Chapter Forty Four

1.7K 22 0
                                    

Pagpasok ko pa lang ng opisina, nakita ko na ang mga tinginan at bungisngisan ng mga kasama ko sa trabaho. Pati si Claire ay ang lapad-lapad ng ngiti. May hawak din itong mga bulaklak.

"For you" sabi ni Claire. Inabot nya sa akin ang mga bulaklak. Pink, white and purple tulips ito. Maganda. Kinuha ko ang card at agad kong binasa.

Nikki,

Please don't get mad.

Rafe

Napataas ang kilay ko, ano ang ibig sabihin ni Rafe? Huling kita namin ay yung event sa hotel, pero halos araw-araw ko naman sya nakakausap sa phone. Para namang nabasa ni Claire ang iniisip ko at sumunod na inabot sa akin ay dyaryo. Nakabukas na iyon sa isang pahina. Nanlaki ang mata ko ng nakita ko ang sarili ko sa dyaryo. Ito yung kuha na nakapulupot ang kamay ni Rafe sa bewang ko. Mabilis ko na binasa ang caption ng picture.

Love Is In The Air : Bank heiress and eventologist Nikki Montinola with model Rafe Cristobal

"Oh God ano 'to?" sabi ko. Tinawagan ko agad si Rafe. Sumagot naman agad ito "Rafe, have you seen the papers? Do you know about this?" 

"I just saw it this morning.  Kahit ako nagulat." sabi nya "I'm sorry Nikki."

"No, it's fine. Baka wala na lang sila maisulat kaya nag-imbento."

"Would you like me to clear that up?" offer ni Rafe

"No. Pabayaan na lang natin. It will die soon enough. Baka kapag kinorek mo pa sila, sabihin nagdedeny ka. Baka mas lalong lumaki pa ang issue."

"True. Saka hindi naman ito ang first time na nilink ka sa akin or sa iba. Kaya I'm sure people won't give it credit naman. Hindi naman siguro papansinin ito ng tao, hindi naman tayo artista."

"Oo nga. Pasensya sa abala " sabi ko "and thank you sa flowers, ang ganda"

"It's fine Nikki. Alam mo namang welcome ka anytime. So, are we cool?"

"Yes Rafe, we're fine. Nasa Manila ka ba?"

"No, nasa Toronto ako ngayon for the fashion week"

"Sheesh. Sorry, naistorbo kita, late na diyan"

"It's okay Nikki. Hindi pa naman ako tulog ng tumawag ka" humugot ito ng hininga "Can we have lunch or dinner pagbalik ko?"

"Sure, kasama ba si Lexi?"

Saglit na tumahimik si Rafe, bumuntong hininga "I'll ask her, once I'm back."

"Sige, ingat sila diyan sayo. Bye" 

Tumawa si Rafe "You take care too Nikki, bye."

Pagkababa ko lang ng phone napansin na andun pa rin pala si Claire sa tabi ko. Iiling-iling ito. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Niyaya ka ni Rafe na kumain sa labas, tapos gusto mo isama si Lexi?" hindi ito makapaniwala

Saglit akong natigilan, hindi ko kasi naisip na baka date ang ibig sabihin ni Rafe. Ayos na rin, baka kasi umasa pa si Rafe kapag pagbigyan ko sa date "We're just friends Claire"

"Kung hindi kita kilala sasabihin ko showbiz answer yan." humalakhak pa ito. Natawa na rin ako.

"Pupunta nga pala ako ngayon sa bank to check with Kuya Ty and Mrs. Enriques. Kailangan na mag-update sa kanila" 

Tumango si Claire. Inabot ang reports. Binasa ko lang ito saglit at umalis na ako ng office.

"Don't forget may meeting ka sa Samba ng 1pm. New client. Nasa planner mo na. " pahabol nito. Tinaas ko lang ang kamay ko para alam nya na narinig ko sya.

Hanggang Kailan? (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora