Chapter Twenty Eight

2K 24 0
                                    

Hindi na namin pinagplanuhan kung ano ang gagawin ng araw na iyon. Parang bumalik yung nasa high school kami na magkasama lang at kung ano ano ang trip.

Nagdinner muna kami bago dumaan kina Lexi para sunduin si Autumn. Nahihiya pa ako at nanunudyo ang mga ngiti ni Lexi ng pagbuksan kami ng pinto.

Hindi na rin kami nagstay kina Lexi at umuwi na kami. Sinensyasan na lang ako ni Lexi na tawagan sya later.

Pagdating sa bahay, nagpilit si Luke na sumama sa loob. Inabutan namin na andun si Kuya Gabe. Kinabahan ako. Normal naman ang naging pakikitungo ni Kuya kay Luke kaya nagrelax na lang ako. Hindi naman nagtagal naiwan na kami ni Luke sa sala.

"I got to go na." sabi nya "check ko pa mga emails kung may kailangan sa office and ikaw din pagod ka na."

Tumango ako. Sinabayan ko na rin sya ng lakad papunta sa pinto. Niyakap nya ako at humalik sa pisngi. Namula na naman ako. 'Di pa rin ako sanay.

"Night, Nikki"

"Good night Luke"

Kakapasok ko pa lang sa kwarto ay may kumakatok na sa pinto ko. Binuksan ko yun. Pinapasok ko si Kuya Gabe. Tuloy-tuloy naman ito sa loob. Tumayo sa harap ng couch pero hindi umupo. Umupo ako sa may kama ko. Nakaharap sa kanya.

"What's going on Nikki?" seryoso nyang tanong

"I saw him sa bar last night. Nag-usap kami" panimula ko

"and?"

"Nag-explain sya. Sinabi ko rin kung ano ang side ko. Nagkaintindihan naman kami. So, now we're trying again" hinuli ko ang mata ni kuya. Gusto ko makita nya sa mga mata ko ang hindi ko kaya masabi. Gusto ko iassure nya ako na okay lang ang ginawa ko. Gusto ko sabihin nya na kahit ano mangyari, he has my back.

Humugot ng malalim na hinga si kuya, pagkatapos ay lumapit sa akin at niyakap ako. Hinagod pa nya ang buhok ko. Yunakap din ako sa kanya.

"Nikki, I can't tell you what's right or wrong. Iba-iba tayo pagdating sa relationship. May standard na pwede pagbasehan, but that's just a guide not the rule. I can say my opinions, pero sa huli ikaw pa rin ang dapat magdecide dahil ikaw ang nasa relasyon na yan. I won't say na hindi ako magsasalita or hindi ako makakapanakit kapag nakikita kong nasasaktan ka. Alam mo kung gaano ka kaimportante sa amin. Yan ang wag mo kalilimutan. And I promise you na kahit anong mangyari, tama ka man or mali, if you need me, si Kuya Ty or even our parents, we will always be there for you. Bata pa tayo, marami pa tayo pagdadaanan"

Napahikbi naman ako sa sinabi ni kuya. Napakaswerte ko talaga sa pamilya ko. Hinigpitan ni kuya yakap nya sa akin saka umalis na ito.

Bago matulog ay tumawag naman si Luke. Masarap ang tulog ko.

Iba ang sigla ko ng nga sumunod na araw. Napadalas din ang pagkikita namin ni Luke. Mas naging open din kami sa communication namin. pagdating sa mga plano at pangarap namin.

Christmas break. Uuwi kami ng Iloilo at si Autumn naman ay uuwi rin sa kanila. Masaya ako dahil magsasama-sama kaming pamilya. Hindi makakasabay si Luke sa akin dahil may mga kailangan syang ayusin muna sa opisina pero nangako sya na magkasama kami sa pasko at new year.

This year, pinagisipan kong mabuti ang mga ireregalo ko. Kaya excited talaga ako. Kasalo namin si Luke para sa noche buena. Kinabukasan araw ng pasko, ay ako naman ang dadalaw sa kanila.

Ang kukulit ng mga kuya ko, kung anu-ano ang mga ikinukwento tungkol sa mga kapalpakan ko ng bata pa ako. Minsan, pati si daddy nakikisali pa. Buti na lang si mommy, ngingiti-ngiti lang, sinasaway sila kuya kapag sumusobra na or nakita na napipikon na.

Pagdating ng alas-dose nagyakan at humalik ako sa pamilya ko para batiin sila. Nagulat naman ako ng ako ay halikan din at yakapin ni Luke. Nakita kong nakatingin sa amin ang buo kong pamilya. Hindi naman galit, nakangiti pa nga si mommy. Si Kuya Ty naman tumaas lang ang kilay, pero si Kuya Gabe, nakakaloko ang ngiti Naitago ko ang mukha ko sa dibdib ni Luke sa kahihiyan. Tumawa naman ito. Kinurot ko para tumigil.

Mabilis na namin binuksan ang mga regalo namin para sa isa't-isa. Nakita ko na naappreciate ng pamilya ko ang mga regalo ko. Maraming tawanan, kasi sila kuya kung anu-anong kalokohang regalo ang binigay sa akin as a joke.

Andiyan yung bigay ni Kuya Ty, tuwang-tuwa pa naman ako dahil nahuhulaan ko na na libro, tapos pagbukas ko Fifty Shades trilogy. Pulang-pula ako sa kahihiyan! Ang lakas naman ng tawanan nila kuya. Ibinalik ko agad sa balot, balak ko sana itago kay Luke. Pero, ayun, nakita na nya pala at parang tuwang-tuwa pa na nakikitang naiilang ako.

Hinawakan ko ang regalo sa akin ni Kuya Gabe, tiningnan ko muna si Kuya Gabe para magkaron ako ng clue kung ano ang binigay nya. Ngingiti-ngiti lang ito at nagtaas ng kilay na para bang hinahamon ako na buksan ko yung gift. 'challenge accepted' isip ko. At binuksan ko na ang regalo. Sinisi ko ang sarili ko kung bakit hindi ko dinahan-dahan ang pagbukas. Pagsira ko kasi ng wrapper kita agad ang label sa box. Bare Necessities. Natakpan ko ang mukha ko. Kung hindi tumawa ng malakas si Kuya Gabe baka naitago ko pa. Inudyukan pa ako.

"Show us Nikki!" sabi ni kuya

Lumabi ako. Pinakita ko lang ang box tapos at itinago ko na. Nahagip ko ng tingin si Luke. Napapailing sa kalokohan ng mga kuya ko pero nakangiti.

Agad naman na binigay ni Kuya Ty at Kuya Gabe ang totoo nilang regalo sa akin. Prada bag ang shoes. Alam kasi nila mas gusto ko ang kasimplehan ng brand na ito kumpara sa ibang designer brands. Nagtitili ako sa regalo nila. Hindi naman nagtagal ay inantok na ang parents ko at umakyat. Sila kuya naman ay lumabas pa para makasama ang ilan nilang friends. Kami ni Luke ang naiwan.

Nagsimula akong magligpit ng mga pinagbuksan na mga regalo. Tinulungan din ako ni Luke. Pagkatapos ay niyaya ko sya sa may garden. Tahimik naming pinagmasdan ang kalangitan. Ang gandang tingnan ng mga bituin. Inakabayan nya ako at may inabot na regalo bago ako mabilis na hinalikan sa labi.

"Merry Christmas princess"

Tiningnan ko ang regalo nya, hindi kalakihan ito. Hinintay nya na buksan ko ito. Naexcite ako ng makita ko ang regalo nya. Links of London ang nakasaad sa box. Natuwa ako ng makita ko ang regalo nya. Hindi dahil sa alam kong mamahalin ito, kundi kung ano ang ibig sabihin nito. White gold necklace ang laman ng box. May tatlong interlocking rings, dalawa sa ring na iyon ay napapalibutan ng nagkikislapang bato, isang puti at isang asul.

"Thank you" yumakap ako sa kanya at iniabot ko ang box. Kinuha naman nya ito at sya na ang nagsuot sa akin ng kwintas. Hinawak-hawakan ko ito dahil talagang nagustuhan ko ito.

"Wait" sabi ko sa kanya, madali akong pumasok sa bahay at kinuha ko ang tinago kong gift sa kanya sa christmas tree. Inabot ko sa kanya ang regalo.

"You got something for me?" masuyo nyang sabi. Tumango lang ako. Kinakabahan kasi baka hindi nya magustuhan iyon. Natutuwa naman nyang binuksan ang gift ko.

Nahirapan ako mag-isip kung ano ang ireregalo ko sa kanya. Halos lahat naman na kasi meron na sya or kaya nyang bilhin. Nakita ko na nagustuhan nya ang bigay ko. Isang itim na Gucci silk jacquard tie iyon. Alam ko na magagamit nya lalo pa sya na ang humahawak sa business nila.

"I love it Nikki" hinalikan nya ako ulit. "kahit wala ka ng gift sa akin, okay lang. Having you in my life is a gift enough. This will be my favorite tie from now on"

Kinabukasan nagpunta kami at naglunch sa bahay nila Luke. Mama nya and some family friends ang andun. Nagdala ako ng cake. Wala ako maisip na iregalo sa mama nya dahil bihira ko din naman itong nakikita. Masaya naman, hindi umalis si Luke sa tabi ko. Inaasar na nga sya ng ilang pinsan nya na andun din.

Pagkahapon ay inihatid nya ako para magprepare naman sa dinner date naming dalawa. Ang saya-saya ng pasko ko. Hiling ko sana ganito din kasaya ang future naming dalawa.

Hanggang Kailan? (COMPLETED)Where stories live. Discover now