Chapter Five

2.7K 35 0
                                    

Nailang ako sa mga tinginan ng estudyante ng makita na magkasama ako at si Luke. Hindi rin naman naging sapat na magkasama kami naglalakad papunta sa canteen para hindi magsilapitan ang ibang tao (lalo na babae kay Luke).

"Guys, I need to spend time with Nikki here" sumulyap sya sa akin bago hinarap ulit ang mga kausap. 

"I have to work on my grades. Hindi pwede na bumagsak ako." At nagpatuloy na ito sa paglalakad.

Kitang kita ko ang disappointment ng mga kausap nya. Balewala naman ito kay Luke at pagpasok namin sa canteen, umupo na sa may dulong mesa kung saan malayo sa mga occupied na tables. Pagkaupo, ako naman ang hinarap nya.

"Do you want to eat or need some drink?

"No. Okay lang ako. Let's start na, sayang oras." Umupo ako at binuksan ang notebook ko.

Akala ko walang utak si Luke kaya tagilid ang grades nya. Hindi naman pala. Kulang lang talaga sa lessons and explanation. Bago pa mag 6 o'clock tumayo na ako para maghanda umuwi. Tumayo na rin si Luke.

"Can I take you home?" tanong niya

"No need na. May sundo ako." nakita ko medyo natigilan sya sa sinabi ko. May kung ano naman na nagtutulak sa akin na magexplain, pero hindi ko pinakinggan. Narinig ko ang kanyang buntong hininga.

"Okay. I'll walk you to the gate then. Samahan na kita hanggang dumating ang sundo mo."

"Naku, okay lang. No need na." alanganin ako dahil baka andun si Kuya Gabe kasama ng driver. Hindi naman kasi kami nakapag-usap. Para namang walang narinig si Luke at tuloy pa rin ang pagsabay sa akin.

Hindi na kami nag-usap hanggang makarating sa hintayan ng mga sasakyan sa labas ng gate. Wala pang 5 minutes nakita ko na pumarada sa harapan namin ang isang sasakyan, itim na Acura TLX. Kinabahan ako, sinilip ko agad kung sino ang nagmamaneho. Nagmamadali akong lumapit dito pero nauna nang bumaba ang nasa driver seat. Napahinto ako ng hinarap ako ng driver. Ipinatong pa nito ang dalawang kamay sa ibabaw ng kotse at nakataas ang isang kilay. Hindi ko alam kung may galit or nanunudyo. Ramdam ko na nakadikit din sa akin si Luke at nagmamasid.

"K.. Kuya Ty" nag-init ang aking mukha. "Hindi ko alam na ikaw pala ang susundo sa akin"

Ilang segundo pa, bago ako sinagot ni kuya. "The driver was busy with Gabe, kaya sinabi ko kay mommy na ako dadaan sayo."

Tumango ako. Pansin ko na may hinihintay pa si kuya at ang mokong na Luke hindi rin umaalis.

"Kuya, kaeskwela ko nga pala, si Luke" binalingan ko si Luke.

"Luke, Kuya Tyler ko."

Tumango kuya ko, "Nice meeting you, 'pre" tumango na rin si Luke

Nagmadali na akong sumakay ng kotse saka humarap kay Luke

"Alis na kami."

Hindi ko na hinintay kung ano ang sagot ni Luke. Hindi ako makatingin kay kuya ng nasa sasakyan kami. Ewan ko ba, wala naman ako ginagawang mali, pero nahihiya ako kay kuya. Si kuya naman, pasulyap sulyap sa akin. Hindi na yata nakatiis, nagtanong na.

"Boyfriend mo?" umiling ako.

"Manliligaw?" iling ulit

"Tinutulungan ko lang sa lessons nya kasi behind na sya."

"Tamad mag-aral?" napataas boses ni kuya.

"Hindi. Varsity player sya. Masyado sila marami ginagawa, nahirapan mag catch-up sa lessons." paliwanag ko.

Tumango-tango si kuya. "You have to tell mommy. Lalo na kung madalas na kasama mo yang guy na yan."

"Twice a week lang naman kuya. Saka lagi ko naman sinasabi kay mommy kapag malilate ako"

"Still. Iba ang lakad na si Lexi kasama mo, at iba ang lakad na may kasama kang lalaki" insist ni Kuya

Mahirap na makipagdiskusyon at mas lalong iba ang iisipin ni kuya kaya umagree na lang ako. Nakarating na kami sa bahay and andun na ang lahat. Kami na lang hinihintay. Matapos magshower at magpalit, diretso na ako sa dining table. Ang saya ng usapan kasi bihira na kumpleto kami sa kainan. May kanya kanya kasing activities sila kuya at sila mama naman busy rin sa pag-aasikaso ng negosyo. Madalas din sila na nasa Manila or sa ibang bansa.

Tumikhim si Kuya Ty. Lahat kami sa kanya napatingin. Medyo alam ko na kung ano ang sasabihin ni kuya.

"Dad, nakita ko nga pala si Nikki may kasabay na lalaki kanina pagsundo ko" walang preno na sabi nito.

Lahat naman nabaling ang tingin sa akin. Si Kuya Ty ngingisi ngisi pa, si Kuya Gabe naman medyo napasimangot. Wala naman ako makita na anumang reaksyon mula kina mommy at daddy. Parang naghihintay na mag-explain ako. Hinarap ko ang magulang ko.

"Hinatid lang po ako sa sakayan nung tinututor ko Daddy, Mommy" kumakalabog ang puso ko sa kaba. Feeling ko nahihirapan ako huminga. Inabot ko ang baso ko at uminom ng tubig.

"It's fine iha. We do trust you naman." sabi ni mommy. "Alam naman namin na responsible ka. But ang request lang naman namin, kapag may gustong makipagkaibigan or manligaw sayo, please let us know. Ipakilala mo sa amin, wag ka magpaligaw sa labas. Iinvite mo dito sa bahay"

Ligaw agad talaga? Dalhin sa bahay agad-agad? Nagulat ako sa sinabi ni Mommy. Pero kampante naman ako. Hindi naman kasi issue yun at 'di naman nanliligaw si Luke at wala naman ako sa kanya gusto.

"Hindi po manliligaw si Luke. But if that changes, I will let you know po Mommy." malumanay ko na sagot. Tumango tango lang sila mommy and daddy.

"Pakilala mo nga sa akin ang lalaki na yan Nikki" sabi ni Kuya Gabe. Ngingisi-ngisi pa ito. Inirapan ko sya.

"Kilala mo yun, nasa school din yun. Varsity ng basketball. Si Luke Padilla" diretsahan kong sagot. Napansin ko parang nagulat si Kuya Gabe sa sinabi kong pangalan. Nagtaka naman ako sa reaksyon nya. Pinapanood din pala kami ni Kuya Ty.

"You know the guy, Gabe?" sabi ni Kuya Ty.

Tumingin pa muna sa akin si Kuya Gabe bago sinagot si Kuya Ty.

"Yes, kuya." matipid niyang sagot.

"Let me know if we need to sort this out." makahulugang sabi ni Kuya Ty.

'Di ko magets kung ano na pinagsasabi nila. Nagpalipat lipat na lang ako ng tingin sa kanila. Nakita ko medyo umiling si Mommy bago nagsalita.

"Leave the kid alone. Wala naman ginagawang masama sa kapatid nyo." sabi niya.

"Basta keep me informed ha, kapag pinupormahan na itong prinsesa natin" sila kuya ang sinasabihan ni daddy, pero nasa tono nito ang nagbibiro kaya naman nakahinga na ako ng maluwag.

Kung ano-ano pa ang napagkwentuhan namin during dinner. Magaan ang pakiramdam ko ng pumasok sa silid at naghanda para matulog. Tinapos ko ang mga homework na dapat ko ipasa. Nakipagusap din ako saglit kay Lexi. Tumunog ang phone ko, indicating na may sms ako. Binasa ko ito.

Unknown Number : This is Luke. I hope I didn't get you into trouble with your brother. Save my number please.

Me: Will save it. And no worries, got no issue with my kuya.

Luke: Okay. See you on Thurs. Good night.

Me: Good night

Para naman akong kinilig. Ewan ko, ano na ba ang nangyayari sa akin. Nahawa na ba ako kay Lexi? Naku, wag naman sana lokaret yun pagdating sa lalaki eh. Nang gabing iyon, nakatulog ako ng may mga ngiti sa labi.

Hanggang Kailan? (COMPLETED)Where stories live. Discover now