Chapter Thirteen

2.1K 28 0
                                    

Kinabukasan pinuntahan naman namin ang Saint Chapelle. Hindi ko ito kilala, pero isinuggest sa amin ng concierge kaya naisipan na rin namin puntahan dahil malapit din naman sa mga lugar na gusto namin makita.

Napakaganda ng Saint Chapelle. almost floor to ceiling ang stained glass windows nito. At kapag tiningnan mo ang artwork na ito sa loob ng simbahan, mapapahanga ka talaga. Hindi rin naman kami nagtagal dito. Dumiretso na kami sa Notre Dame. Sino ba ang hindi nakakaalam sa Hunchback of Notre Dame 'di ba? Inikot namin ito, gusto pa sana ni Kuya Gabe na pumasok sa crypt dun pero wala naman kaming reservation kaya lumipat na lang kami sa Musee d'Orsay. Interesado si Kuya Gabe sa arts, kaya kailangan pa namin syang madaliin sa pagtitingin nya ng mga artworks nila Duchamp at Picasso habang nag-iikot kami dahil gusto pa namin maraming puntahan.

'Di rin naman namin napigilan si Kuya Gabe ng sinabi nya na gusto nya saglitin ang Centre Pompidou. Ito naman daw kasi ang nagcocover ng arts up until modern day. Wala man naiintindihan, sunod na rin ako sa kanila. Mas excited ako ng dumating kami sa Louvre. Mula kasi ng nabasa ko ito sa isang libro ni Dan Brown, fascinated na ako. Not because of the important arts na makikita dito, kundi sa structure mismo nito.

Hindi rin naman namin pinalampas ang pagkakataon na makita si Mona Lisa. Alam ko ang dahilan kung bakit fascinating ang painting na ito, pero hindi ko pa rin magets kung ano ang big deal dito. Art lovers, don't hate me for this please. Dalawang oras din kami nagstay sa Louvre. Niyaya ko na sila na bumalik ng hotel at nakakaramdam na ako ng gutom at pagod. Pumayag naman sila kuya.

"Hindi na ako sasama sa inyo lumabas ng dinner kuya, gusto ko magpahinga" sabi ko

"Dito lang din naman kami ni Gabe, Nikki. Maaga pa kasi tayo bukas at saka bukas boys night out kami nila Daddy" sabi ni Kuya Ty

"Iwan kami ni Mommy? bakit san kayo punta?" tanong ko

"Nood kami Moulin Rouge" sagot ni Kuya Gabe na halatang excited. Tinaasan ko ng kilay

"Isasama kayo ni Daddy manood ng topless girls?" napataas ang boses ko

"They're artists Nikki. Wala masama na panoorin sila" sabi ni Kuya Gabe. Tumango rin naman si Kuya Ty.

"Ang daya nyo, sana kasama ako" naiinggit talaga ako. Gusto ko rin kasi makakita ng ganon.

"Pag matanda ka na at pwede ka na isama dun, I promise dadalhin kita ulit dito" sabi ni Kuya Ty at niyakap pa ako nito.

Inirapan ko si Kuya Gabe kasi ngising-ngisi ito at halatang nang-iinis.

"Sige kuya. Order na lang ako ng room service kapag nagutom ako, pero baka matulog na rin talaga ako ng maaga."

"Okay, Nikki. Don't get out nang hindi nagpapaalam sa amin okay?"

"Yes, Kuya Ty."

Nang makapagpahinga na ako, naisipan ko mag-upload ng mga pictures namin nila Kuya. Konti lang din talaga, hindi kasi ako mahilig kumuha ng pictures. Nagulat ako ng buksan ko ang facebook ko at makita ko na ang dami-dami kong pictures dun. Tinag pala ako ni Kuya Gabe sa mga kuha nya. At ang bruho, kahit yung mga napapangitan ako na pics eh sinama.

Lagot talaga sa akin yang si Kuya Gabe. One of these days, gagantihan ko sa kalokohan nya. Hilig hilig na ilagay ako sa kahihiyan. Flooded tuloy ng comments at messages ang inbox ko. Hindi ko na binasa. Nakita yata ni Lexi na online ako kaya tumawag ito.

"Nikki! ang ganda ganda naman ng pictures nyo! inggit ako!" bati nito

"Sasakalin ko si kuya mamaya, pati mga pangit na pics isinama. Nakakahiya."

"Wag na maarte. Cute naman lahat. Pero ang ganda-ganda mo dun sa cruise"

"Yeah, nag enjoy talaga kami dun. In fact, I'm enjoying everything we're doing right now." medyo nakaramdam ako ng lungkot.

Hanggang Kailan? (COMPLETED)Where stories live. Discover now