Chapter Forty Seven

1.8K 21 0
                                    

Ang ganda pagmasdan ng resort sa gabi. May ambiance lighting pati ang pool. Niyaya ako ni Luke na maligo sa dagat. Kanina ko pa nga sana gusto maligo kaso ay naunahan ako ng hiya. Ipinakita ni Luke sa akin ang isang designated area for campfires and barbecue. Malayo ng konti ito sa dagat pero mabuti din ito para contained kahit paano ang pagkakalat kung sakali. Nagpagawa ng bonfire si Luke at dito na ipinaserve ang dinner namin.

"Parang ang sarap na dito na lang tumira" sabi ko

"Why not 'di ba?" ngiti ni Luke "Part of my initial plan was to include residences. Pero naghesitate ako, once kasi nagbenta na ako ng property, I will lose control sa kung ano ang pwede nila gawin dito sa isla. Ayoko mangyari dito, yung nangyari sa Boracay." bumuntong hininga ito "anyways, hindi ang residences ang priority ko sa ngayon. Hindi ka yata kumakain?"

"Ayoko kasing mabusog, magsuswimming pa kasi"

"Sige, swimming na lang muna tayo. Kapag gutom na lang tayo magdinner" tumayo na ito at naghubad ng t-shirt.

Namula ako ng natambad ulit sa mga mata ko ang kakisigan ni Luke. Mas lumapad ang kanyang mga balikat at mas naging defined ang muscles nya. Gustung-gusto kong haplusin ang mga ito. Napansin naman yata ni Luke ang pagkakatitig ko sa kanya.

Tumaas ang kilay nito  "Like what you see Nikki?" nakangising sabi nya. Mas lalong nag-init ang pisngi ko. Humalakhak sya. Napikon ako. Naisip ko na now is a good time para tingnan ko kung apektado din si Luke sa akin. Nangangatog ang tuhod ko pero hindi ako nagpahalata. 

Hinuli ko ang kanyang tingin, tinitigan ko sya. Nakangiti pa rin ito. Isa-isa kong binuksan ang butones ng sundress ko, suot ko naman na kasi ang swimsuit ko. Kita ko na namilog ang mata ni Luke. Nang nabuksan ko na ang lahat ng butones, hinubad ko na ang damit ko. Laglag-panga si Luke, hindi na rin sya nakangiti. Ako naman ngayon ang tumawa. Tumalikod ako at tumakbo papunta dagat.

"Let's go Luke" sabi ko sa kanya

"Shit!" narinig ko na sabi nya at tumakbo na para sundan ako.

Mas mahahaba ang binti ni Luke kaya mabilis nya akonginabutan. Sabay kaming lumusong sa dagat.

"Oh my!" napatili ako dahil nabigla ako sa lamig ng tubig. Ang lakas naman ng tawa ni Luke "bat di mo sinabi?"

"Just wait, sa simula lang yan. Maya-maya okay ka na" tumatawa pa rin sya.

Lumangoy-langoy ako para takasan ang lamig. Ganun din naman ang ginawa ni Luke, pero hindi sya masyadong lumalayo sa akin. Madilim na rin kasi. Andiyan din yung minsang ilubog nya akong bigla sa tubig o kaya ay hilahin ang paa ko. Natatawa na lang ako at gumaganti din sa mga ginagawa nya. Hindi na namin namalayan ang oras. Nagkayayaan na kaming umahon ng may isang malaking alon ang humampas sa amin. Nawalan ako ng balanse at bahagya akong nailubog at tinangay nito. Napasigaw ako sa pagkabigla.

"Luke!"

Agad ko namang naramdaman ang mga bisig ni Luke na nakayakap sa akin.Ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg nya. Kahit na may maliit na alon na humahampas sa amin ay hindi nya ako binitawan.

"I got you Nikki, I got you" bulong nya.

Wala na ang takot ko. Init naman sa pagkakadikit ng katawan namin ni Luke ang naramdaman ko. Sobra-sobra ang bilis ng pintig ng puso ko. Tiningnan ko ang mukha nya, may bakas pa ng takot at pag-aalala sa mga mata nito. Parang may gustong kumawala sa puso ko.

"Are you okay?" tanong nya. Tumango ako. Napabuntung hininga sya. Hinaplos ko ang pisngi nya. Natigilan sya. "Nikki?"

Hindi na ako nakatiis, pinagbigyan ko na kung ano ang nararamdaman ko. Miss na miss ko sya. Ang tagal-tagal kong pinangarap na makita at makasama syang muli. Inilapit ko sa kanya ang aking mukha. Hinaplos ko ang kanyang mukha na para bang hindi ako makapaniwala na kasama ko na sya. Dinampian ko sya ng halik, napabuntung hininga ako. Hinalikan ko sya ulit. Humigpit na ang pagkakayakap sa akin ni Luke. Pinagdikit pa ang aming mga katawan. Hinahagod na nya ang aking likod. Naramdaman kong hawak nya ang batok ko at bahagyang itinulak ang aking ulo at siniil na nya ako ng halik.

Gusto kong maiyak. Damang-dama ko ang init ng kanyang labi. Andun din ang pananabik sa kanyang mga halik. Sinagot ko rin ng pangungulila ko ang bawat mga halik nya.

"Nikki" usal nya "you got scared. Ayokong mag-take advantage" narinig kong sabi nya

Take advantage? Ako ang may gustong humalik sayo. Hinalikan ko sya ulit, agresibo. Gusto kong maramdaman nya ang nararamdaman ko para sa kanya.  Humalik ako sa kanyang panga. Habol ko ang aking hininga. Ganun din sya. Hinawakan nya ng ikinulong ng dalawa nyang kamay ang aking pisngi. Hinalikan nya ako sa noo.

"Ahon na tayo. I'll take you to your room ng makapagpahinga ka" mahina nyang sabi.

Sumama ang loob ko. Tinatanggihan nya ba ako? Masakit. Hindi na ako nagsalita, hinayaan ko na lang na akayin nya ako paahon ng dagat.  Hindi na kami bumalik sa bonfire, pinabayaan ko kung saan nya ako dadalhin. Hindi rin sya nagsasalita, parang malalim ang iniisip. Narating na namin ang kwarto ko ng magsalita sya ulit.

"Mag hot shower ka agad para hindi ka magkasakit. Magpapadala na lang ako ng pagkain mo dito sa room at hindi na tayo nakapag-dinner." dire-diretso nyang sabi, hindi rin sya tumitingin sa akin. Nalungkot ako. Tumango na lang ako. 

"Good night Nikki" lumapit sya at humalik sa noo ko at iniwan na akong mag-isa sa kwarto ko.

Balisa ako ng gabing iyon. Hirap akong tanggapin na wala na kaming pag-asa ni Luke. Magdamag akong umiyak. Nagliliwanag na ng makatulog ako. Nagising na lang ako ng marinig ko ang pagkatok at pagtawag ni Luke. Tinatamad man, bumangon ako at binuksan ko ang pinto.

Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Luke "are you okay? may lagnat ka ba?" hinawakan nya pa ang noo ko. Tumalikod ako at dumiretso sa banyo. Alam kong susunod sya sa loob. Mabilis akong nag-ayos. Napapikit ako ng nakita ko ang itsura ko sa salamin. Kaya naman pala naisip ni Luke na may sakit ako. Maga ang mata ko at namumula pa rin hanggang ngayon ang ilong ko. Nilabas ko na sya.

"Okay ka lang ba?" tanong nya ulit

"Okay naman ako. Medyo mabigat lang katawan ko, pero kaya ko naman"

"Pwede nating ipagpaliban ang lakad natin"

"No. It's okay. Ikutin na natin yung iba pang areas. Saka baka umayos din pakiramdam ko kapag naglakad-lakad"

Pinakita lang sa akin ni Luke ang Lake at ang mga chalets na andun. Meron din isang area na parang nasa stilts ang bahay. Hanga ako sa gumawa ng disenyo. May mga chalets kasi  na halos nakadikit na rin sa malagong kakahuyan ng lugar. Napag-alaman ko na sa hilltop ang kwarto ko ngayon. Dun na ako dineretso ni Luke. Alam kong marami pa kaming hindi naiikot, pero nanlalambot na rin naman ako dahil sa kaiiyak at puyat ng nagdaang gabi. Kaya hindi ko na ipinilit na mag-ikot pa.

Malaki ang chalet, para itong inukit sa bundok.  may balkonahe ito na nakaharap din sa dagat, pero ang structure mismo ay napapaligiran ng mga halaman at puno. Para akong nasa tree house.  Meron din itong plunge pool sa likod ng bahay. May bbq area din ito. 

"Enclosed ang space ng bawat chalet. Hindi mo lang halata dahil yung walls ay may mga puno at halaman, kaya akala mo ay walang pader." sabi ni Luke 

"Complete privacy" sabi ko

"Oo, ang only way na pwede makapasok sa area na ito ay through the front."

"Maganda ang idea ng plunge pool, para kapag tinatamad na magpunta sa main areas, dito na lang sila"

"Most of the ideas na iniapply sa resort is from Maldives and Seychelles. Most couples or lovers will love this kind of setting" tumango ako. Hinila na ako ni Luke papasok ng chalet. "Pahinga ka muna diyan sa sala. Okay na tayo for today. I'll show you the rest na lang muna through materials na nasa laptop ko at ang naiprint na. I'll just check kung may supplies dito sa chalet." umalis na sya para magpunta ng kusina. Narinig ko rin syang may tinatawagan. Namigat ang mga mata ko at naisipan kong humiga sa couch. Ilang sandali lang nakatulog na ako.








Hanggang Kailan? (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora