Chapter Fourteen

2K 24 0
                                    

Ilang beses kaming lumabas kasama ang mga pinsan namin nung summer na iyon. Kapag araw naman ay tumutulong ako kina Mommy sa paghahanda para sa reunion. Tumutulong din sina Autumn at Lexi. Madalas din na nasa bahay namin ang ilan kong mga tito at tita.

Sabay kami ni Lexi nag-enroll. Driver lang ang kasama namin, si Kuya Gabe kasi College na. Sa Manila sya mag-aaral. Si Kuya Ty naman tutulak na din papunta sa US. Nalulungkot ako kapag naiisip na maiiwanan ako mag-isa sa Iloilo. Pero 'di ko ito pinapahalata sa pamilya ko.

Mabilis naman kami natapos ni Lexi ng pag-eenroll. Hindi nga lang sapat ang naging grades ni Lexi para maging classmate ko, pero maraming pagkakataon na pareho kami ng vacant periods. Pag-uusapan na rin namin kung anong pwedeng org ang salihan nya na kasama din ako.

Ngayon nga nag-aayos naman ako para sa reunion. Isang ballroom ng hotel ang nirent namin para maging venue. Dun na rin sa hotel na yun ang pagkain. Tulad ng nakagawian na formal ang event. May program at entertainment. May mga games din para sa mga bata at matatanda. Layunin kasi ng reunion namin na lalong paglapitin ang loob ng magkakamag-anak. Dahil nga magkakaiba na rin kami ng lugar, bibihira talaga ang ganitong mga pagkakataon.

Nakakatuwa yung mga games para sa mga teenagers na tulad ko. Ang mga lalaki talaga very competitive. Kasama na dun sila Kuya Gabe at Kuya Ty. Pagdating naman sa aming mga kababaihan, mas marami pa yata ang tawanan at tilian kaysa sa dapat namin maaccomplish sa game.

May part din kung saan inupdate ang lahat sa kung ano-ano ang mga nangyayari sa business ng pamilya, mga accomplishments, sino ang gumraduate, sino ang mga aalis, sino ikakasal at kung anu-ano pa. Every year, talagang nagsisiuwian kahit ang mga kamag-anak namin na taga ibang bansa para lang umattend nito. Dito mo na kasi makikita kung sino sa mga kamag-anak ang gusto mo makausap. Ang sarap-sarap din talaga ng pakiramdam kapag alam mo na kahit anong mangyari, may ganitong pamilya ang handang sumuporta sayo.

Siguro kaya marami sa mga kapamilya ko ang successful dahil na rin sa ganitong suporta. Parang tulad sa akin, wala akong kinatatakutan about sa career or future na gusto ko, kasi alam ko andiyan sila mommy, daddy at mga kuya ko. Idagdag pa ang mga kamag-anak ko na andito ngayon. Para naman akong baliw na gusto ko maluha ng dahil sa mga iniisip ko.

After dinner, nagsiuwian na rin naman ang mga bisita. Bukas ng umaga, may brunch at saka game activities naman sa private resort ng isa kong tito. Sigurado ako puno na naman ng games saka kainan yun. Bukas na rin naman ang last day ng reunion at yung iba magsisiuwian na rin naman sa kanya-kanyang mga lugar. Malapit na rin kasi ang pasukan at marami sa amin, mga estudyante pa.

Nalulungkot ako kasi malapit na rin umalis si Autumn. Iba rin ang saya kapag kasama sya namin ni Lexi. Bahagya naming napag-usapan kung ano ang plano para sa college. Nangako kami na kapag nasa senior na kami, pag-uusapan naming mabuti kung ano ang course na gusto namin at itatry namin kung pwede na sa iisang school lang kami.

Alam namin na papayagan naman kami ng mga magulang namin. Baka nga mas matuwa pa iyon. Ganun din naman kasi ang ginawa ng ilang pinsan namin na magkakaedad. Pumasok sa iisang university para may support system kahit paano.

"So, pano next summer na lang ulit" sabi ni Autumn

"Yes, pero kung may pagkakataon ka na dumalaw before that, gawin mo ha?" sabi ko sa kanya.

"Syempre naman. Don't be a stranger din naman. Tawagan mo ako o kaya imessage kahit sa fb lang" biro nito.

"Bihira din kasi ako sa social media kapag may pasok, pero basta tawagan mo rin ako at imessage" parang gusto ko nang umiyak.

Nagyakapan kami. Hindi na ako sumama na ihatid si Autumn sa airport. Kasama rin naman kasi nya ang mga magulang nya pauwi.

After a few days sila Kuya Gabe at Kuya Ty namann ang aalis. Naiiyak na talaga ako at ako na lang ang maiiwan dito sa Iloilo. Binibiro naman ako ng dalawa, napapansin yata na malungkot ako.

"Tandaan mo Nikki, bawal ang boyfriend" kunyari ay pinandidilatan pa ako ni Kuya Gabe. Tawanan naman sila Mommy

"Just enjoy life sis, at kapag may nang-api sayo, sabihin mo agad sa akin at ako ang bahala" sabi naman ni Kuya Ty

"Kuya, kapag may nang-api diyan kay Nikki, baka si Nikki pa mismo ang mambugbog dun, maton yang kapatid natin na yan e" sabi ni Kuya Gabe. Di na ako nakapagpigil, kinurot ko sya ng pinung-pino.

"Aray naman!" nakangisi pa rin ito, pero hinihimas kung saan ko sya kinurot. "Uuwi din naman kami dito tuwing school breaks. Kaya wag ka na malungkot. Malay mo kami ni kuya ang di makatiis, kami na lang ang uuwi dito" seryoso ito

Ngayon ko rin lang naisip na kung mahirap sa akin na malayo sila, mahirap din sa mga kuya ko. Makikipagsapalaran sila sa ibang lugar na di kasama ang pamilya. Natatakot tuloy ako na baka mahirapan sila. Wala pa man naiisip ko na kung paano sila mamumuhay eh sanay ang mga kuya ko na may nag-aasikaso sa kanila.

"Basta kuya, kapag malungkot kayo, tawagan nyo ko ha?" sabi ko sa kanila "at school atupagin nyo. 'Di puro mga chicks" biniro ko na lang

"O, halika na, baka mahuli pa kayo sa flight nyo" sabi ni Daddy.

Ihahatid lang sila nila daddy at mommy sa airport. Dun sila tutuloy sa bahay namin sa Urdaneta. After a few days naman pupunta ng Manila sila mommy, para asikasuhin din naman ang school ni Kuya Gabe at yung pagpunta naman ng US ni Kuya Ty. Hindi lang siguro nila sinamahan sina kuya ngayon, dahil baka iniisip na masyado ako malulungkot kung sabay-sabay na aalis.

Hindi na rin naman kasi ako pwede sumama pa sa Manila at magsisimula na sa Lunes ang pasok ko. Kaya nga lungkot na lungkot ako. Umaasa ako na pagpasok ko sa lunes malibang ako, o kaya baka pwede na mag-absent pa ako ng ilang araw, para makasaglit sa Manila at makasama din sila kuya kahit sandali pa.

Niyakap na ako nila Kuya Ty at Kuya Gabe. Hindi na nagtanong kung bakit hindi ko sila ihahatid sa airport. Alam naman nila na hindi ko sila ihahatid. Ayoko kasi ng naghahatid sa airport at nakikitang iniiwanan ako. Ewan ko, maliit pa ako ganun na ang pakiramdam ko. Tuwing may umaalis, kahit alam kong sandali lang o kaya babalik naman, nalulungkot ako at naiiyak. Kaya nga kahit sila mommy at daddy, hindi nageexpect na samahan ko sila sa airport sa tuwing umaalis sila.

Hinalikan pa ako ni Kuya Gabe bago sumakay ng sasakyan. Pigil na pigil ko na ang mga luha ko. Tumungo na ako. Hindi ko na hindi ko na hinintay na makaalis ang sasakyan nila. Ako na ang naunang tumalikod at pumasok ng bahay diretso paakyat sa kwarto ko.

Ang alam ko lang nasasaktan ako kapag may umaalis. Ayokong iniiwanan ako. I hate goodbyes.

Hanggang Kailan? (COMPLETED)Where stories live. Discover now