Chapter Twenty Three

1.9K 23 0
                                    

Hindi ko alam kung gaano katagal ako naglakad. Hindi ko na rin sigurado kung nasaan ako. Kanina ng panay ang ring ng phone ko. Pinatay ko ito. Ilang oras ng nakalipas yun. Binuksan ko ang cellphone. Sunud-sunod na pumasok ang missed calls at messages. Hindi ko iyon pinansin. Tinawagan ko si Lexi.

"Lex..." mangiyak-ngiyak na sabi ko

"Nik, nasan ka? tell me kanina pa worried sila Autumn at Gabe" bakas ang pag-aalala sa boses ni Lexi.

"Hindi ko alam ... pero okay lang ako" mabilis kong sagot "Pwede ba na diyan na muna ako?"

"Sunduin na kita" sabi ni Lexi

"No Lexi, okay na may taxi naman na akong nakikita. I'll be there soon" binaba ko na ang phone.

Nagmessage na lang ako kina Autumn at Kuya Gabe. Hindi pa ako handang kausapin sila.

Ako: Kuya, I'm on my way to Lexi's house. Dun muna ako. Wag na munang maraming tanong. I'll tell you all about it, when I'm ready. Please, kuya

Ako: Autumn, I'm okay. I will be staying kay Lexi muna. Tawagan na lang kita bukas. Please wag mo ipaalam kung asan ako. Awatin mo si kuya in case na magpunta diyan si Luke.

Nagsimula na naman pumatak ang mga luha ko. Parang sa tuwing maiisip ko or mababanggit pangalan ni Luke ay naiiyak ako. Matatapos kaya ito?

Mabilis naman akong nakarating sa condo ni Lexi. Nasa BGC sya nakatira. Pagkapasok na pagkapasok ko ay niyakap nya ako. Iyak naman ako ng iyak. Inupo ako ni Lexi sa couch. Pinabayaan lang akong umiyak. Nang medyo humupa na ang pag-iyak ko, sinabihan ako na magshower muna at magbihis. Para naman akong robot na sunod na lang ng sunod sa sinasabi ni Lexi.

Pagkabihis naghanda ng pagkain si Lexi. Tulala pa rin ako, wala akong gana. Hindi ako ginugutom kahit pa hindi pa ako nakakapagdinner. Hindi naman ako pinilit ni Lexi. Hindi rin sya nagtatanong or nagsasalita. Nasa tabi ko lang sya. Pinaparamdam sa akin na andiyan lang sya kapag kailangan ko.

Narinig ko na nakausap na rin nya si Kuya Gabe at si Autumn. Hindi ko na alam kung ano ang pinag-usapan nila. Wala akong pakialam. Parang wala na akong maramdaman. Pinagpasalamat ko na lang na pinabayaan din ako ni Kuya Gabe sa gusto ko na dito muna kay Lexi.

May isa pang tumawag kay Lexi. Napansin kong tumingin muna sya sa akin, bago nya isinilent ang phone nya. Parang nahuhulaan ko na kung sino iyon. Wala pa rin akong lakas ng loob na magsalita. Para bang ng makita ko si Luke na may kahalikang babae ay parang nawalan na ng saysay ang lahat. Parang wala na akong makita pa kundi yung sakit na nararamdaman ko.

Nang lumalim na ang gabi, inakay na ako ni Lexi papunta sa kwarto. Wala pa rin ako sa sarili. Inihiga nya ako, tinabihan at niyakap ng mahigpit.

"Every thing will be better in the morning, promise ko sayo yan Nikki" bulong nya sa akin

Bumaha na naman ng luha sa aking mga mata. Ang tagal bago ako nakahinto. Si Lexi naman ay panay ang paghimas sa akin. Nakatulugan na din nito ang pag-aalo sa akin. Hindi ako makatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang nakita ko. At sa tuwing bumabalik yun, iiyak ulit ako. Nagsisimula ng magliwanag ang kapaligiran ng matigil ang pagiyak ko. Hindi na rin  kinaya ng katawan ko ang puyat at walang tigil na iyak. Humilig ako paharap kay Lexi. Yumakap ako sa kanya. Naramdaman ko naman na humigpit ang yakap nya sa akin. Tuluyan na akong nakatulog.

Masakit ang ulo ko ng minulat ko ang mata ko. Pati ilong ko masakit din. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Wala na sa tabi ko si Lexi pero naririnig ko na nasa sala sya. Tumayo ako at nagbanyo. Bahagyang inayos ang sarili bago lumabas.

May kasama nga si Lexi, si Autumn. Hindi ko naman magawang magalit sa kanila dahil alam kong nag-aalala lang sila. Alanganin ang ngiti ni Lexi ng makita ako.

"Hey, Nik. Buti naman gising ka na. Nagdala ng pagkain si Autumn" bati ni Lexi

Umiling ako, pero umupo ako sa tabi ni Autumn. Mabilis akong niyakap ng pinsan ko. 

"I hope you're feeling better Nikki" sabi nya. 

Nagsimula na naman akong maiyak, dahil ganung-ganun ang sabi ni Luke ng nagkasakit ako. Nataranta naman ang dalawa ng makita na iiyak na naman ako. Pilit kong pinigalan na mapakawalan ang mga luha ko. Huminga ako ng malalim. Si Lexi ang bumasag sa katahimikan.

"Nikki, ready ka na ba magkwento?" maingat nitong tanong sa akin.

Tumingin ako sa kanila. Parang hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakita ko. Nahihirapan akong tanggapin yun. Nanghihina ako. Agad naman akong hinagod sa likod ni Autumn.

"okay, okay" mahina nyang sabi "kung hindi ka pa ready magkwento. okay lang."

Diretso akong tiningnan ni Lexi "I don't know Nikki. Kung hindi mo sasabihin sa amin ang dahilan, paano ka namin matutulungan?"

Umiling ako "Walang makakatulong sa akin"

"We need to know Nikki" sabi ni Autumn "Mahirap pigilan si Kuya Gabe. Hindi ko alam kung hanggang kelan pwede awatin yun. Nagpupumilit na sumama dito kanina"

"Gabe is the least of our problem" sabi ni Lexi "Si Luke, ang malaking problema. Kung hindi pa ako nagpatulong sa security kanina, hindi aalis yun"

Tumango-tango si Autumn "Kagabi pa yun nagpunta sa bahay. Buti na lang hindi sila nagpang-abot ni Kuya Gabe. Kundi malaking gulo." 

Alam kong stressed ang kaibigan at pinsan ko sa mga nangyayari. Pero pilitin ko man, wala akong maramdaman. Para bang wala ni isa mang emosyon ang natitira pa sa akin.

"Gusto ko na lang muna mapag-isa" sabi ko "If needed, pwedeng pumunta si Kuya Gabe dito to see na okay ako. Para din hindi na malaman nila Mommy. Pero more than that, wala pa akong naiisip na iba"

"Basta pakisabi kay Kuya, wag na syang makialam. Pabayaan nya lang ako." may nabubuong pader sa aking puso

Gulat na gulat ang dalawa sa sinabi ko. Hindi ko na ito pinansin. Nasa harapan ko sila, pero parang wala ako nakikita. Alam ko naman na hindi makakatiis si Kuya at kailangan ko rin syang harapin. Pinuntahan din nya ako kinagabihan. Iniwanan naman kami nila Autumn at Lexi para makapag-usap ng maayos.

Agad akong niyakap ni kuya at pagkatapos ay bahagyang inilayo para makita ng maayos ang itsura ko. Alam ko medyo namamaga pa ang mata ko  at namumula pa ang ilong ko. Napatiim-bagang si Kuya Gabe.

"Sapakin ko na ba?" parang nagbibiro pero alam kong seryoso si kuya.

"No kuya. Pabayaan mo na sya" matamlay kong sagot

"Ganon na lang yun?" 

"Ganun nya rin naman binitawan ang pagpapahalaga sa relasyon namin, so bakit ko hahawakan?" galit kong sabi

"Hindi mo na gustong marinig ang explanation nya? Wala ng closure?" 

Tumingin ako kay kuya "Kung ano nakita ko is explanation enough. Ano bang closure pa ang kailangan ko?" matigas kong sabi

Napapailing si kuya. Alam nya na nasasaktan ako, pero hindi nya maintindihan kung bakit ganito ang sinasabi ko. Ilang minuto din nya akong tiningnan. 

"What's your plan Nik?" hinagod nya ang buhok ko. Yakap nya ako habang nakaupo kami.

"I got no plans, kuya" huminga ako ng malalim "Gusto ko lang muna mapag-isa. Pabayaan mo na iiyak, ibuhos ko muna ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. In time, matatapos din ako. Ganun naman 'di ba? When you've hit rock bottom, the only way is up."

Ayoko din naman kasi na makita ni kuya na nahihirapan talaga ako. Baka magsabi pa kina mommy, mas lalo akong hindi matatahimik. Kaya gusto ko na makita nya na matatag ako, na kaya ko. Baka sa pagpapanggap ko kay kuya, maloko ko na rin ang sarili ko.

"You're right Nikki. Pero sana tandaan mo, in life lalo na pagdating sa love, not every thing is black and white. Maraming grey areas." seryoso nyang sabi. 

"I'll keep that in mind kuya, and thank you" hinalikan ko sya sa pisngi. Hinalikan din nya ako sa pisngi.

Nagstay pa ng ilang oras si kuya. Tinitingnan siguro kung okay ba talaga ako. Pang best actress naman ang acting ko, at parang nakumbinsi ko naman silang lahat. Wala pa din akong balak pumasok saka mas gusto ko muna na dito kay Lexi magstay. Ayoko pa kasing makaharap si Luke.

That night, nagdeactivate ako ng facebook. Pinalitan ko rin ang sim ko. Sinabi ko kina mommy na nawala ko ang phone ko. 

Hanggang Kailan? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon