Chapter Three

4.1K 36 0
                                    

As expected, naging busy ako sa school. Madalas recess or lunch ko na lang nakakasama si Lexi or kaya pinupuntahan nya ako sa bahay. May mga time din naman na hindi talaga kami nagkakasama sa school. Madalas nakikita ko sya kasama yung mga grupo ni Luke. Okay lang naman sa akin. Busy rin naman ako sa mga extra curricular activities ko. Hindi rin naman sa lahat ng oras libre ako tuwing recess or lunch. May mga group projects kasi na madalas during breaks

Hindi ko napansin, ilang buwan na rin pala ang lumipas mula ng makasama ako dun sa sports bar na yun with Lexi. Malapit na rin ang term break. May ilang araw kaming walang pasok. Si Lexi naman, naikwento na sa akin na iba na naman ang crush nya. Kaloka talaga ang babae na ito, parang paru-paro lang ang peg. Paiba-iba ng dinadapuan. Oh, well. You go, girl!

Si Luke naman, mas naging visible naman sa akin. Nakikita ko sa mga nadadaanan ko, sa canteen. Sa basketball court. Pero hindi naman kami nag-uusap. Marami pa rin nakapalibot sa kanya. Ako naman, kasama din lagi mga kagrupo ko. Wala naman kaso, hindi naman ako affected makita ko sya o hindi, makausap o hindi. Hindi ko nga type 'di ba?

One week before our term break, kausap ko yung president ng student council. Batch representative ako sa student council. Gulat nga ako eh. Botohan kaya yun. Ang alam ko ang mga kakilala ko lang eh yung mga naging classmates ko. Pero yun nga, nanalo naman ako ng nag election for our batch representative.

"This is a good idea, Nikki." sabi ni Lia, yung student council president. "Do you think we can do this?"

Tumango ako "If we ask for reps from the math, science, language arts and social studies clubs, we'll have enough tutor." sabi ko. "of course, we need to schedule yung tutoring. Mostly during breaks or after class lang yan. Subject to availability nung tutor."

"Sige. I'll include this sa agenda ng next meeting natin for the student council." tiningnan nya ako. "After term break na ang meeting ha? Para naman maenjoy natin yung break natin" ngumisi ito.

"Sure. out of town din kasi kami ng family ko. Pero I'll try to send you details ng project bago matapos ang break."

"Sige. Una na ako, may choir practice pa ako eh." at naglakad na ito palayo sa akin.

"Pakiremind si Lexi na magkikita kami this weekend ha?" pahabol ko sa kanya. Tumango lang ito na hindi na lumingon sa akin.

That weekend nga bisita ko si Lexi si bahay. Pagpasok pa lang nakita ko na na palinga linga ito sa loob ng bahay.

"May hinahanap ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Nagtataka lang ako kung asan mga kuya mo. Weekend e." sagot nya

"Busy mga yun. Alam mo na mga binata, maraming activities" ngumisi ako sa kanya. Nginusuan naman ako ni Lexi. "Halika na doon tayo sa room ko para makapagkwentuhan tayo ng maayos."

Umakyat na kami sa room ko. Sinabihan ko lang yung isang kasambahay namin na nakasalubong ko nung paakyat kami na magdala na lang ng meryenda sa kwarto ko. Diretso naman si Lexi sa couch. I like my room. Simple lang. Malaking kama, couch, yung study table ko na may laptop sa may bintana and dun sa kabilang gilid naman ay yung attached bathroom. Hindi ako mahilig sa posters or mga abubot. Andun din sa may labas ng banyo ung dresser ko and yung closet ko. Umupo na rin ako sa couch.

"Ano na balita sayo? Hindi na kita masyado nakikita sa school. San ka ba nagsusuot?" tanong ko sa kanya

"E di syempre dun ako nakabuntot sa crush ko." humagikhik pa ito. Natawa ako sa sagot nya.

"Anong nakabuntot sa crush mo? Mas madalas ko pa nga yata makita si Luke sa mga dinadaanan ko kaysa sayo." pinandilatan ko sya. "Wala ka kaya sa grupo nya"

Hanggang Kailan? (COMPLETED)Where stories live. Discover now