Chapter Thirty One

1.9K 23 0
                                    

"Haaaay. I so needed this" sabi ni Lexi. Inayos pa nya ng mabuti ang pagkakahiga nya.

Nasa spa kaming tatlo nila Autumn at Lexi.  Ngayon lang kasi kami nagkaron ng tyempo at mga busy rin sa kanya-kanyang schedules.

Napapikit ako sa sarap ng pagmamasahe sa akin. Actually, hindi pa time para sa massage namin, nagpapabody scrub pa lang muna kami.  Nasa isang group room kami kaya, sabay-sabay na ginagawa ang treatments sa amin. Pare-pareho kami ng gagawin, magkakaiba lang sa mga materials na gagamitin. Buong araw ang uubusin namin sa spa.

"Bakit? san ka ba nagpupunta at matagal kang hindi mahagilap?" tanong ko

"Busy lang sa school, graduating na, you know. Saka yung minsanang raket." simpleng tanong nito. 

Huh? bat parang nagbablush itong si Lexi? Tiningnan ko syang mabuti. Nahalata yata na inoobserbahan ko sya, pumikit. Hmmm, this is interesting. Nabaling ang atensyon ko ng narinig ko na tumatawa si Autumn.

"Bakit Autumn, may alam ka ba kay Lexi?" diretso kong tanong. Dumilat si Lexi at tumingin din kay Autumn

"Wala Nik. Nakiliti lang ako" at tumawa ulit ito. "San nga pala si Luke these days? parang hindi ko nakikitang nagpupunta sa bahay?

"Nasa US sya ngayon, kinakausap yung ilang investors nila na andun, then inaayos din yata yung mamahala dun. Pag nagsimula na yata ang project nya, mas madalas na sya dun sa Caramoan."

"That's good. Pagkatapos ng school then you have time na rin na sumama-sama kay Luke" sabi ni Lexi

"I don't think that's a good idea. Maraming dapat gawin yun. Besides magiistart na ako sa bank soon. Baka mga weekend getaway pwede kami."

Tumingin si Lexi sa akin "Okay lang ba kayo ni Luke?"

"Yeah, okay naman kami, bakit mo naitanong?"

"Nagtataka lang ako. I really thought that you and Luke will be spending all your waking hours." parang kinikilig pa ito "Iba kasi ang undercurrents kapag malapit kayo sa isa't-isa. Pati nga ako napapaso eh. So how is he in bed?" pilyang tanong nito

Alam ko na nagblush ako ng sobra-sobra. "I ... I don't know" 

Nanlaki ang mata ni Lexi " What? you mean until now walang ...?" di na nito tinuloy ang sinasabi. Umiling ako.

"Not everyone is like you Lexi" biro ni Autumn. Inirapan naman sya ni Lexi at tumawa.

"Goodness, sino naman kasi ang maniniwala 'di ba? Highschool pa lang kayo na, pantasya ng bayan si Luke. Sigurado naman akong hindi yun bading. Tapos these last couple of years ang ginagawa nyo na lang is magbabad dun sa condo. Ano ginagawa nyo dun, nagtititigan?" tumaas ang kilay nito

Mas lalo akong namula. Medyo totoo naman kasi ito. Kapag nasa condo lang kami, kuntento na kaming nanonood, nagkukwentuhan at yun nga ang magluto-luto. Para nga kaming nagbabahay-bahayan.  Ano ba ang alam ko sa do's and dont's ng relationship? E 'di ba wala? At si Luke nga ang una kong boyfriend. Aware din naman ako na sa ibang relasyon, normal sa kanila ang may nangyayari na. Yung iba nga mas bata pa sa amin. 

Pero ewan ko, bukod sa mga yakap at halik, maingat si Luke pagdating sa akin. Naappreciate ko din naman yun lalo na nung bata pa kami. Hindi pa ako ready nun. Pero lately, parang gusto ko ng subukan, pero hindi ko naman alam paano mag-initiate. Nakakahiya.

"O ano Nikki?" untag ni Lexi

"I don't know paano sagutin ang tanong mo" seryoso kong sagot

"Girl, bantay-bantayan mo yang si Luke. Alam ko na mahal ka nya, pero lalaki yan. Marami pang nakaaligid diyan. Baka isang araw magising ka na lang naunahan ka na ng iba" biro ni Lexi

"Hindi ganun si Luke" siguradong sabi ko.

Nawili naman ako ng nagsimula na akong magtrabaho sa bank. Sa marketing department ako nilagay ni Kuya. Pinakilala nya ako kay Mrs. Santiago na head ng marketing department.  Pinakilala din ako sa ibang empleyado na andun. Open-space ang layout ng office. Si Mrs. Santiago lang ang may enclosed space dun sa opisina. Hindi rin naman ito kalakihan. Alanganin ako sa ibang kasamahan ko. Medyo reserved pa sila sa pakikitungo sa akin, kahit naman si Mrs. Santiago ay ganun din. Ang hirap talaga kapag anak ka ng may-ari.

During orientation ko nalaman na kaya naman pala kokonti lang ang andun sa marketing department ay dahil kanya-kanya ang branches sa marketing nila. Bale sa office lang kinu-conceptualize ang mga strategies, aayusin, and yung implementation branches na. Dito kasi nabibase yung sales nila or yung effectiveness ng strategy at ng staff nila. Dito naman sa main office purely project plans, strategies saka pagmonitor ng results ang ginagawa. Kung may mga kailangang artwork, videos etc. Ibang department naman yun.

Naeexcite ako sa nalalaman ko. Napagaralan ko ang basic concepts sa school, iba rin pala talaga kapag application na o kaya real-world scenario. Ngayon, unti-unti ko ng naiintindihan yung sinasabi ni Luke kung bakit maganda na pag-aralan ang lahat na pwedeng makaapekto sa isang project.

Ngayon ko na-appreciate ang offer ni Kuya Ty sa akin. Natututunan ko ang dapat kong malaman at nagkakaroon ako ng idea kung ano ang possibilities ng pwede kong gawin.

Sa unang mga linggo wala akong designated assignment. Gusto kasi ni Kuya Ty na makita ko ang iba't-ibang aspeto ng ginagawa sa marketing. Mas lumawak ang nalalaman ko tungkol sa trabaho. Nagkaron na rin ako ng interes na basahin kung ano ang nangyayari sa economy at kung ano ano ang mga trending topics sa social media man o traditional news.

Una kong assignment ang maging part ng communications team. Hindi naman ako kinakabahan sa work ko dito. May experience naman ako sa school newspaper, saka naituro rin naman ito sa eskwelahan. Hindi naman masyadong mahirap kasi lahat naman ay may outline na ng mga gagawin. May sinusunod na plan at may schedule na rin kung paano ikocommunicate. Dito ko napagtanto na ang dami ko talagang dapat pang matutunan. Nagdecide ako na pagbutihin pa lalo ang pagtatrabaho at aralin lahat ang pwedeng maituro sa akin ng trabaho ko dito sa bangko.  Hindi rin naman nagtagal, gumaan na pakikitungo sa akin ng mga kasamahan ko. Hindi na rin sila asiwa na utusan ako o kaya ay sitahin kapag nagkulang ako sa trabaho ko. Kinausap ko rin naman kasi sa kanila na kailangan kong matuto at kung hindi nila ako ituturing na isang ordinaryong empleyado hindi iyon fair sa kumpanya at mas lalong hindi fair para sa team namin. 

Lagi ko kinukwento kay Luke kung ano ang ginagawa ko sa office. Sya naman ay nagkukwento din kung paanong nakakainis ang red-tape pagdating sa mga permits, ang pag-aayos ng designs, pag-aoutsource kung anong mga materyales ang kailangan nila. At syempre kung paano lagi sya nakikipagtalo sa Finance Director nila. Nagulat naman ako na may nakikipagtalo pala sa kanya. Tinawanan lang ako ni Luke.

"That's his job Nikki. Kailangan nyang kontrolin ang mga risks ng business. Otherwise, pwedeng maging dahilan yun para bumagsak ang negosyo." paliwanag nya. "anyway, pwede ba tayo mag-out of town for a few days pagkatapos ng grad ceremony natin?"

"Tayo lang?" 

"Ayaw mo bang masolo ako?" pilyong tanong nito.

Nginusuan ko sya " Sige, paalam ako sa office at iclear ko ang schedule ko. Ilang days?"

"Mga 3-5 days siguro. Just keep it open."

"Got it, boss" biro ko

"Don't give me ideas..." at humalakhak ito, hindi ko na naman naiwasang hindi mag-blush..



Hanggang Kailan? (COMPLETED)Where stories live. Discover now