Chapter Twenty Nine

1.9K 18 0
                                    

Pagbalik ng Manila, pareho kaming naging busy ni Luke. Bumalik na din yung schedule namin na every Saturday ay magkasama, kadalasan ay andun lang kami sa condo nya. Hindi ko na sya masyado niyayaya pa na lumabas dahil nakikita ko na kadalasan ay pagod na sya at maraming iniisip. Kapag magkasama kami, kwentuhan, nood ng tv lang ang ginagawa namin. Natutuwa din kaming mag-eksperimento sa kusina. Kung ano lang maisipan na lutuin at titingnan na lang ang recipe sa internet. Minsan palpak ang mga recipe na nakikita namin, nagkakatawanan na lang kami. Hindi na kami umuulit sa mga websites na hindi maganda ang kinalabasan ng luto namin. Mas naging busy sya lalo noong inaprubahan na ng board nila ang gusto nyang project sa pagtatayo ng isang luxurious eco-resort sa Pinas. Nabanggit na ni Luke na big project ito at aabutin ng ilang taon bago matapos. Hindi naman ako nag-isip na hindi ito kaya ni Luke, alam ko ang kakayahan nya.

Hindi naman ako pinabayaan ni Luke. Malaki ang pasasalamat ko sa internet. Kahit malayo or busy si Luke, madali na tawagan or mag videocall. Para ko na rin syang kasama. Namimiss ko lang syempre yung lambing nya, yung mga halik at yakap nya. Minsan may mga functions din na isinasama nya ako. Malalaki at kilalang tao, medyo nahihiya ako dahil kadalasan wala ako idea kung ano ang pinaguusapan nila. Kaya kung minsan, umaayaw ako na sumama. Nagtatampo naman si Luke kapag hindi ko sya sinasamahan. Naging dahilan na rin ito kung bakit nagtalo kami minsan.

"Bakit ayaw mong sumama sa gala dinner Nikki?" naiinis na tanong ni Luke

"Wala naman akong naiintindihan sa pinaguusapan dun. Abala lang ako sayo dun."

"But I want you with me. Bihira na tayo magkita dahil sa dami ng ginagawa ko. I want to spend time with you. Kahit pa kahati ko ang kalahati ng business world sa Pinas. At least magkasama tayo ngayong gabi."

"Mas seryoso mo silang makakausap kung hindi mo ako kasama. Kapag kasama mo ako, ako ang aasikasuhin mo. Akala ko ba you want to invite some of those guys para maging investor mo?" paliwanag ko

Madilim pa rin ang mukha ni Luke "Tama ka, I need investors and tonight is a fishing expedition kung may mga interesado. Pero gusto ko katabi kita. Bakit ayaw mo akong suportahan?"

Nasaktan ako sa sinabi nya. Bakit parang hindi nya maintindihan ang side ko? Hindi ba nya nakikita na kahit gusto ko kasama ko sya, iniintindi ko na kailangan nyang gawin ito? Hindi pa ba pagsuporta ang tawag dun? Ayoko din naman na masabi ng mga kausap nya na ang girlfriend nya walang alam sa business. Walang maibigay na magandang kontribusyon sa kung ano man pinaguusapan nila. Ayoko lang naman na mapulaan si Luke kaya ayoko sumama. 

Napansin naman ni Luke ang pananahimik ko. Nagbuntung-hininga ito at ipinulupot ang mga braso sa bewang ko. 

"Okay, it's fine kung ayaw mo sumama. Bumawi ka na lang sa akin next time. I just want you to know na I'll be thinking of you habang andun ako and how I wish na kasama at katabi kita" hinarap nya ako sa kanya at hinalikan nya ako. Mapangahas ang halik na yun. Not his usual gentle kisses, ramdam ko na andun pa rin yung inis nya na hindi ako sasama pero mas lamang dun ang pananabik nya sa akin. Sinuklian ko ang kanyang mga halik. Ilang saglit lang at pareho na naming habol ang aming hininga.

"I'll call you when I get home Nikki" sabi nya bago umalis.

Kapag wala si Luke, si Lexi at Autumn ang kasama ko. Nitong mga nakaraang buwan, bihira ko na rin nakakasama si Lexi dahil naisipan nitong rumaket sa pagmomodelo. Hindi para sa pera pero dahil nakahiligan daw nya. Kapag naman tinatanong ko sya kung saan sya nagmomodelo, hindi naman ako sinasagot. Si Autumn naman subsob sa pag-aaral, hindi mahilig lumabas. May mga oras na miss na miss ko si Luke at wala akong magawa kundi ang tumunganga sa bahay. 

Naabutan ako minsan ni Kuya Ty na panay ang buntung-hininga habang nanonood ng tv. 

"Hindi naman drama yang pinapanood mo pero panay ang buntung-hininga mo diyan" biro nya. Umupo ito sa kabilyang silya.

Inirapan ko sya pero seryoso kong sinagot. "I'm just bored kuya. I'm almost done with schooling, busy naman si Luke sa work nya. Kayo rin ni Kuya Gabe busy. Bakit pakiramdam ko everyone is moving forward and ako lang ang hindi?" 

Mataman akong tiningnan ni Kuya Ty. Pagkatapos ay lumipat sa tabi ko at inakabayan ako. Wala pa rin itong sinasabi pero alam ko iniisip nya kung ano ang sasabihin sa akin. Kilala ko ang mga kapatid ko, Si Kuya Ty ang seryoso at lahat planado, si Kuya Gabe ang puro biro at may pagka-impulsive, pero bottomline, they both care. Lalo na kapag pamilya ang pinag-uusapan. Pinabayaan ko si Kuya Ty sa pag-iisip nya. Alam ko naman na sasagutin nya ang tanong ko. Binalik ko na sa tv ang atensyon ko.

Ilang minuto pa ang dumaan bago nagsalita si Kuya Ty. 

"Some girls will love kung ano meron ka." sabi nya. Tumango ako sa kanya. Alam ko naman na swerte naman talaga ako sa estado ng buhay namin at lalo na sa pamilya ko. Araw-araw laman ng news ang napakaraming hirap sa buhay o kaya ay pinabayaan ng pamilya. Nagpatuloy si Kuya sa sinasabi nya. "But I can understand where you're coming from. Sa akin, dahil panganay ako, expected ko na ako ang mamamahala ng business natin. To keep things straight, hindi naman ako pinressure nila daddy to take over the business.  Pwede namang si Gabe o kaya ikaw. But I like the business and Gabe, Gabe is responsible enough, pero hindi ko makita na yung business natin ang linya nya. "

"But Kuya, tumutulong na si Kuya Gabe sa business ngayon 'di ba?"

"Oo. And he's good. But I am not sure if his heart is really in it.  Ikaw naman, ikaw alam mo na ba ang gusto mong gawin sa buhay mo?"

Napakunot-noo ako. Nag-isip. Ang alam ko kasi, I need to have a degree, importante ang edukasyon sa pamilya namin. I took marketing dahil naisip ko maraming opportunites ang field na yun at iba-iba ang challenges. Beyond school and graduation, ano nga ba ang plano ko? Syet, blangko ako. Tumingin ako kay Kuya. Tipid na ngiti naman ang bigay nya sa akin at hinagod-hagod ang balikat ko.

"Yeah sis.  I know at naiintindihan ko and I don't envy you. Sa akin kasi madali kong nakita kung ano ang path ko. In your case, nakakalito. Will you just be another socialite or philantropist tulad ng ilang kakilala natin? Will you be a career-driven girl, and if yes, saan or paano? or is it taking care of your own family ang gusto mo?" bahagyang napatawa si Kuya Ty "I know I'm not answering your questions. Mas dinagdagan ko pa. Pero I'm just spelling it all out sa'yo para makita mo ang choices mo."

"Can't I have it all kuya?" 

"Of course you can! Montinola ka, nothing can stop you if you want something. But I don't think na pwede pagsabay-sabayin or ganun kadali yun. I also don't know Nikki.  Ikaw lang ang makakasagot nyan. Now, to address yang boredom mo, I think I have an idea. Kausapin ko lang sila Daddy at Mommy.  Palagay ko papayag naman sila, pero saka ko na lang sasabihin sayo kapag okay na ang lahat. Meanwhile, isipin mong mabuti kung ano ang gusto mo Nikki. I'm always here for you, susuportahan ka namin" tumayo na ito at dinampian ng halik ang buhok ko "On, that note, good night. Maaga pa ako bukas" at umalis na si kuya.

Naiwan akong mag-isa. Hindi ko na maintindihan kung ano ang pinapanood ko. Malalim ang mga sinabi ni Kuya Ty. Siguro nga dapat ko nang isipin kung ano ang future plans ko. Medyo nainggit naman ako kay Kuya Ty, sya alam na nya ang gusto nya at kung paano ito makuha. Ako, ni wala akong idea kung ano ang gusto kong mangyari. 

Bakit ba sa books parang ang dali-dali ng mga pangyayari? Mas mahirap pa pala ng maraming choices, mas nakakalito. Magulo man at hindi ko pa alam kung ano ang gusto ko or paano ito simulan, iisa ang sigurado ako. I want to have it all.





















Hanggang Kailan? (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora