Chapter Thirty Eight

1.7K 24 0
                                    

Mataas na ang sikat ng araw ng muli akong magising. Wala na rin si Luke sa tabi ko. Parang medyo nalungkot naman ako na wala sya sa tabi ko. Bumabangon na ako ng makita ko syang palabas ng banyo. Mabilis naman syang lumapit sa akin at humalik sa labi ko.

"Good you're awake. Your bath is ready na." Hinila na nya ako papunta sa banyo. Puno na nga ng tubig ang bath tub, may mga bubbles pa ito at amoy ko ang lavender. "Soak in the tub, take your time. Iready ko lang ang pagkain" hindi na nya hinintay ang sagot ko. Lumabas na sya at narinig ko ang mga yabag nya pababa ng hagdan.

Mabilis naman akong pumasok sa tub. Masarap ang dala ng mainit na tubig. Nabawasan ang pananakit ng katawan ko. Nakaramdam din ako ng konting antok, ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naidlip. Nagising na lang ako ng marinig ko ang marahang katok ni Luke bago sya pumasok. Tinakpan ko ang aking dibdib.

Para naman syang natigilan sa ginawa ko. Ngumisi "Hey, baka magmukha ka ng prune. Halika na lalamig ang food"

Nun ko lang napansin na malamig na nga ang tubig. Tumango ako. Hinintay ko syang lumabas. Sumandal pa ito sa may pinto at nakakalokong ngumiti. Tinaasan ko ng kilay. Dahan-dahan pa ang ginawang paglabas ng banyo. Dinig na dinig ko ang tawa nya.

Saglit lang naman at nakapagbihis na ako. Sabay na kami bumaba. Sa patio inihain ni Luke ang pagkain. Tumataba naman ang puso ko sa ginagawa nyang pag-aasikaso sa akin. Kumain na kami at saka namin napagpasyahan na sa susunod na lang na araw gumawa ng activities. May duyan sa tapat ng villa namin. Dun kaming dalawa humiga, nakayakap sya sa akin.

"Sana laging ganito na lang, ako lang ang kasama mo at ang nakikita mo" sabi nya

"Wala akong ibang tinitingnang iba kundi ikaw Luke"

"Pero hindi na ako ang sentro ng atensyon mo, may kahati na rin ako sa oras mo" lambing nito

"It's just work Luke. Matatapos din ang projects ko. Baka ako naman ang maghanap ng atensyon mo kapag ikaw na ang busy sa project mo" biro ko

"Mas importante ka, kahit sa anong project ko Nikki. Tandaan mo yan"

"Seryoso mo" pilit kong pinapagaan ang usapan "Hamo na ako sa work ko ngayon, pagdating naman ng araw kapag nagkapamilya ako..." sumulyap ako sa kanya saka binawi ko ang tingin ko "Hindi ko naman alam kung magagawa ko pa ang ganitong klase ng trabaho ko"

May kung anong kakaibang kislap sa mata nya akong nakita. Hindi ko iyon maintindihan pero, para akong kinakabahan.

"Marry me then" hamon nya

Tumawa ako. Tiningnan ko sya. Hindi sya tumatawa "Seryoso?" pilit kung idinadaan sa biro. Hindi pa rin sya umiimik. Nakatitig lang sa akin. Kitang-kita ko ng kunin nya sa bulsa nya ang isang jewellery box. Napapikit ako.

"Open your eyes princess" utos nya

Pagbukas ko ng mata ko nakatambad na sa akin ang isang malaking princess cut diamond ring. Platinum iyon sigurado ako. Kalahati ng ring ay puno rin ng diamond. Napapikit ako. Nanlalaki ang ulo ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Humarap ako sa kanya. 

"Lu ... Luke?" nahihirapan na akong huminga. Nakita kong parang nagkaron ng lungkot sa kanyang mga mata.

"Don't act surprised Nikki." sabi nya. "Dapat alam mo na ito. Dapat inexpect mo na ito"

Umiling ako, parang may nakadagan sa dibdib ko. Nalilito ako. Oo, inaasahan ko na kami ni Luke ang magkakatuluyan. Sya lang ang lalaki na minahal ko. Pero hindi ko inaasahan na ngayon sya magyayaya. I thought I had a few more years.  Sigurado ako sa nararamdaman ko para kay Luke. Ang ikinakatakot ko ay baka hindi ko maibigay ang gusto ni Luke, hindi pa ngayon. Ilang beses na rin namin napagusapan kung anong klaseng pamilya ang gusto naming buoin. Hindi sya papayag na nagtatrabaho ang asawa nya. Hindi rin sya naniniwala sa long engagement. Kahahanap ko pa lang kung sino si Dominique Montinola, nagsisimula pa lang sya. Paano ko sya isusuko para maging Mrs. Luke Padilla? Napapikit ako.

Nakalahad pa rin sa harapan ko ang singsing. Parang nangungutya. Hinawakan ko ang mga kamay nya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya, ang pagkatalo. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

"Do.. Don't you love me Nikki?" namumula na ang mga  mata nya

Umiling ako. Hinigpitan ko ang hawak ko sa mga kamay nya. "Luke, alam mo na mahal na mahal kita. Alam mo na ikaw lang ang minahal ko" huminga ako ng malalim "Ikaw lang ang pinangarap ko na makasama ko habang-buhay. And ako na ang pinakamasayang babae ngayon dahil niyaya mo na akong magpakasal"gumagaralgal ang boses ko

"Kung masaya ka, hindi ka dapat umiiyak ngayon" may pait sa boses nya

Ang bigat-bigat na ng dibdib ko. Parang gusto ko ng maglupasay. Gusto kong ipaintindi kay Luke kung ano ang nararamdaman ko. Kaya sinubukan ko pa rin syang kausapin.

"Tell me honestly Luke, bakit niyayaya mo ako ngayon magpakasal?"

Natigilan siya "You really have to ask?" medyo galit na sya "Nung niligawan kita, sigurado na ako na ikaw ang gusto kong pakasalan. Ang tagal ko ng naghihintay!"

Huminga ako ng malalim "Yun na nga ang point ko Luke." malumanay kong sabi "Matagal na tayo. Bakit ngayon mo gusto magpakasal? Bakit kung kelan alam mo na yung next couple of years mo ay nakatali sa isang project na pangarap mo? Bakit ngayon na alam mo naman na nagsisimula pa lang ako sa career ko?"

"Asawa kita o hindi, ang project ko, tuloy-tuloy! Hindi ka sagabal or pabigat. Ilang beses ko bang sasabihin sayo yan?"

Nagdaloy na naman ang mga luha sa mata ko, pero tinatagan ko ang dibdib ko "Ako Luke, paano ang pangarap ko, ang career ko? Pwede ko pa rin bang ituloy kahit mag-asawa na tayo?" halos pabulong kong sabi

Umiling si Luke, parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko "Alam mo, alam mo ang mga plano ko. Alam mo ang mga pangarap ko" parang hirap na rin ito sa pagsasalita

"At alam mo rin ang mga pangarap ko!" napahagulgol na ako

"Pangarap?" hungkag ang tawa nya "Wala akong ibang pinangarap kundi ikaw! " napatiim-bagang si Luke at saka marahang tumayo. Iniwan sa kamay ko ang kahon na may singsing "I need to breathe" sabi nya at lumakad na palayo sa akin.

Naiwan akong umiiyak. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko. Bakit kagabi lang ay ang saya-saya namin? Ngayon ay parang ang layo na namin sa isa't-isa. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Humiga ako sa duyan at pinabayaan ko na lang na maubos ang luha ko. Iniyak ko ang nararamdaman kong sakit, iniluha ko na nasasaktan ko si Luke, pilit kong pinapakawalan sa isipan ko ang mga pangarap ko. Kahit anong pilit ko, hindi pa rin mawala ang sakit sa dibdib ko, parang hindi na mawala ang bigat nito. Madilim na ng bumigay ang mata ko sa sobrang bigat dala ng pagluha. Nakatulog na ako sa duyan, hawak-hawak ko pa rin ang jewellery box.



Hanggang Kailan? (COMPLETED)Where stories live. Discover now