Chapter Forty Eight

1.8K 26 0
                                    

Nakahiga ako sa mga hita. Yan ang unang pumasok sa isipan ko ng magising ako. Dahan-dahan akong bumangon. Nakita ko na nagmulat din ng mata si Luke.

"Nakakahawa ang pagiging antukin mo" biro nya "Food is here, init ko lang" tumayo na sya.

Madami kaming napag-usapan habang kumakain. Katulad ng napagkasunduan, yung pictures sa laptop at print-outs na lang ang pinag-aralan ko. Nagdiskusyon na kami kung ano ang mga pwedeng gawin. Ipipresent ko ito kapag kasama na namin si Jane. Marami ding ibinigay na ideas si Luke na alam ko pwedeng ayusin para mas maging maganda ang kalabasan. Puno kami ng tawanan. Hindi ko na nga napansin na nakahilig na pala ako sa kanya habang tinitingnan ang mga pictures sa laptop at sya naman ay nilalaro-laro ang aking buhok.  

Naputol ang kwentuhan namin ng nagring ang phone ko. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumawag, sinagot ko na lang agad.

"Hey" boses ni Rafe

Umayos ako ng pagkakaupo, napansin ko na nagmamasid naman si Luke "Hey, yourself" biro ko "ano balita?"

"Nasa Pinas na ulit ako. I just want to know if libre ka for dinner mamaya"

"Ah, Rafe, wala ako sa Manila right now. I'm in Caramoan para sa bago kong project" 

"Ganun ba?" rinig ko ang disappointment sa boses nya

"Why don't I call you pagbalik ko?" sabi ko sa kanya. 

"Promise?" may himig ng paglalambing na sabi ni Rafe

"Promise. I have to go now" paalam ko "bye"

"bye" sabi nya. Binaba ko na ang phone ko at hinarap si Luke. Gulat ako sa galit na nakita ko sa kanyang mga mata.

"Buti naman okay lang sa kausap mo na wala ka sa Manila ngayon. Mabuti hindi seloso" sabi nya, napatiim-bagang sya

"O.. okay naman. Trabaho naman ito" sabi ko, kinakabahan ako at nalilito kung bakit parang galit si Luke

Nagulat na lang ako ng hinapit nya ako at hinalikan. Mapusok iyon, may bahid ng galit. Hindi ito tulad ng mga nauna nyang halik na nanunukso. Ang halik nya ngayon ay parang tumutupok sa aking pagkatao. Inilapit ko sa kanya ang katawan ko, humawak sa batok nya. Nagparaya ako. Nang maramdaman nyang humigpit ang yakap ko, nagbago ang halik nya. Nanunuyo na ito, gumapang ang kuryente sa katawan ko. 

Namalayan ko na lang, naihiga nya ako sa couch.  Gumalaw ang mga kamay nya at gumapang ang kanyang mga labi. Tangay na tangay ako sa kanyang mga halik. Parang nasusunog ang balat na dinadampian ng kanyang mga labi. Sinapo nya ang isa kong dibdib, bahagyang minasahe at saka hinalikan at nilaro ng kanyang dila.  Napaungol ako, iniliyad ko pa ang katawan ko para mas lalo akong mapadikit sa kanya. Hinawakan ko ang damit nya. Iniangat ko iyon, tinulungan nya akong mahubad ito. Pinagapang ko ang mga palad ko sa dibdib nya. Nilandas ko ang hulma ng mga muscles nya. Gusto kong maramdaman ang init ng katawan nya. Para namang alam ni Luke ang kailangan ko at tinulungan na nya akong hubarin ang damit ko. Agad kong idinikit ang katawan ko sa kanya. Damang-dama ko ang init nya at ang kiliti ng  mumunting balahibo nya. Ako na ang humalik sa kanya. Naglikot naman lalo ang mga kamay ni Luke. Wala na akong pakialam, ang gusto ko na lang ay maramdaman ulit ang init ng kanyang katawan.

"Luuuke, I need..." habol ko ang hininga ko, hindi ko alam kung ano ang gusto ko, o kung paano sabihin iyon. Ang alam ko si Luke lang ang makakapagbigay sa akin ng kailangan ko ""Luke, I .. need ... you" 

"Nikki" anas nya... patuloy nya akong hinalikan sa labi. Naramdaman ko na bahagya nyang pinag-hihiwalay ang hita ko. Naramdaman ko rin ang ebidensya ng pangangailangan nya. Idinikit ko ang katawan ko. Mas lalo akong nawala sa sarili ko. Hindi na ako makapaghintay, mas isiniksik ko sa kanya ang sarili ko at siniil sya ng halik.

Maya-maya pa'y sabay na kasi sumasayaw sa tugtog ng aming mga katawan. Halos makagat ko ang labi ni Luke ng maramdaman kong para akong sasabog. Mas humikpit ang yakap ko, mas mabilis ang mga naging indayog ko. Sinabayan ni Luke ang ginagawa ko, ipinulupot ko ang binti ko sa bewang nya. Hindi na ako makahinga, tuyong-tuyo na ang lalamunan ko. Para akong may hinahabol na hindi ko maintindihan. Pabilis ng pabilis, hanggang halos sabay kami ni Luke na marating ang kakaibang sarap, nakakapanghina.

Hindi sya agad umalis sa ibabaw ko. Ilang saglit pa na hinabol namin ang aming paghinga. Maya-maya ay gumilid sya at hinala ako sa tabi nya. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso nya. Nakaramdam ako ng hiya, kahit ayoko ay bumangon ako. Sinimulan kong isuot ang damit ko. Saglit rin syang tumingin sa akin, bago pati sya ay nagbihis. 

Akmang hahakbang ako papuntang kusina ng narinig ko na may sinabi sya. Napahinto ako. Hindi makapaniwala kung totoo ba ang narinig ko or nagkamali lang ako ng pandinig. Lumapit ako sa kanya. Nanginginig ang tuhod ko

"A...ano ang sabi mo?" nagtama ang aming paningin. Nakaupo sya at ako ay nakatayo sa kanyang harapan

Matabang ang boses nya "ako ba trabaho din?"

Mabilis ang naging pagsampal ko sa kanya. Hindi na ako nakapag-isip. Narealize ko na lang nahagip na sya ng kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inakala na magagawa kong sampalin sya. Saglit lang naman ang pagkabigla ko. Naalala ko ang sinabi nya, naningkit ang mata ko sa galit

"How dare you na sabihin sa akin yan" sigaw ko sa kanya "matapos ng nangyari sa atin, yan ang iisipin mo?" may panunumbat sa boses ko

"Yun na nga e!" malakas din ang boses nya "Kakakausap mo lang sa boyfriend mo, tapos may nangyari na sa atin" may hinanakit sa boses nya

Mas lalong nag-init ang ulo ko sasampalin ko sana ulit sya pero nahawakan nya ang kamay ko. 

"Want to try it again, princess?" nang-uuyam nyang sabi.

 Napaawang ang labi ko ng hinila nya ako papunta sa kanya. Napasubsob ako sa kanya. Siniil nya ako ng halik. Marahas. Masakit. Masakit na kaya nyang isipin na kaya kong gawin yun. Pumatak ang mga luha ko. Para namang natauhan sya ng malasahan nya ang luha ko. Tumigil sya. Nakita ko ang pamumutla nya. Tuloy-tuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko. Ngayon ay marahan na nya akong kinandong at niyakap. Pinunasan nya ang mga luha ko. Pinagdikit ang ulo namin. 

Napapikit sya at humugot ng hininga "I'm sorry Nikki" garalgal nyang sabi "Patawarin mo ako. Nadaig ako ng selos. Nababaliw ako sa isiping pag-aari ka ng iba"

"Wala akong boyfriend Luke" matamlay kong sabi "kaibigan ko lang si Rafe. Masakit sa akin na kaya mong isipin na magagawa ko ang sinasabi mo. Sa palagay mo makakalapit ka pa sa akin o mahahawakan mo man lang ako kung mayron akong boyfriend?"

Umiling sya "nabulagan ako ng selos ko Nikki. Ang tagal nating hindi nagkasama. Tapos ng una kitang nakita, sya ang kasama mo"

"Hindi ko alam na event nyo yun Luke. Nagulat ako ng nakita kita doon.Hindi pa ako handang harapin ka noon" 

"At ngayon? Yung pagtanggap mo ng project and pagsama dito, ibig ba sabihin handa ka ng harapin ako?"

Huminga ako ng malalim. Tiningnan ko sya. Kita ko na halos maiyak na sya, kitang-kita ang takot at pagsisisi sa mga mata nya. Ang mukha na hindi ko na makalimutan, na lagi kong hinahanap. Totoo, nasaktan ako sa sinabi nya kanina. Pero nasaktan ko rin sya noon. Kaya kong intindihin kung bakit nya nasabi yun. Akala nya meron na akong iba. Noon, sya lagi ang nag-aassure sa akin ng pagmamahal nya. Inisip ko, ano ba ang nagawa ko para sa kanya noon? Ako ang tumanggi sa kasal. Ako ang inuna ang pangarap, hindi sya. Kabawasan ba sa akin ang ako ang bumaba ngayon? Ano ba ang pahahalagahan ko ang pride ko o ang pagmamahal ko sa kanya?

Humarap ako sa kanya."Sumama ako dito, para alamin kung may pag-asa pa na magkabalikan tayo." gumaralgal ang boses ko, para akong maiiyak. Napatungo ko "at para din sabihin sayo na, maraming beses kong naisip na sana nagpakasal na lang ako sayo noon. Na tama ka, na basta mahal kita at mahal mo ako, the rest are just noise." napahikbi na ako "kahit naachieve ko na ang gusto ko sa career ko, hindi ako totoong masaya. Kasi hindi kita kasama, wala ka sa buhay ko. Kulang pa rin ang pagkatao ko, kasi hanggang ngayon mahal pa rin kita!"



Hanggang Kailan? (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin