likod open-back at criss-cross straps lang. Para pang nanunukso ito na niriribbon ang strap sa likod. Kung malikot ang pag-iisip, pwedeng hilahin ito at malalaglag na ang harapan ng damit ko. Tinernuhan ko din ng red strappy sandal at clutch bag ang damit. Inayos ko ng malalaking waves ang buhok ko at manipis na make-up lang.

Sumipol pa si Lexi ng makitang nakaayos na ako "That's my girl" 

Hindi rin naman papahuli ang suot ni Lexi, emerald green wrap front midi dress naman ang sa kanya at si Autumn ay naka dove grey bardot frill bodycon dress. Buti na lang hindi kasama si Kuya Gabe, baka hindi kami pinalabas ng bahay nun!

Napagpasyahan naming sa Sapphire's na lang magpunta. Masyado kasing busy ang malalaking clubs lalo na sabado. Mahirap na magkawalaan kami. Nagtaxi lang kami papuntang club. Nagbilin si Kuya Gabe na tawagan sya kapag pauwi na kami. Mahigpit ang bilin na wag kami umuwi hanggat hindi sinusundo.

Kokonti pa lang ang tao ng dumating kami. Pumwesto kami sa isang cocktail table sa di kalayuan sa bar, nakaharap sa dance floor. May mga upuan din sa paligid namin. Tamang-tama kapag pagod na kami sa kakasayaw.

"Okay, Ladies drink up" sabi ni Lexi, itinuro ang 3 tequila shots. Sabay sabay naman namin ininom ang shots.

Pagkatapos ay umorder na ng white wine, screwdriver at JD cola. Yes, bukod sa mga shots, hindi kami magkasundo sa inumin. Tatlong mabilisang pag-inom ng ganun. Saglit lang at pare-pareho na kaming relaxed. Sumasabay sa tugtog.

Napupuno na rin ang mga mesa at dumarami na rin ang mga tao sa dance floor. Grupo-grupo ang mga andun. Hindi namin masyado pinapansin ang mga tao, dahil ang gusto lang namin ay magsayaw at magsaya.

May ilan na ring kalalakihan ang lumapit sa mesa namin para magyayang sumayaw. Iisa ang sagot namin

"Mamaya na"

Pinagsabihan kasi kami ni Kuya Gabe noon pa, na kapag sa bar at nakipagsayaw, once na may pinaunlakan, dapat lahat paunlakan. Baka daw magkaroon pa ng away. Sineryoso naman namin ang bilin na yun ni kuya. 

Hindi na mapakali si Lexi, hinila na ako sa dance floor. Si Autumn, nagpaiwan muna sa mesa para bantayan ang mga gamit namin. 

Nagpatianod ako sa init ng alak at sa saliw ng musika. Ipinikit ko ang aking mata at sumayaw. Ganito kami ni Lexi sumayaw. Walang pakialam sa mga nakapaligid namin, basta ang gusto namin ay namnamin ang tugtog.

Nakailang kanta na rin kami ng maramdaman ko na may sumasayaw na lalaki sa likod ko. Sinasayawan ako. Hinanap ko kung nasan si Lexi. Nasa malapit lang naman pero may kasayaw na.Nailang ako sa lalaking nasa likod ko dahil hinawakan na nito ang aking bewang. Napahinto ako saglit sa pagsayaw. Hindi ko nagustuhan ang paghawak sa akin, lalo pa backless ang damit ko, kaya balat ko ang nahahawakan. 

Pasimple akong sumenyas kay Lexi. Nagkunwari naman ako na tuloy pa ring sumasayaw pero lumalayo na ako sa lalaki. Plano ko bumalik na sa table namin. Sumasayaw ako palayo. Malapit na ako sa table namin nang may mga bisig na mahigpit na pumulupot sa bewang ko, at isinayaw ako. Nanigas ako.

"Gotcha" ngingisi-ngising bulong nito sa may tenga ko.

Kinilabutan ako, isa itong dayuhan. Matangkad at maamo ang mukha, gwapo ito kung tutuusin. Alam ko ang kalakaran sa club, tinaasan ko sya ng kilay. Tumawa naman ito at binitawan ako. Patuloy pa rin ito sa pagsayaw. Naisip kong sumayaw din kahit saglit para hindi naman ito mapahiya. Lumapad ang ngiti nito ng nakitang hindi ko sya agad tatalikuran at iiwanan. Pumikit ako para mas madama ko ang tugtog.

Napadilat ako ng maramdaman kong may kamay na humawak sa wrist ko at ako ay iginigiya papunta sa pinto ng bar. Nataranta ako, natakot kung sino ang lalaking ito. Napaawang ang bibig ko ng magsalita ito

"Just follow Nikki, don't let me make a scene" dinig ko ang galit sa tinig ni Luke.

Hinayaan kong hilahin ako ni Luke. Sinamantala ko ang pagkakataon na hanapin sila Lexi at Autumn. 'Di ko makita si Lexi, pero nagtama ang paningin namin ni Autumn. Kita ko rin ang pag-aalala sa mata ng pinsan ko. Umakto ito na susunod, pero umiling ako. Ayoko na pati sya ay madamay sa galit ni Luke. Sumenyas ako na tatawag na lang ako sa kanya.

Hindi naman ako natatakot na gagawan ako ng masama ni Luke. Hindi sya ganong klaseng tao.  Mabilis akong nailabas ni Luke sa bar. Diretso kami sa parking area, nakita ko agad ang sasakyan nya. Huminto kami sa tapat nito. Binuksan nya ang pinto.

"Get in, Nikki" matigas pa rin nitong utos. 

Nag-init ang ulo ko, dala na rin siguro ng alak kaya malakas ang loob ko.

"Anong karapatan mo na kunin ako dun sa bar at utusan ako na sumakay diyan sa kotse mo?" mataas ang boses ko

Nakita kong kumuyom ang kanyang mga kamao at tumigas ang kanyang panga. Huminga sya ng malalim pagkatapos ay hinimas-himas ang leeg nya. Napapikit sya.

"Tangna naman Nikki, anong gusto mong gawin ko?" humakbang sya palapit sa akin. Napaatras naman ako sa gulat ko. 

Huminto sya, kita ko na nasaktan sya sa pag-atras ko. Napasabunot sya sa buhok nya. 

"Makikita kitang hawak ng ibang lalaki" hinagod nya ko ng tingin "ganyan ang ayos mo. And you expect me to do nothing?" pasigaw na sabi ni Luke

Pinandilatan ko sya at dinuro sa dibdib. Talagang galit na rin ako, halos maiyak na ako sa inis. Pero ayoko na makita nya ko na umiiyak. Pinanghawakan ko ang galit ko.

"Ano.." tulak 

"...ang" tulak 

"..karapatan mo?!" nanginginig na ako sa galit. 

Tinalikuran ko sya, hindi ko na napigil ang luha ko. Napahagulgol na ako. Napasuntok ako sa bubong ng kotse. Akala ko ubos na ang luha ko. Hindi pa pala.

Hanggang Kailan? (COMPLETED)Where stories live. Discover now