Chapter Thirty Two

1.8K 21 0
                                    

Nagkakagulo ang mga kasamahan ko sa department ng dumating ako. Tinawag nila ako ng makita ako.

"Nikki, halika dali" yaya ni Claire. 

Lumapit ako at nakita ko pinapalibutan nila si Nancy. Tinitingnan ang singsing nito.

"Congratulations!" masaya kong bati.

"Thank you ma'am" nahihiyang sagot naman nito.

"Ayan, na naman ang ma'am, si Mrs. Santiago ang boss natin" sabi ko sa kanila.

"Swerte yang si Nancy sa mapapangasawa nya Ms. Nikki" sabi ni Claire "Kaya lang aalis na sya dito sa office"

"Huh? bakit ka naman aalis Nancy?" 

"Kasi po ma'am foreigner yung mapapangasawa ko. Gusto na nyang dalhin ako agad sa Germany" 

"Ganun ba? Sayang naman ang dami mo pa yatang projects din na nakaline-up" 

Tumango sya "Oo nga po. Mamaya nga mag-uusap kami ni Mrs. Santiago. Hingi na rin po ako ng pasensya sa inyo, kasi maiiwan ko ang work dito. Kailangan lang kasi. Syempre nagsisimula pa lang kaming buoin ang pamilya" nakangiting sabi ni Nancy.

Nginitian ko naman sya "Okay lang yun. Syempre yan ang priority mo. I'm sure okay lang yun, saka magagawan ng paraan yan. Wala naman magagawa ang company para pigilan ka" biro ko sa kanya. Nagkatawanan kaming lahat.

After lunch ng sinabihan ako ni Mrs. Santiago na magmimeeting kami kasama si Kuya Ty bago mag-uwian. Inayos ko naman lahat ng dapat kong tapusin sa araw na iyon. Dun ko na rin lang sa office ni Kuya Ty hihintayin si Mrs. Santiago. May meeting kasi ito sa labas. Gusto ko naman samantalahin ang pagkakataon na iyon para makipagkwentuhan kay Kuya. Bihira na rin kasi kaming magkita sa bahay. Madalas na gabi na sila umuuwi ni Kuya Gabe o kaya naman ay out of town din sya at nag-iikot sa branches. Sila Daddy at Mommy kasi, madalas nasa Iloilo na lang, hindi na masyado involved si Daddy  sa day to day na pamamalakad ng negosyo. 

Inabutan ko si Kuya Ty na nakaupo na sa meeting table. Humalik ako sa kanya at saka umupo na rin sa tabi nya.

"Kumusta ka na Nikki?" masuyo nyang tanong

"Okay naman kuya. Nag-eenjoy ako. Madami akong natututunan. Thank you at sinuggest mo sa akin ito"

"Alam ko naman na kaya mo. And I know, I can expect good things from you" 

Nginusuan ko sya "Hindi mo rin ako pinipressure ano kuya?" biro ko. Humalakhak naman si kuya.

"Nikki, achiever ka, what else should I expect? Pero, sige lang, kaya nga andito ka e, para malaman mo where you belong" 

Hindi na ako nakasagot dahil dumating na si Mrs. Santiago.

"Good afternoon Tyler" bati nya. Hindi nagpapatawag ng sir or mister si kuya. Si Daddy daw yun hindi sya. Isa rin siguro ito sa mga nakasanayan nya nung nasa abroad pa sya.

"So, Violet, para san ba ang meeting na ito?" tanong ni Kuya

"It's about Nancy. Aalis na kasi sya dahil yun ang gusto ng mapapangasawa nya." simula ni Mrs. Santiago. Napakunot-noo si kuya.

"I don't see why kailangan nyang umalis kung mag-aasawa lang  sya" sabi ni Kuya

"Foreigner ang mapapangasawa. They'll be leaving the country soon, kaya sya aalis Tyler. Nancy loves her job, alam mo yan. Maganda ang performance nya. Pero dahil magpapamilya na sya, kailangan nyang bitawan muna ang career nya." sabi ni Mrs. Santiago

"I'm familiar with Nancy's job. Efficient sya at talagang mapagkakatiwalaan. Tama ka, she's a loss. Hindi ba dapat HR ang kinakausap mo regarding this?" may pagtataka na sa tono ni kuya.

"I did talk to HR din. Last week pa naman ako sinabihan ni Nancy about this possibility. I was just hoping na magbago pa ang decision nya kaya hindi ako nagconsult sayo earlier. To make the story short, hindi natin kaagad mapapalitan si Nancy. Bukod sa selection process, may learning curve kahit experienced worker" tumango-tango si kuya. Ako rin ay nakikinig lang din "I'm sure you're aware of our plans, and the next couple of months ay critical sa timeline natin. Maraming resources na natin ang ginamit para sa online services natin, hindi natin pwede idelay ang launch nun. Alam mo na magkakadikit-dikit ang programs natin dahil we are aiming for more clients and we're aiming to be the game-changers sa banking sa bansa"

Tumaas kilay ni kuya "I know about all those plans Violet, because I am the one who want to make those changes. Nakita ko na we need to innovate, hindi lang sa traditional banking services kundi sa kung paano pa natin maeenhance ang ibang services natin like online and phone banking. I know Nancy handles the events and media, what do you suggest?"

Tumingin sa akin si Mrs. Santiago, sobra ang nerbyos ko. "I'm recommending Nikki to handle kung ano ang maiiwan ni Nancy. Kahit interim lang, yung hanggang launch natin. After the launch, it's basically up to her kung gusto nya magstick sa events and media, or she wants to move somewhere else" nakangiti pa si Mrs. Santiago sa akin. Napapangiti na rin si Kuya Ty. Umiling ako.

"Ako? bakit naman ako?" nagrarambulan ang mga daga sa dibdib ko. Parang nabibingi pa yata ako.

"Oo nga, Violet, bakit si Nikki?" tanong ni kuya. Nagulat naman ako at parang sumama ang loob kay kuya na parang duda sa recommendation ni Mrs. Santiago. Hindi ko naiwasan na sumimangot. Hindi ito pinansin ni kuya.

"Kilala mo ako Tyler when it comes to my work. I take pride in it. " tiningnan muna ako ni Mrs. Santiago bago hinarap si kuya " at hindi ko irerekomenda si Nikki ng dahil lang kapatid mo sya. Tulad ng request mo sa akin noon, I let Nikki do different jobs sa marketing. Una, para i-orient sya sa department, and pangalawa, so I can determine her strengths and weaknesses at para alam ko kung saan ko sya ilalagay later on for a permanent position. And these last few months, naobserbahan ko sya. She works well with others, sya pa ang nag-aadjust para hindi sya itratong may-ari ng kumpanya. Team player, which is very critical sa projects. When you ask her to do something, may initiative sya na alamin ang tungkol dun. Yung mga tanong nya kapag may hindi sya naiintindihan, may sense or kapag iba naman ang opinion nya, sinasabi nya kung bakit iba ang take nya sa situation. It makes you think na baka nga pwede yung direction na sinasabi nya." Uminom muna ng tubig si Mrs. Santiago, parang iniisip pa kung ano ang sasabihin "Tyler. You said you want fresh ideas, new blood. May mga inputs si Nikki na innovative and out of the box. I won't say I agree or will agree to all of her ideas, pero lahat naman subject din sa board or the management agreement 'di ba? Marami pa rin syang dapat matutunan, and I hope I can be part of that process. May tiwala ako sa kakayahan ni Nikki. All I'm saying is, this can be a test for her. Let's see what she's capable of. Besides, may idea na sya about this launch. She just need to go deeper sa project na ito."

Kita ko na ang lapad na ng ngiti ni Kuya at nagustuhan niya ang mga sinabi ni Mrs. Santiago. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil parang lutang ako sa mga sinabi ni Mrs. Santiago. Alam ko ang project na sinasabi nya, at hindi biro iyo. Natatakot ako na mapahiya, at ayokong madisappoint sila kuya.

"Well, it looks like we have our new events and media person. Congratulations Nikki!" sabi ni Kuya Ty

Tumingin ako kay Mrs. Santiago "Ma'am, I appreciate all the kind words. Pero kaya ko na ba talaga ito?"

Sumeryoso si Mrs. Santiago at tinitigan ako, parang bigla naman natakot akong sa kung ano ang sasabihin nya " Well, that's for you to know and for us to find out 'di ba?" ngumiti sya "Alam mong grabe ang competition sa business. Kaya itong project na ito, is my challenge to you. You either learn to swim or drown."

Hanggang Kailan? (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora