Chapter Forty Nine

2.1K 29 0
                                    

Niyakap ako ni Luke at pinupog ng halik. Yumakap ako sa kanya. Ngayon malaya ko ng maipakita at maiparamdam sa kanya kung ano ang nararamdaman ko.

"God, Nikki" bulong nya "you don't know what this means to me" patuloy pa din sya sa paghalik sa akin.

"Mas mahalaga sa akin na masabi ko sayo Luke" para akong nakawala sa isang hawla. Ang gaan ng pakiramdam ko na nasabi ko na sa kanya.

Buong magdamag naming pinuno ang kasabikan namin sa isa't isa. Para bang kaya naming punan ang mga taong hindi kami magkasama sa loob ng isang gabi. Natulog akong nakayakap at nasa dibdib ni Luke. Hindi ko kayang ipaliwanag ang kasiyahan na nasa puso ko.

Punung-puno ako ng pag-asa kinabukasan. Maaga kaming nagising at namasyal sa resort. Hindi ko mapigilan ang pamumula ng pisngi ko kapag may isa sa mga tauhan na nakikita kung gaano ka-sweet sa akin si Luke. Tinatawanan lang ako ni Luke kapag sinasaway ko sya.

"Nikki, we're adults. Hanggang ngayon nahihiya ka pa?" biro nya

"Masyado kang PDA." pinandilatan ko sya "Besides, nakakahiya dahil ang alam ng mga tauhan mo nagpunta ako dito para sa trabaho."

"Kailangan ko na naman bang pigilan ko ang sarili ko dahil sa trabaho mo Nikki" nagtatampo na sya

Bumuntong hininga ako "Never mind Luke. Sige na wag ka na magtampo" pang-aamo ko sa kanya

Nagstay pa kami ng dalawang araw sa Caramoan. Hindi dahil sa trabaho kundi dahil gusto ko pang makasama si Luke. Medyo nalulungkot ako ng paalis na kami. Nahalata naman ito ni Luke.

"We can always come back here Nikki"

Pag-uwi ng Manila, agad naman ako nakabalik sa aking routine. Madalas ay kasama ko si Luke sa mga bakanteng oras ko. Dahil sa BGC ang opisina ko, mas madali na sa dati nyang unit kami magkita. Bihira kung kami ay lumabas. Para lang katulad noong bago kami magkahiwalay. 

Namangha ako sa unang pagkakataon na bumalik ako dun. Parang walang nabago dito. Pareho pa rin ng ayos katulad ng huling andun ako.

"Paano nangyari ito?" hindi ako makapaniwala "bakit parang bago pa rin ang mga gamit?"

Humalakhak sya "Gusto kong sabihin magic" yumakap sya sa akin "but ng bumalik ako ng Pinas, the first thing I did is hanapin kung saan ako makakabili ng furniture and appliances na katulad ng nasa unit. It took me some time, pero I got most of them. Yung talagang wala na akong mahanap, pinalitan ko na lang with something as close as possible."

"But why? Bakit kailangan katulad ng gamit dati? " 

Hinarap nya ako sa kanya, "Kasi po," sabi nya "Gusto ko ipreserve yung panahon na kasama kita dito" 

Naluha ako sa sinabi nya, hinalikan ko sya. Ipinadama ko sa kanya ang pagmamahal ko. Sinuklian naman nya ang mga halik ko.  Mabilis na dumaan ang mga araw. Naayos din namin agad ang mga gagawin namin para sa resort. Parang naglalakad ako sa ulap sa mga panahong ito.

"Hoy Dominique Montinola" tinapik pa ako ni Lexi

"Ah. Lexi? Sorry" nagulat pa ako

Ngumisi ito "Madalas kong napapansin tulala ka at nangingiti" tinitigan nya ako, tumaas ang kilay "Hindi ka naman baliw" hinampas ko sya at tatawa-tawang lumayo ng konti sa akin "so, it only means one thing, in love ka no?" tukso pa nya

Namula ako. Natigil naman si Lexi sa pagbibiro. Nanlalaki ang mata. "Seriously?" nagtatalon ito at tumitili pa habang  yumakap sa akin "Sinoooooo? ang daya-daya mo bat hindi mo sinabi sa akin?" may pagtatampo sa boses nya

Tumaas ang kilay ko "Sino ba ang hindi ko mahagilap?" sya naman ngayon ang namula. "May tinatatago ka sa akin ano?" ako naman ang nanunubok sa kanya

Hanggang Kailan? (COMPLETED)Where stories live. Discover now