Chapter Forty

1.7K 26 0
                                    

Inakay na ako ni Luke papasok sa villa. Kahit wala isa man sa amin ang may ganang kumain, pinilit naming umaktong normal. Napagpasyahan namin na magsnorkeling at subukan ang stand-up paddling. Nagkakatawanan kami, pero andun pa rin ang lungkot, kirot at ang kaba. 

Nagdecide na din kami na bumalik na ng Manila knabukasan. Nang gabing yun, magkatabi kaming nahiga, magkayakap. Parang ayaw na naming matulog, dahil alam namin na may magbabago na paggising namin sa umaga. 

Ayoko ng makita nyang umiiyak ako. Gusto kong respetuhin kung ano  ang sinabi ni Luke, tulad ng pag intindi nya sa kung ano kailangan kong gawin. Ang hirap-hirap. Naalala ko ang napagusapan namin ni Kuya Ty ng tinanong nya ako kung ano ang gusto kong gawin.

"You can be a socialite or philantrophist tulad ng marami nating kakilala, you can be a career-driven girl, or baka you want to take care and have your own family?" sabi ni Kuya Ty

"Can't I have it all Kuya?" sabi ko

Tanda ko ang pag-iling at paglungkot ni Kuya "Of course you can, you're a Montinola! nothing is impossible. Hindi ko lang alam kung pwede ang lahat ng yan pagsabay-sabayin"

Ito na ba yun Kuya?  Ito na ba ang sinasabi mo na hindi mo alam kung posible na sabay-sabay sila? Bakit ang sakit? Naalala ko rin ang pinangako ko sa sarili ko ng nag-usap kami ni Kuya Ty.

"I want to have it all"

Paggising kinabukasan, kumain lang kami at nagligpit na rin ng mga gamit namin. Nakaupo si Luke sa couch sa kwarto. Hinihintay akong matapos para buhatin ang bag ko. Napansin ko ang jewellery box sa side table. Tiningnan ko sya.

"Keep it, sayo yan" malamig nya na sabi. Magsasalita ako ng pinutol nya ang sasabihin ko "Sukat ng daliri mo yan, hindi ko na pwedeng ibalik yan. Kung ayaw mo gamitin o itago, ibenta mo"

Isiniksik ko na lang sa handbag ko, bago pa tuluyang mag-init ang ulo nya. Nang makita nyang tapos na ako magligpit. Agad nyang kinuha ang bag ko at bumaba na. Sumunod ako sa kanya. Inalalayan nya ako ng naglalakad kami papuntang reception. Mabilis naman kami nakapagcheck-out at nakarating sa airport.

Pagdating sa bahay, hinatid nya lang ako sa pinto. Niyakap ako at humalik sa buhok ko. 

"Good bye Nikki" sabi nya at umalis na sya.

Nagtaka pa si Kuya Gabe ng magbukas sya ng pinto, aktong papalabas.

"Oh Nikki, andiyan ka na pala? Bat di ka pa pumapasok? Umalis na ba si Luke?" niyakap nya ako bilang pagbati.

Hindi ko na napigilang yumakap ng mahigpit kay Kuya Gabe at humagulgol. Para naman natataranta si kuya na inakay ako papasok sa loob ng bahay. Hinagod-hagod ang likod ko, hindi pa rin ako matigil sa kaiiyak.

"What's wrong Nik?" bakas ang pag-aalala ni kuya. Umiyak lang ako ng umiyak, nabasa ko na ang damit ni kuya. Inalalayan na lang nya akong umakyat papasok sa kwarto ko. Para akong bata na iniupo nya sa kama at inalo.

Medyo nakokontrol ko na ang iyak ko. Pahikbi-hikbi na lang ako. "You want to talk?" tanong ni Kuya. Umiling ako. Tinitigan ako ni kuya, alam ko gusto nya akong tanungin kung ano ang nangyari, pero nakita yata nya na hindi ko pa kaya. "Magpahinga ka muna, when you want to talk, tawagin mo ako" iniwan na ako ni kuya para mapag-isa.

Hindi ko alam kung kinausap ni Kuya Gabe si Kuya Ty. Pero ng mga sumunod na araw, hindi ako naiiwang mag-isa. Kung hindi si Kuya Gabe ang nasa bahay, si Kuya Ty, kundi man ay si Lexi at Autumn. Walang nagtatanong sa kanila kung ano ang nangyari. Pero alam ko na nag-uusap usap sila at nag-aalala sa akin.

Gustong-gusto ko iassure sila na magiging okay din ako, pero wala akong lakasng loob na ikwento sa kanila ang nangyari. Natatakot din ako mapagsabihan na mali ako sa desisyon ko. Ilang beses ko na ring dinampot ang cellphone ko at naiisip kong tawagan si Luke. Gustong-gusto ko na syang makausap at bawiin ang mga sinabi ko. Pero sa bandang huli, nagagawa ko pa ring magpakatatag.

Hindi ko na alam kung ilang araw o linggo na ang lumipas mula ng inihatid ako ni Luke sa bahay. Nagising na lang ako isang umaga na parang kaya ko ng humarap sa mundo. Nag-ayos ako at pumasok ng opisina. Parang nagulat pa ang mga taga-marketing ng dumating ako. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Kuya at hindi ako pumapasok ng opisina. 

Masaya naman ang salubong sa akin ng mga kaopisina. Nakita ko pa na may kausap sa phone si Mrs. Santiago, pero ng makita na nakatingin ako sa kanya, mabilis nito ibinaba ang phone at lumabas ng opisina nya.

"Nikki! Welcome back" niyakap ako ni Mrs. Santiago "I am so glad you're here"

"I am sorry ngayon lang ako nakabalik"

"Nothing to worry, nagsabi naman si Tyler na kailangan mo daw ng bakasyon." sabi nya "I hope you're fine now?" tiningnan ko si Mrs. Santiago kung may ibig sabihin ang tanong nya. Nakahinga ako ng maluwag na normal na pagtatanong lang ako.

"Yes, I'm fine. Ready na ako ulit simulan trabaho ko, that's if trabaho ko pa yun?" 

"Well, of course. Sayo pa rin yun. Detailed naman and good for several months ang iniwan mong list kay Claire. All she did was follow up on that. "

"I will just need some time para iupdate ko ang sarili ko sa kung ano  na ang nagawa at kung ano pa ang gagawin." nagpalinga-linga ako "asan nga pala si Claire?"

Napatawa si Mrs. Santiago "Oh, hindi ba nasabi sayo ni Tyler?" umiling ako "You have your own office now. Bukod sayo at kay Claire, nagdagdag ng dalawang juniors. Anticipated na naman ito noon pa, kaya nga nahihirapang umalis noon si Nancy. I want to show you your new office pero baka pagalitan ako ni Tyler" tumawa ito "Akyat ka na muna kay Tyler, he's waiting for you. SInabi ko na andito ka. Sinabi ko sa kanya na andito ka ng dumating ka."

Si Kuya Ty pala ang kausap nito kanina. Tumango na lang ako. Nagpaalam sa mga nasa opisina at nagsabi na aakyat lang muna ako sa office ni Kuya Ty. Mukha ngang inaabangan ako ni Kuya Ty sa office nya, andun din si Kuya Gabe. Maluwang ang ngiti nila na sumalubong at yumakap sa akin. Humalik pa si Kuya Ty sa noo ko, nakaramdam ako ng kirot sa alaala ng isang lalaki na madalas ay sa noo ako hinahalikan. Niluwangan ko ang ngiti ko.

"Parang hindi tayo nagkikita sa bahay ah!" biro ko. Kumislap ang mga mata nila kuya, halatang natuwa na nagagawa ko ng magbiro. 

Ngayon ko naisip na naging selfish ako. Hindi ko na inintindi kung ano ang nararamdaman ng mga taong nasa paligid ko. Yung nararamdaman ko lang, yung gusto ko lang ang inisip ko. Pangako Luke, hindi ko sasayangin ang sakripisyo mo.

Hanggang Kailan? (COMPLETED)Where stories live. Discover now