Chapter Six

2.7K 29 0
                                    

Kinabukasan, naistorbo ako sa pagrereview ko sa mga tilian at parang maiihi sa kilig na asal ng mga kaklase ko. Oh yes, sabihin man na ang top class, at masasabi na may mga nerds talaga, normal din naman kami 'no! Hindi lang siguro halata, pero may mga kaklase kaya ako na mga simpleng manyak at simpleng malalandi. Natawa naman ako dun. Kaya tiningnan ko na kung sino ba ang dahilan at halos magtatalon na itong mga kaklase ko.

Hala! Si Kuya Gabe, ngiting-ngiti na nakasandal pa sa may pintuan namin. Alam ng mga kaklase ko na may mga kuya ako. Pero dahil sinasanay kami na maging independent at may mga kanya-kanya kaming mga hilig, bihira makita ng mga kaklase ko na kasama ko ang mga kuya ko. Or kung may nakakilala na sa mga kuya ko, bibihira lang yun. Yun lang mga naging kadikit ko na at naisasama ko sa bahay tulad ni Lexi. Lininga ko ang mga kaklase ko. Kinikilig pa rin. At ito namang si kuya, aba! tuwang tuwa pa. Hindi ko rin naman masisisi ang mga kaklase ko kung bakit ganyan ang reaksyon pagkakita kay Kuya. Kung ako madalas mapagkamalan na morena kahit hindi. Si Kuya Gabe, kita kaagad ang dugo ng lahing kastila. Mestizo, matangkad, maganda ang pangangatawan dahil sa athletic din ito. Ang kilay na makakapal pero ang ganda ng korte at halos magkasalubong kapag nakasimangot. Ang ilong na matangos at matulis, matang malalamlam. Hay, kapag tinitigan ka parang mahuhulog ang panty mo. Buti na lang kapatid ko, kaya walang epekto sa akin kahit gaano pa kagwapo si kuya. Tinaasan ko sya ng kilay at nilapitan.

"Ano ginagawa mo dito?"

"Tanong ko lang kung anong oras ang uwi mo. Sabay tayo." sabi niya.

Nagtaka ako. Usually, magtitext or tatawag lang si kuya sa akin kung sabay or driver lang ang kasabay ko. Weird. Tinitigan ko si kuya. Tumingin naman sa akin. Natatawa pa.

"Yun lang ba ang talagang intention mo kuya?" pinapakita ko sa kanya na hindi ako kumbinsido sa sinabi nya. Inambahan ko pa na parang hahampasin

"Yun lang." natatawa syang umatras palayo sa akin. Itinaas pa ang dalawang kamay. May nakita yata sa may hallway, kumunot ang noo saka nagpaalam sa akin.

"Text mo na lang ako. And I also need to know your schedule. Pinapakuha ni Kuya Ty." seryoso na ito ngayon.

Laglag ang panga ko sa gulat. Hindi na nya ako hinintay sumagot. Tumalikod na sya at umalis. Tulala akong bumalik sa upuan ko. Iniisip ko kung ano ang kahulugan ng sinabi ni kuya. Hindi ko na rin masyado pinansin na hanggang ngayon kinikilig pa rin ang ilan sa mga kaklase ko.

Maya-maya ay uwian na. Naitext ko na rin kay kuya kung ano oras ako ngayon uuwi. Binigyan ko na rin ng kopya ng schedule ko si Kuya Ty. Paglabas ko ng classroom papunta sa office ng student council, namataan ko si Luke. Lumapit naman ito pagkakita sa akin.

"Pauwi ka na ba?" tanong nito.

"Hindi pa. Daan muna ako sa SC office, tingnan ko kung may mga updates sa tutorial project." tuloy pa rin ang lakad ko at kasabay pa rin si Luke.

Medyo naiilang ako at may mga matang nakasunod sa amin. Kita ko dun na may mga nagtataka at meron din naman nagbubulungan. 'Di ko na lang pinansin at baka mainis lang ako.

"May sundo ka ba ulit mamaya?" bigla nitong tanong

"Araw-araw ako may sundo. Either kasabay sila kuya or yung driver lang."

Tumango-tango ito. "For tomorrow, saka ang susunod na mga Tuesday at Thursday, pwede ako na maghatid sayo. Tutal ako naman ang kasama mo."

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Unang pagkakataon kasi ito na may nagtanong sa akin kung pwede ako maihatid. Usually si Lexi lang or kaya grupo naman kami na nagsasabay-sabay. Seryoso pa rin syang nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot ko. Tipid na tango lang ang naibigay ko sa kanya.

Nginitian nya ako. Kitang kita yung malalim nyang dimple sa right cheek. Bakit parang bigla naging mainit ang pakiramdam ko? Pinagpapawisan ako pero nanlalamig ang mga kamay ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bago pa maging awkward at kung ano ang masabi ko nagpaalam na ako sa kanya,

"Hatid na kita sa gate" sabi nya

"No need na. Okay lang." mabilis kung sabi at saka binilisan ko na rin ang paglalakad ko. Napansin ko naman na may isang grupo ng mga estudyante ang nakalapit sa amin at dumikit kay Luke.

"Luke, halika na sabay ka na sa amin papunta sa practice" sabi ng isa

Kita ko na nakatingin pa sa akin si Luke. Tumango na lang ako sa kanya. Sana magets nya na aalis na lang ako at sumama na sya sa mga kaibigan nya. Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Luke. Hinayaan ko na lang na hilahin din sya ng mga kaibigan sa pupuntahan nila.

Tama naman ang hinala ko na andun na nga si Kuya Gabe. Nang makita ako na mag-isa papalapit sa kotse, para namang disappointed na wala ako kasama.

"Wala naghatid sayo ngayon?"

"Pinasama ko na sa mga kaibigan nya. Alam ko naman na andito ka na" sabi ko sa kanya. Gusto ko talaga matyagan si Kuya Gabe. Duda ako sa kinikilos nya.

"Pero sabi nya, kung pwede daw na every Tuesday and Thursday na sya ang tinuturuan ko ay sya na ang maghatid sa akin pauwi" kontrolado ko ang boses ko. Ayaw ko na may maisip na hindi maganda si kuya sa akin.

Mataman akong tiningnan ni kuya. "And ano ang sabi mo?"

"Pumayag ako. Ipapaalam ko rin naman sa inyo nila Mommy." Hindi pa rin nagsasalita si Kuya Gabe.

"Okay lang ba yun kuya?"

Parang pinag-isipan pa talaga ni Kuya Gabe ang sasabihin nya bago nagsalita.

"Ipagpaalam mo kina Mommy. Para alam din kung anong oras ka nasa bahay na. If may problema. tawagan mo ako or si kuya, Just make sure na iinform mo kami kung may mga changes sa schedule mo." Ginulo pa nito ang buhok ko. Lumabi ako sa kanya.

"Kuya naman eh!"

Tinukso pa nya ako ng tinukso on our way home. Tinanong ko naman sya sa kung ano pang mga ginagawa nya at kung ano ang course na kukunin nya sa college. Dumaan pa kami ng drive through at nilibre nya ako ng ice cream sundae.

Pagdating ng bahay, nagpalit lang kami ng damit at nakiumpok na kina mommy sa sala. Hinihintay pa kasi namin si daddy na dumating kaya hindi pa muna kami kumain.

"My, yung kaeskwela ko na tinutulungan ko sa lessons ko na daw ang maghahatid sa akin tuwing may sessions kami ng Tuesday at Thursday" paalam ko sa ina.

Tumikhim si Kuya Gabe, at tumingin sa kanya si mommy. Tiningnan ko rin lang sila. Nang walang sinabi si Kuya Gabe, hinarap naman ako ni Mommy.

"May driver ba ang kaeskwela mo o sya na ang nagmamaneho?" tanong ni mommy

"Hindi ko po alam. Pero magkabatch po kami, baka may driver sya."

Tumango-tango si mommy. "Sige, ask him kung ano ang arrangement. Kung may problema sa sasakyan. Iinform mo ako or mga kuya mo."

Naramdaman ko na nagrambulan ang mga paru-paro sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit may kakaibang saya at kaba akong nararamdaman sa isipin na magkakasama kami ng ilang oras ni Luke.

Hanggang Kailan? (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ