Chapter Twenty Four

1.9K 26 0
                                    

Two weeks akong hindi pumasok. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Kuya Gabe, pero ipinagpaalam nya ako sa school. Mabuti na rin yun dahil baka ibagsak ako ng professors sa dami ng absences ko. Kaya hindi ko na inalam kung ano ang ginawang dahilan ni Kuya.

After one week na wala ako sa school, naikwento na ni Autumn na kalat na sa school na wala kami ni Luke. At araw-araw daw makikita na kung sino-sino ang nakakapit kay Luke. Hindi ko alam kung kay Luke nanggaling ang balita na nagbreak na kami, pero kanino pa malalaman 'di ba? Kita ko na parang naaawa naman sa akin si Autumn. Tumigil na rin daw sa katatanong si Luke tungkol sa akin.

Nagsawa na rin siguro. Huling balita ko kasi, si Kuya Gabe na mismo nagsabi kay Luke na tigilan na ako. Nagkasagutan yata. Hindi rin naman alam ni Autumn ang kwento, hindi rin naman nagsasalita si Kuya Gabe. Nagkibit-balikat na lang ako. Ayoko na rin naman may naririnig pang balita tungkol sa kanya.

Ilang araw na akong bumalik sa school. Tambak ang mga make-up projects ko, kinuha ko na sa mga professors ko unang araw pa lang na bumalik ako. Ito naman ang unang pagkakataon na papasok ako ng klase na andun si Luke.

Sige, magpakamanhid ka na lang Nikki. Nagipon ako ng lakas ng loob at pumasok na ako sa klase ko.

Umiwas ako ng tingin sa kung saan ako dating nakaupo. Andun na sya. Nakita ko na mayroong bakanteng upuan sa may dulo. Dun na ako dumiretso. Kanina ng pumasok ako, nakita ko na napapalibutan sya ngmga kaklase naming babae. Parang wala din naman syang nakita kaya tinatagan ko ang loob ko.

Mabuti na lang busy ang bago kong katabi sa pakikinig sa kinukwento ng isa pa naming kaklase. Hindi ko sila kilala. Kasi naman, iisa lang ang focus ko dati. 

Dumating ang professor, parang ako ang hinahanap. Nang makita ako sa sa dulo ay tumango lang ito. Abot-abot ang pasasalamat ko na hindi na nya ako kinausap pa sa loob ng klase. Parang ang tagal ng isa't kalahating oras na klase. Kulang na lang ay maya't -maya ako tumingin sa relo ko. Finally, umalis na ang professor. Nagsimula na akong magligpit ng gamit ko.

Napansin ko, nakatingin sa akin ang katabi ko. Tumaas ulit ang kilay nito.

"Hi, I'm Dean" nilahad nito ang mga palad nya.

Inabot ko naman at nakipagkamay ako "Nikki" 

"Do you need help sa class? Pwede ko ipahiram sayo ang notes ko" 

Napatingin ako sa kanya, nakangiti ito. Naisip ko na I have to start somewhere kung gusto ko ng pagbabago. Mukha naman safe si Dean. Ngumiti na rin ako.

"Yes, malaking tulong ang notes para makahabol ako sa klase. "

"O, sige kunin mo na ito at ibalik mo na lang next week. Wala naman tayong assignment kundi reading materials lang, kaya okay lang" 

"Sige, salamat, talaga." sabay na kami naglakad palabas ng kwarto

Hindi ko na napansin ang mga mata na galit na nakatingin sa amin.

Kahit na naghahabol ako sa klase, hindi ako napag-iisa. Kapag nasa bahay ako, si Autumn ang kasama ko. Kapag naman may lakad si Autumn, andun ako kay Lexi. Sinasadya yata nila na hindi ako maiwan na mag-isa. Hindi naman na mahalaga kung kaninong bahay ako nag-iistay. Ang dami kong ginagawa. Halos wala na akong oras pa sa anumang bagay.

Pinagpasalamat ko ito. Dumadalang na ang mga oras na tulala ako. Minsan isang gabi na lang din ako kung umiyak. Kapag kausap ko naman si Lexi at Autumn, kaya ko ng makipagkwentuhan sa kanila tungkol kay Luke ng hindi umiiyak. Mukhang nagtatagumpay naman ako sa pagpapanggap ko na tapos na akong masaktan.

I look forward sa panahon na talagang totoong okay na ako. Hindi yung tulad ngayon na nagkukunwari lang ako.

Malaking tulong ang pagpapahiram sa akin ni Dean ng notes. Madali kong naintindihan ang mga lessons ko. At tama rin pala ang hinala ko nung una pa lang na hindi straight si Dean. Hindi nga lang sya lantad. Kaya naman mas lalo ko syang nakapalagayang loob.

Dahil mahilig magpuna ng kung ano-ano tungkol sa mga kaklase namin si Dean, madalas din ang mga naging pagtawa ko. May ilang beses na rin na napalakas ang tawa ko, sanhi na maging sentro kami ng atensyon. Kapag ganun, yumuyuko na lang ako at pinipigil ko ang tawa ko.

Nagawa ko naman lahat ng projects na dapat ko gawin. Naging busy naman ako sa pag-aaral para sa midterms. Natapos na rin ang midterms at ngayon nga may oras na ako kahit paano na makahinga.

Isang araw, niyaya ako ni Autumn manood ng basketball. Saglit akong natigilan. Syempre, andun si Luke. Gusto kong testingin ang sarili ko kung okay na ba talaga ako. Pumayag naman ako, sumama si Dean sa amin ng malaman ang lakad namin ni Autumn.

Puno ang gymnasium. Paano ang dayong eskwelahan na makakalaban nila ay sikat din. Hati ang audience sa kinakampihan. Kita ko, ang daming babae sa may bench nila Luke. Andun, pa rin ang kirot tuwing nakikita ko sya. Kaya madalas, tinutuon ko ang pansin sa iba. Kahit ano, wag lang sya. Nagsimula na ang laro. Andun ang mga sigaw na dati ko nang narinig.

"I love you Luke"

"Pakakasalan kita Padilla!"

"Anakan mo ako Luke!!!!"

Pinisil ni Autumn ang kamay ko. Pinisil ko rin iyon para ipaalam sa kanya na okay lang ako. Tahimik na nakaalalay lang din naman sa amin si Dean. Nagulat pa nga ako ng bigla itong magsalita

"Shet, may gwapong chinito! Gusto kong bumigay" bulong nya

Natawa naman kami ni Autumn sa sinabi nya. Hinanap namin kung sino ang sinasabi nya. Itinuro nya ang isa ngang gwapong chinito na nasa court. Parang pamilyar sa akin ang mukha nito, pero hindi ko na masyado inisip. Maya-maya tumalikod iyon, nakita ko ang pangalan sa jersey. Ongchico!

"Go Ongchico!" kahit ako nagulat sa pagsigaw ko.

Napanganga sa akin si Autumn at Dean. Pinamulahanan naman ako ng mukha. Simple akong siniko ni Dean. Napatingin ako sa court. Lumingon pala si Ongchico at ngayon ay nakangisi na sa akin. Ngumisi rin ako. Si Autumn naman ang sumiko sa akin, inginuso ang isa pang player sa court. Si Luke, madilim na madilim ang mukha na nakatingin sa akin. Kitang-kita ko pa ang pagkuyom ng kamao.

Napatakip ako ng mukha ko. Baka maulit yung nangyari noon. Kinabahan ako. Hindi na ako mapakali. Hindi nga ako nagkamali ng hinala. Naging mabilis at pisikal ang laban. Nakangisi si Luke pero alam mong nang-iinis. Kita ko na rin na napipikon na rin si Ongchico.

Hindi ko na kaya ang tensyon. Pakiramdam ko kasi ako ang dahilan kung bakit nagkakainitan ang dalawa. Niyaya ko na si Autumn at Dean na umalis na lang. Nagdahilan ako na masama ang pakiramdam ko. Kumbinsido naman ang dalawa dahil namumutla ako at nanlalamig.

Hanggang Kailan? (COMPLETED)Where stories live. Discover now