Chapter One

9.5K 81 2
                                    

Napabuntunghininga ako habang tinitingnan ang gate ng school namin. Medyo busy na ang harapan ng school sa mga nagdadatingang estudyante.

"Here goes nothing" bulong ko sa sarili. Bumaba na ako sa aming sasakyan at hinarap ang driver bago ko tuluyang isara ang pinto.

"Kuya Ben, Tawag na lang po ako if I need a ride mamaya"

"Sige po ma'am" sabi nya at sinara ko na ang pinto ng kotse.

Nagsimula na akong maglakad at tinahak ung daan papasok sa gate. Nginitian pa ako ng guard habang chinicheck ang ID ko.

"Good morning po" bati ko na may kasamang matipid na ngiti. Hindi ko na hinintay kung sasagot ang guard o hindi. Diretso na ako papunta sa Business Administration building. Dun kasi ang karamihan ng subject ko at medyo malayo layo din ito mula sa main gate kaya hindi na ako nag aksaya pang tumingin tingin sa paligid ko.

Ramdam ko ang mga tingin at bulung-bulungan ng ilang estudyante na nadadaanan ko.

"Hay, bakit ba naman kasi ngayon ka pa wala Autumn." naisip ko.

Any other day, wala ako pakialam sa kung sino ang tumingin o magtsismisan tungkol sa akin. Hindi ko nga alam kung beyond my classmates may iba pang nakakakakilala sa akin sa school na ito. Yes, kilala ang parents ko sa business world. Pero, parents ko yun, hindi ako. And sa school na ito na halos lahat naman ay galing sa kilala or mayayamang pamilya (Mahal kaya ng tuition dito!), hindi issue kung sino ako or kung sino ang parents ko. Imposible naman na maging sikat ako dahil sa kagandahan ko. Natawa na lang ako sa thought na yun.

Hindi ko sinasabi na pangit ako, but araw-araw ko nakikita ang sarili ko sa salamin. Hindi kasing puti ng mga intsik, madalas napagkakamalang morena, until maitabi nila ang balat nila sa balat ko. It's really weird, kahit sa picture hindi obvious na maputi ako. Reasonable height 5'3, pero wish ko noon maging matangkad. Bilugang mata, buhok na mahaba na may wave sa dulo. Pero I know, maganda ang legs ko. Mahahaba ito kahit pa hindi ako matangkad. Kaso, sa panahon ngayon na sexy ang pagiging payat, hindi ko naisip na kasama ako sa mga masasabi na hot. Sa liit kong ito, nalalakihan ako sa boobs at balakang ko. Kaya ang pakiramdam ko at tingin ko sa sarili ko mataba ako.

At alam ko napakaraming mas mganda sa akin. Ewan ko ba, normal na nga sa akin yung maka-appreciate ng beauty ng ibang babae. Oist, hindi ako tomboy ha. Kapag nakakakita ako ng maganda, kaya kong aminin yun sa sarili ko or even out loud sa mga friends ko. Kaya nga noong high school, ako lagi puntahan ng mga friends kung lalaki kapag may gusto sila pormahan, kasi hindi ako nahihiya iapproach ang girl and kunin number nito para sa barkada ko. Hay, high school, feeling ko parang kulang ang high school life ko. Parang mas nag enjoy ang ibang mga kabatch ko kaysa sa akin.

Noong high school kasi lagi ako nasa top section. Oh well, all through high school iilang beses lang naman nabawas o nadagdagan ang classmates ko. May year na si ganito napunta sa second section, may year na si ganito nakabalik sa top section. Kaya yung circle ng mga kakilala ko sa mga kabatch ko ganun lang din kaliit. Ako, nung Grade 8 lang ako hindi sa top section. Transferee kasi ako, napunta ako sa fourth section. Okay lang din naman ako, dami kaya gwapo sa section ko and may mababait naman ako na babaeng classmates. Pero alam ko, na after nung lumabas yung first grading results, nagkaroon ng meeting kung ililipat ako sa top section or hindi. Buti naman hindi na ako nilipat. Ayoko din naman maging awkward dun sa first section. Baka mapaginitan pa ako at sabihin nagmamagaling ako.

"Sorry." Napatigil ako sa paglalakad ko ng nabunggo ako ng isa sa mga babae na nakasalubong ko. Tumingin ako sa kanya. Hindi pala sya nag-iisa. May kasama pa sya na dalawang babae. Medyo familiar ang mukha nila. Kaklase ko siguro sa ilang subjects ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad ko. Tanaw ko na yung building namin. Yes, malayo talaga yung Business Administration building mula sa main gate. Tatawirin ang football field bago makarating dun. Kaya maaga talaga ako dumarating sa school para hindi ako ma-late or magmadali sa pagpasok sa klase ko.

"Buti nga sa kanya, yabang kasi eh" narinig ko na sabi ng isa dun sa mga babae na nilampasan ko.

Hindi ko na nilingon. Ngayon pa ba magiging issue kung ano iisipin ng mga tao? Neng, kung alam mo lang kung ano ang pinagdadaanan ko, baka ikaw ang maloka! Medyo malapit na ako sa classroom ng unang subject ko. Inalis ko na lahat ng nasa isip ko. Binlangko ko ang itsura at isip ok. Ayoko makita nya na apektado ako. I don't want him to get that satisfaction na makitang nahihirapan or nasasaktan ako. Kailangan hawakan ko ang pride ko.

Ang galing ko naman kasi, niyaya ko pa sya na mag-enroll kami sabay this semester sa subject na ito. Medyo nagulat pa nga sya ng sinabi ko na sabay namin kunin ang economics na subject.

"Why?" tanong ni Luke sa akin ng sinabi ko kung ano ang gusto ko.

"Namimiss kasi kita, naninibago ako na hindi kita kasama sa mga klase ko. And this is the only subject na may chance na magkasama tayo this semester" sabi ko.

Pumayag naman sya kaya ayan, classmate ko sya. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hindi ko na lang pinilit na maging classmate kami. Hindi ko naman na pwede idrop ang subject na ito at nasa kalagitnaan na kami ng klase. Sige, magpakamanhid ka na lang Nikki. At pumasok na ako sa klase ko.

Super iwas ako tumingin kung saan ako talaga nakaupo dati. Syempre, noon kami pa, magkatabi kami sa klase. Ngayon, ayoko na nga sana makita pa sya. Tiningnan ko kung saan ako pwede pa makaupo. Mayroon isang upuan sa likod ni Luke. Not an option. Hanap ulit ako. Nakita ko dun sa kabilang dulo, yung babae kwento ng kwento sa katabi nyang lalaki. Tumabi na ako sa kabilang gilid ng lalaki at umupo. Dinig ko pa yung mga kwento ng babae tungkol sa gimik nya last weekend. Mahilig pala magbar at mag-inom ito. Sinulyapan lang ako ng lalaki ng umupo ako. Gwapo sya, clean cut medyo may katabaan pero hindi naman kadiri. Medyo nagtaas ng kilay ng umupo ako sa tabi nya, pero wala naman sinabi. Patuloy pa rin nakinig sa kung ano ang sinasabi ng babae sa tabi nya.

Iba pakiramdam ko sa pagtaas ng kilay nun ah. Nilabas ko na ang textbook at notebook ko. Ayoko talaga tumingin kung saan ako dati nakaupo at andun si Luke. Nahagip ng mga mata ko kanina ng pumasok ako ng classroom. Busy sya at may ilang mga estudyante na nakapalibot sa kanya. Karamihan doon babae. Hindi rin naman sya tumingin sa akin ng pumasok ako ng classroom. Siguro nga wala naman na talaga sya pakialam sa akin. May kung anong kumirot na naman sa puso ko. Old habits die hard. Sorry, naman. 

Hanggang Kailan? (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu