Chapter Fifty

2.1K 28 0
                                    

Nagulat si Luke ng bigla akong pumasok sa opisina nya. Padabog kong binagsak ang pagkain na dala ko sa kanya. Pinandilatan ko sya at halos sumigaw na ako.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na dati mong girlfriend si Karen?"

Laglag panga si Luke sa sinabi ko "Hindi ko sinabi dahil hindi naman importante" malumanay na sabi nya. Akmang lalapit sya, huminto sya ng nakitang medyo umatras ako. Iba na ang titig sa akin ni Luke "Is it an issue Nikki? Na dati ko syang girlfriend? Alam mo na I had a past bago pa naging tayo" 

"I don't care about your past Luke" naiinis ko ng sabi "What I care about is pinagmukha mo akong tanga"

"Paano kita pinagmukhang tanga Nikki?" naguguluhang sabi ni Luck

Mas lalong nag-init ang ulo ko kay Luke dahil hindi nya maintindihan ang point ko "We had an issue before about her. I saw you last time na kahalikan sya and then again nakita ko na naman kayo!" nanlaki ang mata ni Luke "Oh, yes Luke, magaling talaga lagi ang timing ko" mapait kong sabi "Sa tuwing papasok ako sa opisinang ito, naabutan ko na naghahalikan kayo!"

"Ipinaliwanag ko na sayo noon na bigla nya akong hinalikan. Bakit kailangang ibalik mo yun?" mataas na rin ang boses ni Luke

"At ngayon, ano nabigla ka ulit? At bakit hindi mo sa akin sinabi noon pa na sya ang una mong naging girlfriend?"

"I thought she was just saying goodbye at sa pisngi ko sya hahalikan, nagkataon na ng hahalikan ko sya, pahalik din sya sa pisngi ko! at kaya hindi ko sinabi sayo na she's my ex dahil matagal na yun. Irrelevant na! Magkaibigan lang kami" umiling ako, pinakita ko sa kanya ang pagdududa sa mga mata ko. Napapikit sya "Damn it Nikki, why do I even bother explaining this to you? You made your own conclusion na!" habol nya ang hininga nya, halatang nagpipigil ng galit. Hindi ko na rin mapigilan ang galit ko. 

"Irrelevant?" nanunuya kong tanong "irrelevant ba na kumprontahin nya ako diyan sa labas ng opisina mo? Irrelevant na sya pa ang magsabi sa akin na sya daw ang una mong minahal? Irrelevant ba na sabihin nya na dati ay sya ang nakasakit sayo pero pinagsisihan nya at bumalik sya sayo? Irrelevant ba na sabihin nya na nakipaglapit ka ulit sa akin to save your ego? at mas lalong irrelevant ba na sabihin nya na sya ang binalikan mo dahil sya ang mahal mo?" pwede pala na nagdurugo ang puso mo pero walang luhang pumapatak.

"At naniwala ka naman sa kanya Nikki? Mas paniniwalaan mo sya ganun ba?" mapait nyang tanong

Umiling ako "Naniwala ako na hindi ka maglilihim sa akin tungkol sa mga ganung klaseng bagay. Naniwala ako na you'll be man enough to own up. Come to think of it, hindi mo naman sinabi na mahal mo pa rin ako kahit buwan na ang nagdaan mula ng nanggaling tayo sa Caramoan." Huminga ako ng malalim "I need to go" at tumalikod na ako para lumabas.

"Damn it Nikki! makinig ka naman" rinig ko ang paghihirap nya. May kumirot sa puso ko. 

Hindi ako humintong maglakad. Hindi ko sya nilingon. Itinaas ko lang ang kamay ko para sabihin sa kanya na narinig ko sya at wag na sumunod "I just need to think Luke. I just  want to be alone for now" nagmadali na akong makaalis ng opisina. 

Magdamag akong umiyak. Inubos ko ang luha ko. Hindi ko lang naman matanggap na all this time, ex pala nya yun. Na kung pagsalitaan ako ay parang ang daming alam tungkol sa akin at nakakasiguro sya na sa kanya si Luke. Pwede rin naman talagang gumaganti lang si Luke dahil naapakan ko ang pride nya noon. Nangyayari naman talaga yun. Ang sakit sakit lang kasi mahal na mahal ko sya. Na kahit nasasaktan na ako, minamahal ko pa rin sya. Bakit bang ang hirap pagsabihan ng puso?

Hindi ko pinansin ang mga tawag at messages ni Luke. Gusto kong magpakalunod sa sakit na nararamdaman ko. Umaasa ako na kapag naubos na ang luha ko, pwede na akong makapag-move on. Yung pwede ako magdesisyon kung iisantabi or itutuloy ang pagmamahal kay Luke. Nyeta na pagmamahal yan, laging may kasamang sakit at pag-iyak.

Hanggang Kailan? (COMPLETED)Where stories live. Discover now