Chapter Forty Three

1.7K 24 0
                                    

Nakumbinsi namin si Rafe na kay Lexi na ako sasabay at matutulog. Mabilis naman kaming nakauwi ni Lexi. Nagpalit lang kami ng damit at saka naglabas ng wine si Lexi.

"Mukhang kailangan natin ito" biro nya. Tipid na ngiti lang ang naibigay ko. "Wanna talk about it?"

"I know malaking tanong sa inyo ang nangyari sa amin ni Luke. Thank you at di mo ako pnressure na magkwento"

"the only reason na gusto kong malaman, is para matulungan ka. Nakita ko naman nakapag move on ka kaya hindi na ako nagtanong. But now, base sa reaction mo. Hindi ka pa nakakapagmove on ano?"

"Wala kasalanan si Luke sa nangyari sa amin. Nang nagpunta kami ng Palawan, nagpropose sya"

"I knew it!" tawa nya

Nanlaki ang mata ko "alam mo?"

"not in the sense na sinabi sa akin ni Luke. Pero nararamdaman ko"

Naghahalong pagtataka at duda ang naramdaman ko, "bakit mo naman naisip?"

"Girl, ang tagal na ninyo ni Luke. Sa dami ng babaeng naghahabol sa kanya, bat sya magtatagal sayo kung di ka nya mahal?"

"Sabagay. Pero di ba nga madalas na kami mag-away that time dahil sa work ko. Kaya ng nagpropose sya. Hindi ko tinanggap" nanginginig na ang boses ko

"What?" gulat na gulat si Lexi "bakit hindi mo tinanggap? Di mo ba mahal si Luke?"

"Of course mahal ko! Pero alam ko din na hindi papayag si Luke na may career ako. Gusto nya sa tabi lang nya ako."

"E di ba ganyan nga ang mag-asawa nakasuporta sa isa't isa"

"Madalas na magselos sa work ko nun si Luke. Ayaw nya na hati ang atensyon ko." tumingin ako kay Lexi gusto ko ipaunawa nya bakit naging ganun ang desisyon ko "that time Lexi, puno pa ako ng insecurities. Gusto ko pang may maprove ako. Alam mo yun? Sila kuya successful, kapag ako nagpakasal kay Luke, sya rin successful. Eh ako ano na ba nagawa ko?"

"sabagay. So, hindi nagustuhan ni Luke na tumanggi ka kaya nagbreak kayo?"

"Syempre nasaktan ko sya. Pero ang alam ko hindi sya galit sa akin, na naintindihan nya ako. Kaya kami naghiwalay, sabi nya, kung gusto ko talaga malaman kung ano ang kakayahan ko, dapat ako lang mag-isa. Para kung ano daw maachieve ko, akin lang talaga. Wala akong duda sa sarili ko"

Namilog ang mata ni Lexi "wow! Brutal but it does make sense! Tama ba sya? "

"Tama sya na ngayon I know who I am. Pero mali din sya kasi kung mas nilawakan pa sana nya ang isipan nya, hindi naman kailangan maghiwalay kami."

"Hindi ko alam kung ano ang takbo ng isip ni Luke that time. Pero isipin mo rin yung sakit nun sa kanya. Handa yung taong pakasalan ka tapos tinanggihan mo. Mahirap kapag natapakan ang ego."

"Alam ko mga pagkakamali ko Lexi. Kaya nga hindi ko sya masisisi. If I can turn back time, kinalimutan ko ang prinsipyo ko at nagpakasal ako sa kanya"

"or kung nagpakasal ka sa kanya. Masaya ka kaya ngayon knowing na nakukulangan ka sa sarili mo?" makahulugang sabi ni Lexi "ano na balak mo gawin ngayon na he's back?"

"Wala. May sarili na syang buhay. Fluke lang siguro na nagkita kami"

Tiningnan ako ni Lexi "sigurado ka ba diyan? yan ba ang talagang gusto mo?"

Nagulat ako kay Lexi, hindi ko maintindihan kung ano ang gusto nyang sabihin. "What do you mean Lex?"

Tinabihan ako ni Lexi at inakbayan "Nik, naghiwalay kayo ni Luke dahil may mga pangarap ka.  Tama or mali man ang desisyon ni Luke na hindi mo sya katabi sa pag-abot ng mga pangarap na yun, still nagparaya sya. Kung nasaktan ka, nasaktan din sya. Saksi ako sa relasyon nyo, and all those years na magkasama kayo nakita ko kung paano pahalagahan ni Luke ang relasyon nyo. Ikaw ang lagi nyang inuuna. Sa dami ng pagkakataon na pwede ka nyang talikuran o ipagpalit, hindi nya ginawa. Nagtyaga sya at naghintay sayo. He accepted you for who you are noon pa man, ikaw ang may gustong patunayan sa sarili mo. Hindi ko na tatanungin kung mahal mo pa sya o hindi. Alam ko naman ang sagot. Ang tanong lang, kaya mo bang aminin ang totoo mong nararamdaman?'

Yumuko ako at napaluha "hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hindi ko rin alam kung ganun pa rin ang nararamdaman nya"

"Paano mo malalaman ang totoo kung hindi mo aalamin? Saka importante pa ba kung ano ang nararamdaman nya? Kailangan ba kapag mahal mo, mahal ka rin? " huminga ng malalim si Lexi "may career ka nga, pero kasing saya ba ito ng kasama mo si Luke?"

Hindi na hinintay ni Lexi na sumagot ako. Pumasok na sya ng kwarto at naiwan akong mag-isa. Hinawakan ko ang kwintas na bigay sa akin ni Luke. Bumalik sa akin ang mga alaala noong kasama ko si Luke. Tama si Lexi, naiparamdam at naipakita sa akin ni Luke na mahalaga ako sa kanya. Ako ba naipakita ko rin?

"Nikki, natetense na sayo ang team." sabi ni Claire

"Huh? Bakit naman"

"Inaagawan mo daw sila ng work" alam ko nagbibiro ito, pero may bahid ng pag-alala ang sinabi.

Kunyari natawa ako "No, i just have time in my hands. Saka namimiss ko yung dating dami ng work"

"You've worked hard Nikki, time to reap ang pinaghirapan mo. Pasalamat nga ako at natuto kang magtiwala sa team."

"May tiwala ako sa team Claire" mabilis kong sagot

"Nikki, you treated us like kids before. Takot ka na ibigay ang responsibilidad sa amin."

"I only wanted to make sure that every thing is fine. And I did let go of the rein"

"Yes you did. And ngayon na naninibago kaming lahat at hindi ka na naman mapakali" ngumiti ito

Umirap ako "nabubore lang naman ako."

"Ang iba kapag nabubore gym or kaya bar pinupuntahan, ikaw gusto marami work? May mali sa senaryong ito. Kailangan mo ng love life Nikki"

Alam ko nagbibiro sya pero hindi ko maiwasan ang 'di tamaan. Nahawakan ko ang kwintas na natatakpan ng damit ko. "Ikaw puro ka kalokohan. Wala ka rin namang love life!"

"Hindi ako makapaglove life dahil slave-driver ang boss ko!" humalakhak pa ito.

Natawa ako. Alam ko naman kasi na ang nag-eenjoy ang buong team sa trabaho nila. Syempre naman, bukod sa high profiles ang nakakasalamuha na kliyente, nakakaattend pa sila sa mga kasayahan ng mga sikat. Life is really good.  Nagbunga rin lahat ng pagod ko. Nakakalungkot lang isipin na ang kapalit ng lahat ng ito ay si Luke.  Maybe it's true, I can't have it all.

Hanggang Kailan? (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें