Chapter Ten

2.4K 31 0
                                    

May sigla ang mga kilos ko kinabukasan. It's a normal weekend naman para sa pamilya ko. Pagpasok ko ng dining room ay nandun na sila mommy, daddy at si Kuya Ty. Si Kuya Gabe na lang ang wala.

"Good morning Mommy, Daddy and Kuya" bati ko sa kanila

Isa-isa rin naman silang bumati sa akin. Umupo na ako sa tabi ni Mommy. Kumuha ako ng orange juice, at nagsimula na maglagay ng pagkain sa aking pinggan.

"Kumusta lakad mo kagabi?" tanong ni Kuya Ty

"Okay lang kuya. I was home by 10. Alam nila Mommy" sabi ko

"San naman kayo nagpunta at ano naman ang ginawa nyo?" si kuya pa rin ang nagtatanong

"Nagdinner lang kami sa Boathouse"

"Stop harrassing the girl Tyler." biro ni mommy. Tumingin naman si Kuya Ty kay mommy at tumawa.

"I'm not Mom. I'm a guy, I know how guys think. Hindi pwede ang kalokohan sa akin"

"Oh, takot ka na ang kapatid mo ang makarma sa mga kalokohan niyo ni Gabe?" usig ni mommy

"Mom, wala naman dapat makarma. Ang bait kaya namin ni Gabe" natatawang sabi ni Kuya

Ang lakas ng tawanan namin sa sinabi na yun ni Kuya. Pinagpasalamat ko na natigil na ang pag-iinterogate ni kuya sa akin.

"San nga po pala si Kuya Gabe? tulog pa ba?"

"Maaga umalis ang isang iyon. May gagawin lang daw pero babalik din agad" sabi ni daddy.

"Ah" sabi ko.

"By the way Tyler, napag-isipan mo na ba ang sabi ko sayo about studying abroad?" tanong ni daddy

"Yes, dad. I'm not against the idea and I know na marami naman talaga ako matutunan dun. Kaya okay lang sa akin."

"Kuya, aalis ka?" sabi ko.

Nakaramdam ako ng lungkot. Madalas din kasi wala ang parents ako kaya sila kuya ang lagi kong kasama.

"Don't worry baby girl," ngumuso ako sa kanya na nakapagpangiti dito.

"Hindi naman ako magtatagal dun. Kaya hindi pwede ang mga kalokohan mo ha?"

Pinandilatan ko sya. "Oist. Kalokohan ka diyan! model student kaya ako!"

"O, tama na yan baka magkapikunan pa kayo" saway ni mommy.

Pumasok naman ang isa naming kasambahay sa kusina na may dala-dalang bouquet ng bulaklak. Dire-diretso itong nagpunta sa akin at inabot ang mga bulaklak. Tumaas naman ang kilay ni Kuya Ty. Sila mommy at daddy naman ay nakatingin lang sa akin. Kinuha ko ang bulaklak. Magkahalong puting calla lily at pink na rosas ang arrangement. Hindi ako nagpakita ng kahit anong reaksyon. Obvious na curious ang mga kasama ko sa mesa. Parang alam ko na kung sino ang nagpadala ng bulaklak. Casual kong binasa ang message na nasa card.

Nikki,

Thank you for the help in my studies.

Luke

"Ano daw sabi?" nakakunot-noo si Kuya Ty

Hindi ko sya agad sinagot, inutusan ko muna ang nag-abot sa akin ng bulaklak na ilagay ang flowers sa isang vase at ipasok na lang sa kwarto ko. Saka ko pa lang hinarap si Kuya.

"Nag thank you lang sa pagtutor ko sa kanya." sabi ko at inabot sa kanya yung card na kasama ng flowers. Kinuha naman nya ito. Mabilis na binasa at inabot din kila mommy para makita.

"Akala ko kasi nanliligaw na at may pa dinner dinner pa kayo." tukso nito

Nahiya naman ako sa sinabi ni kuya, alam ko na nagbablush na naman ako.

Hanggang Kailan? (COMPLETED)Where stories live. Discover now