Chapter Sixteen

1.9K 20 4
                                    

Sa takbo ng activities sa school, alam ko na wala ng pag-asa na sumaglit ako ng Manila. Kahit gustong-gusto ko na makita man lang si Kuya Ty bago sya umalis papuntang ibang bansa.

Dinaan ko na lang sa pagvivideo-call at pagmimessage. Ibinilin ko rin na laging buksan ang viber o whatsapp para naman kapag gusto ko syang tawagan. Hindi pa man nakakaalis si kuya namimiss ko na sya ng sobra.

Pagpasok ko sa klase, andun na si Luke. Iilan pa lang din naman ang mga kaklase ko na nandun. Diretso akong umupo sa pwesto ko. Naririnig ko ang minsanang pagbuntung hininga ng nasa likod ko. Binalewala ko at nag-ayos ako ng notes ko para sa exam sa school newspaper.

Maya-maya pa nagsidatingan na ang aming nga kaklase. Dumating na din ang aming teacher. Naging busy kami maghapon. Nag grouping na rin kami at ilan sa mga subjects ko ay magkagroup kami ni Luke. Alam ko naman, hindi pwede na hindi kami mag-imikan ngayon na magkaklase kami. Lalo na ngayon na magkagrupo kami. Hindi ko lang talaga maintindihan bat parang galit sya sa akin. Wala naman ako matandaang dahilan para ikagalit nya.

Nag-usap usap na ang ilan naming kagrupo ng schedule kung kailan paguusapan ang mga assigned projects.  Hindi pa ako nagcommit sa sched dahil kailangan ko pa kasi malaman naman ang schedule ko sa mga extra-curricular activities ko. Napansin ko na hindi pa rin nagcocommit si Luke.

Dumating ang Friday, maaga ko naman natapos yung exam para sa school newspaper. Naghihintay din sa akin si Lexi, sa amin na kasi sya didiretso at dun matutulog. Paglabas ko ng office ang lapad ng ngiti ni Lexi.

"Gusto mo manood muna ng basketball bago tayo umuwi?"

"Sige, silip lang tayo. Kung di maganda ang game, uwi na lang tayo"

"Sus, kahit hindi maganda ang game. Andun naman sila Luke, ayos na rin yun. Pwede nang ulam ang mga abs nun" bumungisngis pa ito.

Natatawa na lang ako kay Lexi. Pagdating namin ng gym, marami na rin ang tao dito. Kahit pala hindi naman official game ito, marami pa rin ang nanonood kasi nagdadraft sila ng mga bagong players.

Ang daming babae na nakapwesto kung saan malapit sila Luke. Sinenyasan ko naman si Lexi na kahit nasa bandang gitna lang kami okay na. Ayoko naman kasing makipagsiksikan dun kina Luke. Buti naman at pumayag din ito.

Maganda naman ang laban. Yung mga baguhan na hindi pa varsity, magagaling din naman. Mukhang magiging malakas ang basketball team ng school namin ngayong taon.

Pinagmasdan ko si Luke habang naglalaro. Pawis na pawis ito, pero d
'di nabawasan ang kagwapuhan nito. Mas nangibabaw pa nga ito.  At ang ganda rin talaga ng katawan nito. Parang ang sarap magpayakap dito.

Natilihan ako sa naisip ko. Yakap? Hindi nga kayo nagpapansinan, yakap pa? Medyo nawalan na ako ng gana na manood pa. Kaya hinarap ko si Lexi, para yakagin na umuwi na.

"Lex, halika uwi na tayo"

"Ayaw mo na manood?"

"Naghahanap lang naman sila ng bagong players. Mas exciting kung sa actual game na may kalabang iba na tayo manood" sabi ko "lika na"

Sumunod na rin naman si Lexi ng naglakad na ako paalis sa gym. Tinitext ko ang driver namin habang paalis kami. Kaya hindi ko nakita na may mga mata palang nakasunod sa amin.

"Diretso na ba tayo ng uwi" tanong ni Lexi

"Sana. Para makapagpahinga at makapagpalit na tayo ng damit. May balak ka pa ba puntahan muna?"

"Wala naman. Sige uwi na muna tayo para maging fresh ulit" humagikhik pa ito.

Nasa labas na si Kuya Ben ng lumabas kami ng gate. Madali naman kaming sumakay ng kotse at nakauwi sa bahay.

Pagdating ng bahay nagpahanda muna ako ng meryenda at niyaya si Lexi na magpalit muna kami. 

Hindi na pumayag si Lexi na sa guest room pa matulog. Dun na lang din daw sya sa kwarto ko. Ginamit na lang nya ang common bathroom sa taas para makapagshower habang ako naman ay ginamit ko ang banyo ko sa kwarto.

Halos magkasunod lang kaming matapos sa pag-aayos at sabay na rin kaming bumaba para magpunta sa sala. Nakahanda na dun ang meryenda.

"Parang sobrang tahimik ng bahay nyo. Nakakapanibago"

Napabuntong hininga ako. Talagang namimiss ko ang pamilya ko.

"Lagi rin naman talaga wala sila mama dito pero ngayon, the thought na wala talaga sila kuya, ang lungkot talaga." sabi ko. "Hindi ko tuloy alam kung paano ko makakayanan kapag college na tayo."

"Sorry naman. Napaalala ko pa" niyakap nya ako.

"Buti nga pinayagan ka ng parents mo na dito muna eh"

"May biglaang lakad din kasi sa Davao sila Mama. Kaya sabi ko kaysa mag-isa din ako sa bahay. Dito na lang ako." biglang ngumisi ito "Pero sabi ni Mama, sa susunod naman daw dun tayo magsleep over. Namimiss na rin daw nyang makasama ka."

"Sabihin mo si tita, promise yan sa susunod dun tayo."

Sinenyasan ko na syang kumain habang nagkukwentuhan kami.

"Kumusta naman na pala kayo ni Luke?"

"Ewan ko dun. Ang sungit sa akin. May mga subjects kami na magkagrupo. Hindi ko alam kung paano iwork out"

"Bat ka naman sinusungitan?" nagtatakang tanong ni Lexi

"Di ko nga alam" huminga ako ng malalim "naalala mo nung sabi ko sayo narinig ng buong klase ang pagtawag mo?"

Tumango si Lexi, di na nagsalita at kakakagat lang nya ng sandwich.

"May mga side comments sya, na marami pala daw akong lalaki. Pabulong lang naman kaya I'm sure walang ibang nakarinig"

Namilog ang mata ni Lexi pero di naman nagkomento. Kaya pinagpatuloy ko ang pagkwento ko.

"Tapos, pagbalik ko ng klase right after na magkita tayo. Tinanong naman kung nakipagkita daw ba ako sa lalaki ko. San ko daw mineet at nagmamadali pa ako lumabas ng klase" medyo natawa ako ng maisip ko yun "Di ko nga pinansin mga pinagsasabi nya. Di ko rin naman maisip bat parang sya pa ang galit sa akin ngayon. "

Tiningnan ako ni Lexi, huminto ito sa pagkain.

"Alam mo Nikki...." tumigil ito saglit, tumingin sa akin. "Pabayaan mo nga muna si Luke" pilya na ang ngiti nito. Duda ako na ito talaga ang sasabihin nya kanina. Pero hinayaan ko na lang sya.

Kinatamaran na namin ni Lexi na lumabas pa. Nalibang na lang kami sa pagtuturo sa akin ni Lexi ng pagmimakeup at pag-aayos.

Ginawa na rin namin ang mga assignments namin para libre na kaming ienjoy ang weekend. Madaling araw na kaming nakatulog.

Hanggang Kailan? (COMPLETED)Where stories live. Discover now